Chapter 10

24 1 0
                                    

Pagkatapos naming mag-breakfast ay sakto namang dumating yung pinalaundy namin na damit ni Gayle. Nakahinga ako ng maluwag ngayong hindi na makikita ang mga hita niya. I don't know but this girl is going to cause me a hear attack.

Pinaliwanag ko rin ng mas maayos yung buong pangyayari kaya naman kumalma na siya. Hindi na niya 'ko masyadong sinisigawan at tinatarayan. At nung nag-offer akong ihatid siya sa kanila ay pumayag siya.

"Naks. Improving ah." natatawang asar ni Karl sa'kin habang nagsusuot ako ng sapatos. Nakaupo ako mahabang sofa habang siya naman ay nakaupo sa carpeted floor.

"Tumigil ka nga diyan. Mamaya marinig ka non at magbago pa yung isip." sita ko naman sa kanya. Nilingon ko pa yung guest room dahil baka biglang lumabas si Gayle na nag-ayos lang ng sarili.

"Alam mo bro, may chemisrty kayo eh. Kinikilig nga ako eh. Hahaha." kunwaring bading na banat pa niya.

"Ulul ka! Nababakla ka na namang siraulo ka! Haha." pambabara ko naman. Nagtatawanan kaming dalawa nang biglang lumabas si Gayle. Maayos na ang buhok niya at mas kumportable na siya sa itsura niya.

"Let's go?" aya ko sa kanya at tumango naman siya sabay lingon kay Karl.

"Thank you for letting me stay here. By the way, I'm Gayle." pakilala pa nito sabay offer ng kamay kay Karl. Aww. Parang may konting sakit akong naramdaman sa dibdib ko nung gawin niya yon sa harap ko.

"Alam kong Gayle ang name mo. Hehe. I'm Karl." masayang-masaya naman ang loko at parang excited pa nung kunin ang kamay ni Gayle para makipag-shakehands.

"Ah, alis na kami bro. Thank you. Tara nga dito." awat ko sa kanila sabay hila kay Karl tsaka siya inakbayan. "Masyado ka naman atang nag-eenjoy sa paghawak ng kamay niya." bulong ko pa sa kanya.

"Seloso!" sabi niya sabay tawa ng malakas. Mukha namang walang interes na makinig si Gayle sa usapan namin dahil nung lingunin ko siya ay sa iba siya nakatingin.

Lumabas  na kami ng unit at bumaba kung saan naiwang naka-park yung kotse ko. Being a natural gentleman, pinagbuksan ko pa si Gayle ng pinto at inalalayang makasakay ng kotse. Habang nagdadrive ay panay ang tingin ko sa kanya habang siya naman ay sa daan lang nakatingin. Ang sarap ng feeling na kasama ko siya ngayon at hindi niya ako sinusungitan.

"Ano bang meron sa mukha ko at panay ang tingin mo?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa'kin. Bigla naman akong nailang dahil sa tingin niyang yon.

"H-ha? Wala naman. I was just checking if you're sleeping." palusot ko pero mukhang hindi siya kumbinsido. Hindi naman na siya sumagot at tumingin na lang uli sa daan.

"Ano nga palang buong pangalan mo?" I suddenly asked para lang may mapag-usapan kami.

"Bakit mo naman gustong malaman?" curious na tanong niya.

"I remember telling you that I wanna get to know you." sagot ko naman.

"Gayle Angelie Rivera. Gusto mo ba kasama pati apelyido ng mother ko? Hehe." biro pa niya.

"Haha. Okay na yan. Gayle Rivera. By the way, I'm Gabo." I said then we shook hands.

"Gabo? Ang baho naman ng pangalan mo. Hahaha." pang-aasar niya kaya kumunot yung noo ko. Aba,  nang-aasar na siya ngayon. Level-up. Hahaha.

"Anong mabaho? Nickname ko lang yan no! Wanna know my real name?" preskong tanong ko pa.

"Wag na. Hindi naman ako interesadong malaman eh. Haha."

"Ang sama ng ugali mo!"

"Joke lang! Ang pikon mo naman masyado! Oh, ano ngang real name mo?" pambawing hirit niya naman kaya natawa ako.

My Kind of Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon