Chapter 5

35 3 0
                                    

"Wake up sleepyhead. Come on! Tanghali na oh!" narinig kong sabi ni mommy habang niyuyugyog yung balikat ko kaya naman kahit antok na antok pa ako ay pilit kong minulat ang mga mata ko.

"Hey mom. Morning. Still sleepy. Sorry." I greeted then closed my eyes again.

I was about to get some sleep again but she tried to tickle me. "No! Wake up, Gabo! Aalis tayo." niyugyog niya uli ang balikat ko.

"Mom naman eh! Please stop it. I still want to sleep." I complained but bumangon na ako. Alam ko namang hindi ako titigilan nitong mommy ko. Mas makulit pa yata 'to kesa sa toddler eh. Sumandal ako sa headboard ng kama at tsaka tumingin sa kanya.

"Good morning, handsome!" exaggerated na bati sa'kin ni mommy.

"Ano ba kasi yon mom? Inistorbo mo ang tulog ko eh." humihikab pang tanong ko sa kanya.

"I'm invited to a party and I need something to wear. The party is tomorrow night, remember? Kaya maligo ka na at samahan mo 'ko." parang batang sabi ni mom. Tsk. Such a spoiled bratt.

"Marami ka namang dress diyan ah. Yung favorite black dress mo na lang yung suotin mo. Sobrang sexy mo kaya dun." sana kumagat siya sa pang-uuto ko. Parang-awa na gusto ko pang matulog eh.

"Medyo sumikip sa'kin yung mga dress ko eh." nakangusong reklamo naman niya. "Kasalanan mo kasi." dagdag pa niya na may kasamang irap.

"Oh, bakit naman pati ako nadamay na?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Simula kasi nung bumalik ka dito sa pinas puro tayo kain. Ang takaw mo masyado kaya nahawa ako. Ayan tuloy, ang taba ko na. Kaya dapat lang na samahan mo ako." tsk. Ako pa ngayon ang may kasalanan eh siya naman 'tong kain ng kain.

"No. Umalis ka mag-isa." I said.

Bigla siyang sumimangot at hinampas ako ng unan. "Gabo!"

"Joke lang. Hindi ka na mabiro ngayon ah. Haha." sabi ko at tsaka ako tumayo. "You pretty little witch." asar ko sa kanya sabay mabilis na tumakbo papuntang bathroom. Nakita kong humabol siya kaya agad kong ni-lock yung pinto. Wew!

"You're such a bad son, ever!" narinig kong sigaw ni mommy sa labas ng pinto ng bathroom kaya mas lalo akong natawa.

--------

Pumunta kami sa malapit na mall at sinamahan ko si mommy sa paborito niyang shop ng mga damit. Ang tagal na namin sa loob ng shop pero hindi pa rin siya nakakapili ng bibilhin niya. This is one of the things that I hate about girls. Ang tagal nilang magshopping kahit isang piraso lang naman ng damit ang bibilhin nila.

Sa sobrang tagal ni mom makapili ay ginutom ako kaya kumain muna kami sa foodcourt. Gusto raw niya ng sisig eh. Habang kumakain ay napansin kong panay ang tingin ng dalawang babae sa kabilang table.

"Ang gwapo naman nun." I heard one of them whispered. Malakas na bulong nga lang kaya rinig na rinig ko pa rin. Nakita ko namang napangiti si mommy sabay kindat sa'kin.

"Oo nga friend. Kaya lang mukhang dyowa niya yung kasama niya. Sayang si kuya." the other girl commented. Tsk. Magko-conclude na nga lang mali-mali pa.

"Eh parang nanay na niya yan ah. Maganda siya pero matanda na siya para kay kuya." eh mommy ko naman kasi talaga ang kasama ko. Napapailing na lang akong napatingin kay mom but she's just smiling at me. Yung pa-cute na smile. Akala mo naman teenager.

"Eh tingnan mo nga, sobrang sweet kaya nila. Isa pa, uso naman yan ngayon. Mga gwapong lalaking pumapatol sa mga matandang babae." sabi pa uli ng isa.

"Ganun ba yun? Hindi sila bagay. Ang tanda na nung babae." parang nandidiri pang komento nung isa. How I wish they could whisper in a way that the people they are talking about won't hear them. When I looked at mom, nakataas na ang kilay niya. Alam kong naiinis na siya.

My Kind of Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon