Hanggang sa makarating sa party ay hindi pa rin mawala sa isip ko how Gayle looked like. For me, the word beautiful is not enough to describe her. Honestly, I really don't know why she has this kind of effect on me. Like I'm being drawn to her anytime I see her face. It's as if she has this kind of power that will hypnotize you, something that will make you look at her and never want to look away.
"You like her, don't you?" mom asked out of the blue when the valet approached us and asked for the car keys.
"Mom?" I seriously don't know what to tell her.
"I just noticed how you looked at her. It's like you seeing the rainbow for the first time. You were so amazed." mom commented. I just sighed after hearing this."Hey, nanay mo ako at sa akin ka nanggaling kaya kahit 5 years pa tayong hindi magkasama under one roof eh alam ko yang mga ganyang reaksyon mo." she added. Hindi ko alam na nakita pala ni mom na nakatingin ako kay Gayle kanina.
"Mom, let's just not talk about it please." I pleaded coz I don't know what to say kapag nagtanong siya tungkol kay Gayle at kung paano ko siya nakilala. Hindi ko alam pero parang naging defensive ako for her at this moment. I don't want mom to judge her. Knowing her, mahirap siyang i-please at alam kong mahihirapan ang sinumang babae na kunin ang kiliti niya. Maybe it's one of the reasons why I preferred flings and not serious relationship. Hindi na rin naman nagpumilit si mom kaya pumasok na kami sa loob ng venue.
"Carmina! What a lovely woman out there! Nice to see you here!" a man suddenly appeared out of nowhere at nagbeso sila ni mom.
"Thank you, Peter! You're so handsome! Wala kang kupas." mom replied at nagkatawanan sila. "By the way, remember my son, Gabo? He was still a little boy when you last saw him." mom said referring to me. The man smiled at me so I smiled back.
"Oh yeah. I remember him. I'm Peter. It's nice to see you again."
"I'm Gabo. Nice to meet you."
---------
I just let my mom talk to her friends while I went to the bar and tasted the wines available. Muli kong naisip si Gayle. Hindi ko kailanman makakalimutan yung itsura niya kanina.
"Bro!" narining kong tawag ni Karl na umupo sa katabi kong stool. Agad naman akong napalingon sa kanya.
"Where's Elise? I thought she's your date tonight." tanong ko nang mapansin kong hindi niya kasama ang girlfriend niya.
"Nag-washroom lang siya. Si tita?" tanong naman niya habang nililibot ang paningin niya.
"With her friends." I said.
"You know what, I saw her." sabi uli ni Karl.
Nagtaka naman ako kung sino ang tinutukoy niya. "Who?"
"Si very pretty young lady!"
"H-ha? Eh ano nam--- What? Si Gayle? She's here?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko kaya bigla akong kumuha ng isang basong tubig at ininom yun. "Seryoso ka?"
"Oo nga! Nakasabay namin siya ni Elise sa entrance kanina. Kasama niya yung matandang syota niya." sabi pa niya.
"Saan mo siya huling nakita?"
"Doon banda." turo niya sa isang table malapit sa grand piano pero wala na roon and babae. "Oh, saan ka pupunta?" tanong niya nung bigla akong tumayo.
"I'll look for her." sagot ko at nagsimula nang maglakad.
"Sama ko, bro!" sabi niya at tsaka sumunod sa'kin. Taka naman akong nilingon siya. "Maybe you need back-up. Hehe."
Naglakad-lakad kami pero hindi namin talaga makita kung nasaan si Gayle samantalang yung matandang asungot ay nakita naming may mga kausap at nakita kong isa si mommy sa mga yon.
"Nasaan na ba kasi yon?" naiinis na tanong ko habang patuloy sa paghahanap sa kanya.
"Mukhang matinik ang Gayle na yon, bro." komento naman ni Karl.
"Ako ba ang hinahanap nyo?" sabay kaming napalingon ni Karl nang marinig naming may magsalita sa bandang likod namin.
Only to find out that Gayle is in front of us.
"H-hi. M-mas maganda ka pala sa malapitan. Hehe." nauutal na sabi ni Karl.
"Ano bang kailangan nyo sa'kin? Kanina ko pa kasi naririnig ang pangalan ko." she said then looked at me. "Ikaw na naman?!" naiiritang tanong niya. "Ano bang trip mo at ayaw mo akong tantanan?!"
"I... I just want to say s-sorry for what happened last time." buti na lang at nakaisip agad ako ng excuse. Ayoko namang isipin niyang ini-stalk namin siya.
"Ah. Yeah. Last time. When you were asking me to spend the night with you and you'll even double my price, remember?" she said then smirked. Nakaramdam ako ng sobrang pagkapahiya nang mismong sa kanya manggaling ang bagay na yon. "Tapos nung hindi ako pumayag, you kissed me." bakas ang galit sa tono ng pananalita niya kaya napayuko na lang ako.
"I'm really sorry." wala na akong ibang masabi kundi sorry.
"It's just funny na pagkatapos mo akong presyuhan na para akong isang bagay na tinitinda sa palengke ay magsosorry ka ngayon. Unbelievable." bahagya pa siyang natawa sa sinabi niya. "Well, sorry. Dahil kahit anong gawin mo ay hinding-hindi mo kayang tapatan ng pera ang oras ko."
"What's going on here? Ginugulo ka ba ng mga lalaking 'to?" nagulat ako nang may biglang magsalita. Hindi namin namalayang nakalapit na sa'min yung matandang kasama ni Gayle kasama si mommy. Nakita kong pati si Elise ay nakalapit na rin sa'min na bakas ang pagtataka sa mukha.
"I want to go home. Excuse me." sabi ni Gayle at tinalikuran kami. Nagsimula na itong maglakad palayo habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang bumuntung-hininga na lang.
"I'm sorry. Excuse us please." sumunod naman agad yung matanda kay Gayle pagkatapos niyang magpaalam kay mommy. Ngumiti lang si mommy sa kanya at tsaka tumingin sa'kin.
"Mag-uusap tayo sa bahay, Gabo." seryosong sabi ni mom kaya kinabahan ako. Tumalikod na si mom at lumapit sa mga kaibigan niya. Napaupo naman ako dahil parang nanghina yung mga tuhod ko dahil sa nangyari. Hindi ko rin maalis yung inis ko nung makita kong parang bakod na bakod yung matanda kay Gayle. Sabagay, sino ba namang hindi mambabakod kapag ganon kaganda yung girlfriend mo? Kahit naman siguro ako ay magiging overprotective kung si Gayle ang magiging girlfriend ko.
"Okay ka lang, pare?" nag-aalalang baling sa'kin ni Karl. Tumango lang ako bilang sagot. "Grabe, ang taray niya bro. Pero ang ganda-ganda niya pala talaga. At ang se-- Aaaarrraaaay!" hindi na naituloy ni Karl yung sasabihin niya nung bigla siyang kinurot sa tagiliran ni Elise. Oh, loko. Wala talagang kadala-dala eh.
"Nawala lang ako saglit, lumalandi ka na naman. Wala ka na talagang piniling oras at lugar. Mapa-bar, kotse o kahit sa ganitong party pa." panenermon ni Elise sa kanya.
"Sorry naman, baby. Marunong lang kumilatis. Talaga namang maganda at sexy yung si Gayle. Sayang lang at pumatol siya sa matan--- Ano ba naman 'tong bibig ko, ang hirap pigilan." biglang bawi ni Karl dahil akmang kukurutin na naman siya ni Elise. Parang bigla ko naman gustong matawa sa kanilang dalawa. Comedy talaga kahit kailan kapag silang dalawa ang nasa eksena. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceMinsan kahit anong taas ng standards mo wala kang magagawa kapag tinamaan ka ni kupido. Enjoy reading! :)