Chapter 12

25 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa balikat ko. Nung una ay akala ko si mommy kaya pinabayaan ko lang dahil antok na antok pa rin talaga ako. Pero maya-maya lang ay naramdaman ko namang may pumitik sa ilong ko at isa lang ang taong gumagawa nun.

"Damn it, Karl!" I cursed at tsaka ako bumangon. Nakita ko siyang nasa kabilang side ng kama ko nakahiga.

"Grabe ka matulog eh. Anong ginawa sa'yo ni Gayle at parang pagod na pag----" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nang batuhin ko siya ng unan sa mukha.

"Can you please stop?!" saway ko sa kanya.

"Hahaha. Nagbibiro lang naman eh. Ang tagal na nating magkaibigan pero hindi ka pa rin sanay sa mga jokes ko."

"Mga jokes mong puro kabastusan lang naman ang laman." naiinis na sabi ko sa kanya.

"Kunwari ka pa eh nag-eenjoy ka rin namang siraulo ka. Hahaha." sabi ni Karl kaya sinipa ko ang paa niya.

"Araaay!" reklamo nito sabay himas sa paa niyang tinamaan. "Bumangon ka na nga at magtoothbrush. Ang baho mo eh!" nakangiwi pang dagdag nito.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa c.r. "Wag kang manggugulo dito sa kwarto ko ah." pahabol na sabi ko pa bago tuluyang makapasok sa loob ng banyo.

Paglabas ko galing banyo ay nakita kong nanonood si Karl ng t.v. habang kumakain ng cake. Umupo ako sa sofa kung saan din siya nakaupo.

"Dinalhan tayo ni tita ng merienda." tinuro pa niya yung isang maliit na plate kung saan may nakalagay din na cake. "Hindi pa rin ba kayo okay?"

"Hindi pa rin kami nagpapansinan. She's so stubborn." sagot ko habang kumakain na rin nung cake.

"Hanggang kailan mo naman balak patagalin yan, Gabo?" seryosong tanong niya sabay inom ng tubig.

Nagkibit-balikat lang ako tsaka nag-isip ng sasabihin. "Hindi ko alam. Please just drop this topic for now. I don't wanna talk about it."

"Okay. Dun tayo sa mas interesting na topic. Hehe. Anong balita sa inyo ni Gayle?" his eyes are shining bright upon asking that question. Interesado talaga ang loko. Kalalaking tao pero napakachismoso.

"We're okay, I guess." I sighed. Okay nga ba talaga kami o inassume ko lang na ganon nga? Ewan.

"Hindi ka sure?" nagtatakang tanong ni Karl at tumango lang ako.

"Hindi eh. Hmmm. Mas nakakapag-usap na kami ng walang sigawan at bangayan but it still doesn't give me an assurance that we're already in good terms." I explained.

"That girl is unpredictable. She's something, huh." napapailing na komento ni Karl and I nodded as an agreement. Gayle does things you won't expect. "Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Karl nung bigla akong tumayo at kumuha ng damit sa closet.

"Sa hospital. Umuwi ka na muna, bro." sagot ko naman at pumasok na ako sa banyo para maligo. I suddenly want to see her. No, I need to see her. So freaking bad.

Even if I have to endure the pain of seeing her and that old man together.

---------

Ilang saglit lang at nakarating na ako sa hospital. Habang naghihintay ako ng elevator ay bigla akong nakarinig ng isang pamilya na pangalan. Kahit hindi ako sigurado kung si Gayle nga mismo ang tinutukoy ng lalaking nagsalita ay hindi ko maiwasang hindi ma-curios kaya naman lumapit ako kung saan galing yung boses. Napansin ko ang isang babae at lalaking nakatayo at nakatalikod sa'kin.

"Si Gayle nga. Sino naman yung kasama niya?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanila.

"Hindi ko inaasahang magkikita tayo dito, Gayle. We always cross paths and I know it means something." sabi nung lalaki.

"Nagkataon lang, Dave." sagot naman ni Gayle. So, si Dave pala ang lalaking kausap niya.

"Sinong pasyente? Alam kong wala ka nang parents at solo kang anak. May kamag-anak ka bang nandito sa manila?" tanong ni Dave na talagang ikinagulat ko. Ibig sabihin ay mag-isa na lang sa buhay si Gayle? Parang biglang sumakit yung dibdib ko dahil sa impormasyong nalaman ko mula sa lalaking 'to. Kaya ba pumatol si Gayle kay Mr. Villago ay dahil wala na siyang pamilyang maituturing at susuporta sa kanya? Gusto kong hilingin na sana ay mas maaga ko siyang nakilala at ako na lang ang naging karamay niya sa mga pinagdaanan niya.

"Kakilala lang. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Sinong may sakit?" tanong naman ni Gayle.

"A-Ah, m-may sinamahan lang ako dito." sagot ni Dave.

"Hon! Kanina pa kita hinahanap eh." sabi ng isang babae na lumapit kay Dave then kissed him on the lips. That girl. Siya yung sumampal kay Gayle dun sa labas ng bar. Pagtingin ko kay Gayle ay sa iba siya nakatingin as if she does not want to see what the girl did to Dave.

"B-Beth. Ang daming tao, ano ka ba?" naiilang na sabi ni Dave sa babae dahil muli siya nitong hinalikan at mas matagal pa.

Bigla namang natawa ang babae at lumingon pa kay Gayle. "What? Wala namang masama sa ginagawa natin ah. Besides, magkakaroon na tayo ng baby. Ngayon ka pa ba maiilang?"

Pakiramdam ko ay talagang gustong iparinig nung Beth kay Gayle na magkakaroon na sila ni Dave ng baby. Gusto talaga niyang bakuran yung lalaki na habol pa rin naman ng habol kay Gayle. Halata namang hindi nagustuhan ni Dave yung ginawa nung babae dahil hinawakan niya ito bigla sa braso.

"Stop it, Beth!" saway nung Dave sa kanya.

"Ano bang problema? Ayaw mong malaman ng EX-GIRLFRIEND mo na magiging tatay ka na?" sabi ni Beth tsaka lumingon kay Gayle. "Hi Gayle. It's nice to see you again." bati nito the faked a smile. She's too annoying. "Anyway, I have a good news for you. Dave and I are expecting a baby in a couple of months. And..... kung pwede sana ay ninang ka ah?"

"C-congrats. That's really a good news. Sige ah. I need to go." Gayle said and acted as if she'll start walking but the girl stopped her by holding her arm.

"Wait, there's more." huminto naman si Gayle at muling humarap sa kanila.

"Ano yon?" mahinang tanong ni Gayle.

"We're gonna get married very very soon. You're invited and I really hope that you can come. Pwede mo rin isama yung bestfriend mo tutal kilala rin naman siya ni Dave eh." nakangiti pang sabi nung Beth.

"Basta ba may invitation na nakapangalan sa'kin eh. Ayoko naman kasing isipin ng ibang tao na gatecrasher ako." pilit ang tawang biro ni Gayle sa kanya at peke rin naman ang tawang ganti nung babae.

"Yun lang pala eh. Sige ba, ako'ng bahala. I'm gonna give you the most special invitation." todo ngiti pa rin si Beth at halata namang hindi sincere ang mga ngiti niyang yon. Ang totoo ay halatang-halata sa kanya na ayaw niyang makita si Gayle.

"Kahit yung simple lang, okay na. Basta masabi ko lang na SA'KIN at wala akong KAHATI." sarkastikong sagot naman ni Gayle at talagang gusto kong matawa dahil nakita ko kung paanong nag-iba ang ekspresyon nung Beth pagkarinig non. "See you around. I gotta go." sabi ni Gayle at bigla akong nagtago sa likod ng pader para hindi niya ako makita. Dumadalas kasi ang pag-i-eavesdrop ko simula nang makilala ko ang babaeng 'to. Nung makita kong nakasakay na siya ng elevator ay agad akong lumabas ng hospital at pumunta sa isang fast food restaurant. Naisip kong bumili muna ng pagkain para kay Gayle.

Nagkaroon na naman ng magpapagulo sa isip ko. Alam kong magdamag na naman akong gising dahil sa kakaisip sa lahat ng bagay na nalaman ko tungkol kay Gayle ngayong araw. Gusto kong malaman ang tungkol sa pamilya niya at sa naging relasyon nila ng Dave na yon.

My Kind of Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon