Chapter 11

20 0 0
                                    

Sa loob ng ilang minuto ay para lang akong tangang nanonood ng isang magandang scene ng movie. Nakuha ko lang ang atensyon nila nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Pareho silang tumingin sa'kin na para bang nagtatanong kung sino yung tumatawag.

"Ah... Tumatawag yung mommy ko. Excuse me." sabi ko na lang at tsaka lumabas ng kwarto. "Yes mom?"

"Umuwi ka na. May bisita ka dito na kanina pa naghihintay." sabi ni mom at bigla naman akong kinabahan. Kung si Karl ang sinasabi niyang bisita ko ay baka magtaka si mom kung saan ako nag-stay the whole night. Alam kong mas lalo lang kaming magkakaroon ng problema ni mom kapag nalaman niya ang nangyari kagabi lalong-lalo na kapag nalaman niya kung sino ang kasama ko.

"Sige po. Pauwi na 'ko." yun na lang ang nagawa kong sabihin.

"Ingat ka. Bye." mom said then she hung up. I immediately dialled Karl's number and he answered on the second ring.

"Hello, bro? Nakauwi ka na?" tanong niya agad pagkasagot nung tawag.

Nakahinga ako ng maluwag. Isa lang ang ibig sabihin ng tanong niya, hindi siya ang taong naghihintay sa'kin sa bahay. "Hindi pa. Nandito ako sa hospital ngayon."

"Ano?!!! Bakit anong nangyari sa'yo?!!! Nadisgrasya ka ba?!!!" naaalarmang tanong niya.

"Hindi. Si Gayle kas--"

"Anong nangyari kay Gayle?!!! Okay lang ba siya??!! Nasugatan ba?? Naku magpepeklat yon, sayang yung kinis ng balat niya!!" mas natatarantang tanong niya pagkarinig nung pangalan ni Gayle. Sipain ko kaya 'to. Wala raw gusto kay Gayle pero puro kamanyakan ang iniisip.

"Ano ba?!!! Pagsalitain mo nga muna 'ko! Ang OA mo eh!!" sigaw ko at natahimik naman siya. " Gayle is fine. May tumawag sa kanya at sinabing dinala sa hospital yung matanda. Sinamahan ko siya kasi wala siyang sasakyan kaya ako nandito ngayon." mahabang paliwang ko.

"Ahh. Akala ko naman kung ano nang nangyari. Good to know that you're both okay. Pero tekaaaaaa, sa inyong dalawa ba eh walang NANGYARI? Hehe." natatawang biro niya at talagang nagsalubong ang mga kilay ko. Alam na alam ko naman kung ano ang ibig sabihin niya sa tanong na yon.

"Siraulo!!! Ang dumi ng isip mo kahit kailan!!" napipikong bulyaw ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Hahaha. Binibiro ka lang eh! Pikon ka talaga kahit kailan." katwiran naman ni Karl.

"Ang pangit mo kasi magbiro. Isa pa talaga at ibubuko na kita kay Elise. Puro kamanyakan ang nasa isip mo eh." ramdam na ramdam ko ang pagsalubong ng mga kilay ko dahil sa inis sa kanya.

"Haha. Oo na. Titigil na 'ko. Pikon na seloso pa." natatawang dagdag pa niya. "Nanakot ka pang isusumbong ako kay Elise ah. Eh hindi pa nga magaling yung pasa ko sa braso dahil sa hampas nun eh. Hindi ka na naawa sa'kin." reklamo naman niya. Gusto kong matawa nung maisip ko ang itsura ngayon ni Karl habang sinasabi niya ang mga 'to. Malamang ay nakanguso na naman ito. Hahaha.

"Dapat lang sa'yo yan. Hahaha. " pang-aasar ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo!! Oo nga pala! Tumawag yung mommy mo at hinahanap ka." sabi ni Karl.

"Anong sinabi mo?!!" this time ako naman ang biglang nagpanic dahil baka sinabi ni Karl na kasama ko si Gayle kagabi. Hindi pa rin kasi kami nagkakaayos ni mommy dahil sa nangyari nung party.

"Sabi ko, nag-inuman tayo at nalasing ka kaya hindi na kita pinauwi. Yun lang. Pupunta nga dapat ako sa inyo kaya lang baka wala ka pa at mabisto tayo." sagot ni Karl. I sighed. Buti na lang at nakaramdam si loko at hindi na tinuloy yung balak niyang pumunta sa bahay.

"Yun lang? Good. Thanks Karl. Akala ko nilaglag mo na 'ko eh."

"Pwede ba naman yun? Ikaw lang eh. Hahaha."

"Sige na, uuwi muna ako. May naghihintay raw na bisita sa bahay. Akala ko nga ikaw yung tinutukoy ni mom kaya tinawagan kita."

"Bisita?? Sino naman kaya yon? Naku, baka chick na naman yan at another blind date. Tsk tsk." nag-aalalang sabi niya at napabuntong-hininga naman ako dahil naisip kong baka tama siya.

"Sige na. Usap na lang tayo mamaya. Thanks uli. Bye." sabi ko sabay end ng call. Kumatok ako at muling pumasok sa kwarto. "I'm sorry about that. By the way, I need to go home."

"Nakakahiya naman sa'yo. Thank you at sinamahan mo'ko dito." nakangiting sagot naman ni Gayle.

"Salamat Kabo. Sana ay makadalaw ka uli." sabi naman ni Mr. Villago.

"Ah, hehehe. Gabo po hindi Kabo." sagot ko at nagkatawanan sila ni Gayle.

"My bad. I'm not good with names." sincere na sabi nung matanda.

"It's okay sir. I'll go ahead." sabi ko at binuksan yung pinto. Nakita kong tumayo si Gayle at sumunod nung makalabas ako ng kwarto.

"Uhmm. Gabo?"

"Hmmm?"

"Thank you ah. Alam kong hindi maganda yung pakikitungo ko sa'yo pero ginawan mo pa rin ako ng pabor. Thanks for your time. I really appreciate it." sabi niya at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.

NIYAKAP NIYA AKO..

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Kakaiba talaga ang babaeng 'to. Ano bang meron sa kanya at ganito ang epekto ng bawat kilos niya sa katawan ko? Tsk.

"Oh? Anong nangyari sa'yo? Bakit parang bigla kang namutla?" nagtatakang tanong niya nung maghiwalay kami sa pagkakayakap. Nakaramdam naman ako ng biglang pagkailang dahil sa tingin niya.

"Ah.. W-wala 'to. You're welcome. Sige, alis na 'ko." nahihiyang sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Ingat ka. Dalaw ka 'pag libre ka ah." sabi ni Gayle na ngumiti pa.

"Sure. Bye. I hope Mr. Villago gets well soon." muling ngumiti si Gayle pagkasabi ko non pero sakit naman ang epekto nun sa'kin knowing that he cares for the old man so much. Aaminin kong nakaramdam ako ng matinding insecurity kay Mr. Villago.

---------------------

Nagulat ako nung pagdating ko sa bahay ay si Denise ang una kong nakita. Nakaupo siya sa sofa sa sala habang tumitingin sa isang photo album. Alam kong photo album ko simula pagkabata ang tinitingnan niya.

"Denise? What are you doing here?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nung makita naman niya 'ko ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap.

"Finally, you're home! Kanina pa 'ko naghihintay sa'yo eh." maarteng sabi niya na hindi pa rin bumibitiw sa'kin. Kailan pa ba kami naging ganito ka-close para yumakap siya ng ganito? Tsk.

"What are you doing here?" seryosong tanong ko sa kanya.

"I just wanna say sorry about yesterday. I was just so frustrated." sagot niya naman habang seryosong nakatingin sa'kin.

"Forget it." tanging sagot ko.

"So, okay na tayo?" nang-aakit na tanong niya.

"Okay naman tayo ah." nagtatakang sabi ko sa kanya.

"I mean, about the da--?"

"I'm sorry Denise but I'm really tired right now. I need to sleep, so if you'll excuse me." sabi ko at nilayo ang katawan niya sa katawan ko. Ewan ko ba pero after what happened, parang hindi ko kayang madikit sa kanya ng matagal. Para bang nagkakaroon ako ng allergic reaction kapag nakadikit siya sa'kin. Tumingin siya sa'kin at nakita ko ang frustration sa mukha niya. Hindi naman na siya nagpumilit pa kaya umakyat na ako sa kwarto ko para nagpahinga.

My Kind of Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon