After nung party ay kinausap ako ni mommy at talaga namang nasermunan ako. Kilala pala niya yung matandang yon. Si Mr. Villago raw ay isa sa mga pinakasuccessful na businessmen sa buong bansa. Kilala raw ito at talaga namang wala nang mapaglagyan ang kayamanan nito. Malawak ang koneksyon nito at talaga namang walang nagnanais na kalabanin siya dahil bukod sa kakaiba ang talino nito ay talaga namang marami siyang paraan para matalo ang lahat ng kakumpetensya niya sa negosyo.
"Starting tomorrow, I'll set blind dates for you." napanganga ako sa sinabing yon ni mommy at napatingin ako sa kanya to see if she's kidding pero talagang seryoso siya. "You'll date my amiga's daughters. Let's see kung sino sa kanila ang magustuhan mo para magkagirlfriend ka na."
"Why are you doing this, mom?" nakasimangot na tanong ko habang siya naman ay nanatiling seryoso pa rin.
"Akala mo ba hindi ko alam na attracted ka sa date ni Mr. Villago? For Pete's sake Gabo, pumili ka na lang ng iba. Tigilan mo na ang babaeng yon. Marami pa diyang iba. Yung mas may class. Nakapag-aral sa magandang university at nanggaling sa disenteng pamilya. At higit sa lahat, yung SINGLE." mahabang sabi ni mom. Parang may kinurot naman sa dibdib ko nung ipagdiinan pa niyang taken na ang unang babaeng nagustuhan ko.
"Hindi pa rin tamang ikaw ang pumili ng babaeng magugustuhan ko."
"I can't believe we're having this conversation Gabo!" naiiritang reklamo ni mom. "I'm not the one choosing the girl for you. I'm just helping you out with your options."
"This is madness." seryosong sabi ko habang umiiling. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni mom ngayon.
"It's final. Makikipag-date ka sa anak ng mga kaibigan ko." mom said then she went upstairs.
---------
Talagang tinotoo nga ni mom yung sinabi niya dahil sa loob lamang ng isang linggo ay apat na babae na ang naka-date ko. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil sa ginawa ni mom dahilan para hindi kami magkibuan for days. Pero kahit may tampuhan kami ay sumisipot pa rin ako sa mga blind date na sinet nila ng mga kaibigan niya.
Meet Lyssa
The first girl na naka-date ko. Graduate ng nursing ang she's currently studying medicine sa isang kilalang university. Okay naman siya. Maganda at halatang matalino. Talaga namang may substance ang mga sinasabi niya pero sa hindi malamang dahilan ay inaantok ako habang kausap siya. Hindi siya yung tipo ng tao na gusto mong makausap magdamag dahil siya lang ang nagsasalita at wala kang choice kung hindi ang makinig.
Isa yon sa mga bagay na hinahanap ko sa isang babae. Gusto ko yung masarap kausap at hindi ako mabo-bore kahit ilang oras pa kaming magkwentuhan. At dahil don, hindi na nasundan pa ang date namin na yon.
Now, meet Cheska
Siya naman ay isang commercial at ramp model. Masasabi mong maganda at talaga namang sexy siya. Nung matapos kaming mag-dinner ay nagpunta kami sa isang overlooking na lugar. Nung una ay natuwa ako dahil may pagka-nature lover ako. Pero ilang sandali lang ay nagsimula siyang magsindi ng sigarilyo. At sa loob lang yata ng 30 minutes ay nagawa niyang maubos ang isang kaha ng sigarilyo. Tinalo pa ako ng babaeng 'to. Ako nga ay hindi naninigarilyo tapos siya ay mas matindi pa sa lalaki kung humithit ng yosi.
Major turn off yun para sa'kin at hindi ko pwedeng itolerate ang ganoong bisyo. Alam kong may mga lalaking hindi isyu ang paninigarilyo ng mga girlfriend nila pero iba ako. Hindi kailanman papasa sa'kin ang babaeng sunog-baga. Baka maaga pa akong mabyudo kapag nagpakasal ako sa babaeng 'to.
At tulad ng kay Lyssa, iyon na rin ang naging first and last date namin.
Here's Faye
Siya ang perfect example ng isang babaeng JUST ANOTHER PRETTY FACE. Talaga namang head-turner ang ganda niya at wala akong masabi sa kasekshihan niya. Magaling siyang pumorma at para siyang artista sa unang tingin. Mabait siya at palangiti. Nagulat pa nga ako nung magkwento siyang madalas siyang maloko ng mga nagiging boyfriend niya. Kung tutuusin naman, okay siya.
MALIBAN SA ISANG BAGAY.
Below sea-level yata ang I.Q. ng babaeng 'to. Hindi naman sa nilalait ko siya pero talagang slow siya. Madalas nga ay siya lang ang nakakaintindi sa mga jokes niya. Naalala ko pa nga nung bigla siyang lapitan ng kakilala niyang isa ring model habang naglalakad kami. Nagkwentuhan sila sandali at ni hindi man lang tumama sa mga tanong ng babae yung mga sinagot niya. Narinig ko pa nga yung sinabi niya habang nagbibiruan sila.
"TALK TO ME MY LAWYER. HAHAHAHA"
Okay lang sana yun eh. Palalampasin ko na lang sana ang pagsablay niya don kasi wala naman talagang perpektong babae. Ang nakakainis lang,...
UMULIT PA...
Sabi pa niya...
"GRABE NAMAN! MGA WALA SILANG BREATHING!"
Parang gustong tumambling nung kausap niya pagkatapos niyang sabihin yon. Matapos ng date na yon ay muli siyang nag-aya na lumabas kami pero tumanggi ako. Ayoko siyang paasahin sa wala kaya mas magandang hindi na lang masundan ang first date namin.
And finally, MYLES
Siya yung tipo ng babaeng prim and proper. Pino kung kumilos at magsalita. Isa siyang flight stewardess sa isang sikat na air lines sa bansa. Maganda siya at malakas ang dating. Dala na rin siguro ng tindig niya. Matalino rin at may pagka-witty.
KAYA LANG..
Wala na siyang ibang ginawa kundi ang mag-retouch. Masyado siyang conscious at pabalik-balik sa powder room. Panay pa ang pabango niya na napakatapang kaya talagang napipikon ako. Maya-maya rin ay nilalabas niya ang salamin niya para i-check ang sarili niya kaya nakaka-distract. Sanay naman ako sa mga babaeng vain dahil ganoon din ang mommy ko pero this girl is too much. Hindi ko alam kung gandang-ganda ba siya sa sarili niya kaya minu-minuto ay gusto niyang makita ang pagmumukha niya.
Wala rin kaming napag-usapan kundi tungkol sa pamilya niya, educational background, bilang ng suitors niya at maging ang history ng mga alaga niyang aso. Kahit nga yung pag-gu-gluta niya ay kinwento na rin niya.
Walang ka-thrill thrill kung tutuusin dahil siya na mismo ang nagsabi ng mga bagay na dapat ay lalaki ang unang nagtatanong. Siyempre, bilang lalaki ay gusto ko ng babaeng may pagkamisteryosa. Hindi yung unang date pa lang ay alam mo na ang halos lahat ng detalye sa kanya.
Nakakawala kasi ng challenge ang ganoon. At yun ang bagay na ayaw ng mga lalaki. Gusto namin ng challenge.
Parang yung kay Gayle.
Ooooppps.
Oo, aaminin ko na kahit ilang babae na ang nakakasama ko sa date ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko at wala man lang ni isa sa mga 'to ang nakakuha ng interes ko gaya ni Gayle.
Alam kong weird ang magkagusto sa babaeng bukod sa may karelasyon nang iba ay matindi pa ang galit sa'yo.
Pero, kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang ibaling sa iba ang nararamdaman ko.
That girl.
That challenging pretty girl.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceMinsan kahit anong taas ng standards mo wala kang magagawa kapag tinamaan ka ni kupido. Enjoy reading! :)