Sa sobrang pagkaenjoy ko kasama sila Mr. Villago at Gayle ay hindi ko na napansin ang oras. Nang pagtingin ko sa wrist watch ko ay 7:00 pm na pala. Marami kaming napag-usapan ni Mr. Villago tungkol sa pag-stay ko sa Paris at ang mga kalokohan niya nung kabataan daw niya.
"Eh ikaw naman hijo, ilan na ba ang naging nobya mo?" biglang tanong ni Mr. Villago na ikinagulat ko naman dahi maging si Gayle ay nakatingin din sa'kin na parang nag-aabang ng sagot ko.
"Ah, eh....." hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil baka isang mali ko lang, bad shot agad ako kay Mr. Villago lalong-lalo na sa apo niya. Tsk.
"Wag mong sabihing wala ka pang nagiging girlfriend, Gabo?" haaaay. Sa wakas tumama rin si Mr. Villago sa pangalan ko. Hahaha.
"To be honest sir, wala pa po. Pero may mga naging close sa'kin na girls sa US before. Hindi nga lang po nag-end sa relasyon." sagot ko.
"Parang mahirap maniwala diyan. Ang gwapo mo kaya. Imposible namang wala ka pang naging girlfriend." sabat ni Gayle at napatulala naman ako. Tinawag niya akong gwapo. So, it means napapansin din naman pala niya ako. Pogi points yun. Hehehe.
"Wala pa talaga. I had flings but I never had a girlfriend. Wala pa kasi akong nakikitang talagang gusto ko. Kung iispin, close to perfect na yung mga girls na nakilala ko sa US pero parang may hinahanap akong isang bagay na hindi ko nakita sa kanila." I explained and looked straight into her eyes. Tumango-tango naman siya as if satisfied naman siya sa sinagot ko.
"Ngayon ba ay nahanap mo na?" tanong ni Mr. Villago dahilan para pareho kami ni Gayle na nagtatakang napatingin sa kanya.
"I'm sorry sir?" I asked trying to verify what he just asked.
"Sabi ko, ngayon ba ay nahanap mo na yung isang bagay na hindi mo kako nakita sa mga babaeng nakilala at nakasama mo sa US? Baka naman kaya hindi mo nakita sa US yung hinahanap mo ay dahil nandito lang pala sa Pilipinas." sabi ni Mr. Villago. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay tinutukso niya ako kay Gayle. Naramdaman kong pinagpapawisan ako ng matindi dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Mabuti na lang at nabaling sa iba ang atensyon namin nang biglang may kumatok. Tumayo si Gayle para pagbuksan kung sino man yung bagong dating.
Nakita kong pumasok ang isang pamilyar na babae. Siya yung babaeng kasama ni Gayle nung bumili ako ng isaw. Nakaharap siya sa'kin samantalang si Gayle naman ay nakatalikod kaya nakita ko ang mukha niya.
"Jheng! I'm so happy to see you here." masayang sabi ni Mr. Villago.
"Kamusta na po kayo, Garfield?" nakangiti namang tanong ni Jheng sa kanya. Garfield? Saan naman niya nakuha yon?
"Hahahaha. Nahawa ka na sa kalokohan ng batang yan. Pati ikaw ay Garfield ang tawag sa'kin." natatawang sabi ni Mr. Villago habang napapailing na nakatingin kay Gayle.
"Oy, hindi na kita tinatawag na Garfield ah. Ako na naman tinuro mo diyan." nakangusong sabi ni Gayle kaya naman napangiti ako. She's really cute. Nang mapatingin ako kay Jheng ay nakatingin siya sa'kin. Halatang chinecheck niya ang kabuuan ko. Malamang ay nagtataka siya kung sino at bakit ako nandito ngayon.
"Siya nga pala si Gabo. Siya naman si Jheng. She's my friend." singit ni Gayle na nakahalata siguro sa tinginan namin ni Jheng.
"Nice to meet you, Jheng. I'm Gabo." pakilala ko then offered my hand for a handshake.
"Hi. I'm Jheng. Nice to meet you too, Gabo." sabi niya and we shook hands. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa'kin as if she wants to know who I am in Gayle's life.
"Baka matunaw yan Jheng. Hahahaha." tuksong sabi ni Mr. Villago sa'min kaya napatingin kami sa kanya. "Gwapong bata ano? Wag mo nang kursunadahin yan dahil sa apo ko na yan. Hahaha."
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceMinsan kahit anong taas ng standards mo wala kang magagawa kapag tinamaan ka ni kupido. Enjoy reading! :)