Chapter 2

41 2 0
                                    

Friday night. Inaya ako ni Karl na pumunta sa bar na pag-aari ng uncle niya. Sa totoo lang ay matagal nang kinukwento ni Karl sa'kin tong bar na 'to eh. Kahit nga nung nasa Paris pa'ko inaaya na niya kong bumisita dito pag-uwi ko ng pinas. Pumayag ako kasi ang tagal ko rin namang hindi nakagimik.

"Maraming hot chick dito pare." sabi ni Karl na tuwang-tuwa sa kakatingin sa mga babaeng nagsasayaw sa dancefloor. Tibay talaga nito.

"Wala ka talagang pinipili no?" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Aray namaaan! Ano ka ba, gusto ko lang mag-enjoy. Tsaka wala naman si Elise e." dahilan pa nito.

"Hey, Karl! Wanna dance?" sabi ng isang babaeng palapit sa'min. Kumapit pa ito sa braso ni Karl tsaka bumulong. "May kasama ka pala. Gwapo ah. Pakilala mo naman." Bubulong pa e narinig ko naman.

Tumawa si Karl kasi alam niyang ayoko sa mga babaeng unang nagpapakita ng motibo. "Si Gabo nga pala. Bestfriend ko. Kauuwi lang niya 2 weeks ago galing Paris. Single pa yan." sabi ni Karl sabay kindat sa'kin. Pinandilatan ko naman siya ng mata. Bestfriend ko 'to pero hindi ako katulad nitong playboy.

"May nakalimutan ako sa kotse. Kunin ko lang." pag-iwas ko.

Lumabas ako para magpahangin. Grabe. Hindi ako makapaniwalang ibebenta ako ni Karl ng ganun na lang. Habang naglalakad sa parking lot ay may nakita akong lalaking pasuray-suray na may kasamang babaeng umaalalay sa kanya. Madilim yung lugar kaya hindi ko makita mga mukha nila.

"Ano ba! Umayos ka nga! Ang bigat-bigat mo kaya!!" sigaw nung babae sa kasama niya.

"M-mahal na mahal kita e. Wag m-mo ko iiw--aan." sagot naman nung lalaki.

"Tumigil ka nga sa kakaganyan mo! Iinom ka hindi mo pala kaya." sagot uli nung babae.

"K-kasssi naman eeeeh. Hin-di k-ko na k-kaya." sabi nung lalaki at patuloy na itong tumumba.

"Dave! Naku naman oh! Hindi kita kayang buhatin eh!" pinipilit nung babaeng buhatin yung lalaking nakahiga na sa kalye. At yun ang naging cue ko para lumapit sa kanila.

"Hey miss, you need some help?" sabi ko sa babaeng hirap na hirap itayo yung lalaking kasama niya. Nag-angat ng mukha yung babae nung nagsalita ako kaya nagulat pa ako nung makilala ko siya.

"V-very pretty young lady?" napahawak ako sa bibig ko nung marealize ko kung ano yung tinawag ko sa kanya. Eh hindi ko naman kasi alam pangalan niya. Kasalanan 'to ni Karl. Pati ako ay nahawa na sa kamanyakan nun.

"H-ha?" tanong niyang halatang nagtataka.

"Let me help you carry him." hinawakan ko na yung braso nung lalaki at inangat ito. Hinawakan naman niya yung kabilang braso. Hindi na lang ako nagpahalatang apektado ako sa presensya niya.

"Doon banda yung kotse niya." sabi nito sabay turo sa pulang kotseng nakaparada malapit sa kotse ko. Dahan-dahan kaming naglakad habang nakaalalay sa lalaking kasama niya.

Nang malapit na kami sa kotse nung lalaki, bigla naman itong nagsuka. Hinila ko siya sa tabi para dun sumuka at hindi magkalat sa kalsada. Pareho naming hawak nung babae ang magkabilang braso nung lalaki. Hindi ko alam pero parang may isang bagay na nag-uutos sa'kin para tingnan yung babaeng kasama ko ngayon. Nakashirt at jeans lang siya. Nakatali ang bahagyang gulong buhok niya at walang kahit anong make-up o kolorete sa katawan. Naka-backpack siya at nakasuot pa ng school I.D.

Hmm. Mukhang galing pa sa school ‘to.

Napakasimple niya kung tutuusin. Malayo sa babaeng una kong nakita sa restaurant nung gabing yon. Pero kahit simple lang ang ayos niya ay napakaganda pa rin niya. Mahahalata mong pagod na siya base sa mga mata niyang parang antok na antok na.

“H-hindi ko na k-kaya. Ang sh-sakit sakit na.” biglang humagulgol yung lalaki at biglang lumuhod sa harap ng babae. Halatang nagulat din yung babae sa ginawa nung lalaking kasama niya.

“P-please… Bumalik ka na sa’kin. Kahit ano gagawin ko basta bumalik ka lang.” Umiiyak pa ring pakiusap nito samantalahang siya naman ay pinipilit na tumingin sa ibang bagay.

“Tumigil ka na, Dave! Tara na, ihahatid na kita.” Sagot nung babae na tila naiinis na.

Naguguluhan ako sa mga nakikita ko. Isang lalaking lasing na lasing at nagmamakaawang balikan ng babaeng may karelasyon nang matanda.

“May i-iba na ba? Please, ako na lang uli.” Muli pang pakiusap nung lalaki. Pagtingin ko sa babae, nakita kong sunud-sunod ang pagtulo ng luha niya. Shit! Is this really happening? Talaga bang witness ako sa ganitong klase ng eksena? 

"Tama na please. Hindi na talaga pwede e." humihikbing sabi ng babae. Nararamdaman kong hirap na hirap na siya sa sitwasyon. Gustung-gusto ko siyang hilahin at punasan yung mga luha niya pero hindi ko magawa.

"Talaga bang pera ang dahilan? Tama ba talaga sila mommy?" bakas sa tono ng lalaki ang galit. Pinilit nitong tumayo at humarap sa babae. Nakita kong nagsalubong ang kilay ng kasama niya.

"Isipin mo na ang gusto mong isipin. Tapos na tayo." sagot nung babae habang nagpupunas ng luha.

"Dave, pare!" tawag ng isang lalaking palapit sa'min. Agad itong umalalay sa tinawag niyang Dave nung bigla itong tumumba. Mukhang tulog na.

"Are you okay? Ano bang nangyari?" tanong nito sa babae.

"Pakihatid na siya sa kanila, please. At pakisabi na ring tigilan na niya ako. Masaya na 'ko sa buhay ko ngayon." sagot nung babae at saka nagsimulang maglakad palayo.

Sumunod ako sa kanya. Nung mapansin niyang simusundan ko siya ay huminto siya at humarap sa'kin. 

"What now?" iritadong tanong niya.

"I-Ihahatid na kita." biglang sagot ko.

"Nagpapatawa ka ba? Do you really think na sasama ako sa'yo?" she asked in a sarcastic tone. 

Then suddenly, a car appeared in front of us. Bumukas yung bintana nung nasa driver's seat at may lalaking dumungaw.

"Hey. Magkano?" tawag nito sa babae.

"Ten thousand. Ano, kaya ba?" nagulat ako sa sinagot nung babae. Anong ten thousand? Is she...

"Call. Tara na." binuksan pa nito yung passenger's seat at agad na sumakay yung babae. Nakatulala lang ako hanggang sa makaalis yung kotse.

I don't understand why I have this feeling. 

Disappointment?

Frustration?

No.

I think I'm hurt. Do I really like that kind of girl?

My phone suddenly rang. 

Karl calling...

"Hello?" I greeted.

"Asan ka na? Tara na dito sa loob." tanong agad ni Karl. Masyadong malakas ang tugtog sa background kaya hindi ko siya masyadong marinig.

"Pabalik na 'ko. Hindi kita marinig. Ibababa ko na 'to." I said then ended the call. 

My Kind of Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon