Chapter 3

40 2 0
                                    

One week.

One week has passed and I didn't have another chance to see that girl again. Hindi ko alam pero simula nung gabing yon ay hindi na ako natahimik. Ang daming gumugulo sa isip ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung ano na talagang nararamdaman ko para sa kanya.

That girl.

I don't even know her but why does she have this effect on me? This is not so me. I was never this interested to any girl. Ngayon lang. At parang sa maling tao pa. Tsk.

Sino ka ba talaga? At ano bang ginagawa mo sa'kin?

Nandito kami ngayon ni Karl sa bar kung saan ko nakita ang babaeng yon. Nasa loob si Karl at nambababae na naman while I chose to stay in the car. I really can't stand those girls. Parang mga sawa kung pumulupot e. Medyo nakainom na rin ako kaya lumabas ako para magpawala ng tama.

I sighed heavily nung maisip ko na naman siya. Mukhang lumalala na 'ko ah. Hindi na nakakatuwa. I shook my head as if trying to erase her memory. Then, someone caught my attention. 

"Bingo!" nakita ko uli yung babae na naglalakad sa parking lot. Agad akong bumaba ng kotse para lapitan siya. 

What the heck?!!

Biglang nag-init yung ulo ko nung makita kong may kasunod siyang lalaki at may inabot sa kanyang pera. Medyo madilim sa pwesto ko kaya hindi nila ako mapapansin. Medyo lumapit pa'ko para marinig ko kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Thank you. You're the best! Next time uli." sabi nung lalaki na parang masayang-masaya. Shit! I don't even want to imagine what they did.

"No prob! Nag-enjoy din naman ako e. Pero teka, ba't parang ang laki naman yata nitong bayad mo?" tanong nung babae na bakas ang pagtataka sa mukha.

"Sobrang galing mo kasi! Tama nga yung sabi ng kaibigan ko. Hindi mo 'ko binigo. You even exceeded my expectation." the guy said with full of admiration. What the hell is he talking about? I suddenly feel like I want to punch this guy.

"Thank you. Sige na, uuwi na 'ko. Goodnight." sagot naman nung babae.

"Sige. Ingat ka." sabi uli nung lalaki at tsaka muling pumasok sa katabing bar na pinuntahan namin. Nakita kong nagsimula nang maglakad palayo yung babae at agad ko naman siyang sinundan. Parang naramdaman naman niyang may sumusunod sa kanya kaya huminto siya sa paglalakad at lumingon sa likuran niya.

"Ikaw na naman?" parang naiiritang tanong niya nang makita ako.

"You again." parang hindi makapaniwalang sabi ko. Nakita ko namang kumunot ang noo niya.

"Anong kailangan mo?" walang interes na tanong niya uli.

"You." 

"W-what?" halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"What are you doing to me? Sino ka ba talaga?"

"What am I doing to you? Pinagtitripan mo ba 'ko, ha?" 

"Bakit ka nagpapabayad? Magkano ba ang kailangan mo para tumigil ka na sa ginagawa mo? Sabihin mo sa'kin kung magkano!" hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga bagay na 'to sa kanya. Siguro ay dahil nga nakainom ako. 

"Naka-drugs ka ba?!" halatang naiinis na siya pero wala akong pakialam. Gusto kong malaman kung bakit kailangan niyang gawin ang ganoong bagay. 

"Magkano ba?" nanghihinang tanong ko sa kanya. Lumapit ako at hinawakan siya sa braso. "Please tell me kung magkano ang kailangan mo at dodoblehin ko. O kaya gagawin ko pang triple kung gusto mo. Just tell me." 

"Ano ba?! Wag mo nga akong hawakan!" binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak ko. She's mad but I can't stop now. 

"Spend the night with me and I'll pay you. Mas malaki pa sa binayad ng lalaking kausap mo kanina. Just spend time with me coz I want to know you so bad. Please." bigla naman siyang tumawa pagkasabi ko non. "Anong nakakatawa?"

"Ikaw. Nakakatawa ka."

"Alam ba ng matandang karelasyon mo ang ginagawa mo? Isa ba siya sa mga customer mo o nagsasama na kayo? Bata ka pa. Iwanan mo na siya habang maaga pa. Marami pang lalaki diyan."

"Ano bang alam mo sa buhay ko?!" sigaw niya sa'kin. 

"Wala. Kaya nga gusto kitang makilala eh. Sumama ka na kasi sa'kin." muli ko siyang hinawakan sa braso.

"Sorry. Sapat na ang kinita ko ngayong gabi." sagot niya na may halong sarcasm.

"Dodoblehin ko nga!" hindi ko namalayang nasigawan ko siya out of frustration.

"Hindi mo 'ko afford. Kahit anong gawin mo, hindi mo 'ko afford." sabi niya sabay talikod pero hinila ko siya at hinarap sa'kin. I stared at her and.....

I KISSED HER ON THE LIPS...

"Uhmmmmmmmmp.." tinulak niya ako bigla nang makakuha siya ng pagkakaton.

PAAAAAAAAAAK

SHE SLAPPED ME.

Malakas na malakas. Sa sobrang lakas ay ramdam na ramdam kong namumula na ang pisngi ko na nakatagilid pa rin dahil sa impact nung sampal niya.

"Isa kang malaking GAGO! Manyak!" nangangatog sa galit na sigaw niya sa'kin.

"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadyang gawin yon. I'm really sorry." nakayukong sabi ko pa. Hindi ako 'to e. Hindi ko ugaling mambastos ng babae. She's right. Ang gago ko. Sobrang gago.

"Hindi mo ako kilala kaya wag na wag mo akong huhusgahan. Kung ano man ang gawin ko sa buhay ko, LABAS ka na don. At higit sa lahat, WALA KANG PAKIALAM!" garalgal na ang boses niya. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil umiiyak na siya. Nung nag-angat ko ako ng tingin ay nakita kong namamasa na ang mga mata niya hanggang sa tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. STUPID! Umiiyak siya nang dahil sa kagaguhan ko.

"I'm sorry." nasabi ko na lang pero tumalikod na siya at umalis. Wala na akong nagawa kundi bumalik sa kotse. 

"Bro!" I saw Karl standing in front of my car. "Saan ka ba galing? Nangchicks ka no?!" he teased.

"I saw her." 

"Si very pretty young lady?!" masayang tanong niya. "Oh e bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ba dapat ay masaya ka dahil nakita mo siya uli?" 

"I saw her with a guy."

"Yung matandang kasama niya sa coffee shop?" takang tanong niya.

"No. This is another guy. Nakita kong inabutan siya ng pera nung lalaki." 

"Oh Fvck! This is bullshit! Then?" 

"She slapped me." sabi ko habang hawak ang pisngi kung saan niya ako sinampal.

"Ano? Eh bakit ka niya sinampal?!" gulat na gulat na tanong niya.

"I kissed her."

"What??!! Bakit mo naman ginawa yon?! Hindi ka naman ganyan ah?!"

"I don't know. I was so frustrated."

"Pero ang labo pare!" naguguluhang komento pa ni Karl.

"Anong malabo?" I asked.

"Eh sumasama nga siya sa kahit sinong lalaki tapos magagalit siya dahil hinalikan mo? Baka naman may bayad din yung paghalik sa kanya." 

"Nakita ko pa siyang umiyak. Pare ang gago-gago ko!" bigla kong sinipa yung gutter sa sobrang inis ko sa sarili ko.

"Stop it, Gabo!" awat sa'kin ni Karl. Hawak niya ako sa magkabilang braso ko. "Nangyari na eh."

"Hindi ko naman sinasadya eh. Maski ako nagulat sa ginawa ko." napaupo ako sa gutter at ganoon din ang ginawa ni Karl.

"Apologize to her." takang napatingin ako kay Karl nang sabihin niya yon.

"Anong sabi mo?"

"Mag-sorry ka sa kanya kung talagang guilty ka."

"Pano ko naman gagawin yon?"

"You need to find her. Yun ay kung willing ka talagang mag-apologize." 

My Kind of Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon