Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang babaeng yon but I'm still taking my chances. I really want to find her. Not only to apologize but I somehow miss seeing her beautiful face. I'm just driving around when I noticed some students on the sidewalk. Nasa tapat sila ng isang tindahan and it looks like kumakain sila nung streetfoods. Ipinark ko ang kotse ko sa isang tabi at bumaba. Nacurious ako sa kinakain nila kaya lumapit ako para bumili.
"Ano pong tawag dito ate?" tanong ko sa babaeng nagtitinda.
"Ah. Isaw yan. Limang piso lang ang isa." sagot naman niya.
"Pabili po ako ng isa."
Nung una ay asiwa pa ako habang kumakain nung isaw pero nagulat ako dahil masarap siya. At dahil nagustuhan ko ang lasa ay bumili pa ako uli hanggang sa makarami na ako.
"Dalawang laman nga." narinig kong sabi ni isang babaeng estudyante. "Oh, ano na yung kinukwento mo? Ang sabi mo ay hinalikan ka?"
"Oo. Napakabastos niya!" narinig kong sagot nung isa. Kahit hindi ako lumingon ay nakikilala ko ang boses niya. Bigla akong kinabahan knowing na siya ang babaeng yon. Ni hindi ko magawang tumingin sa direksyon nila. Nakasuot ako ng cap at nakashades at pinapanalangin kong sana ay hindi niya ako makilala.
"Tapos ay sinampal mo? Teka, eh gwapo naman ba?" tanong uli nung kasama niya.
"Mukha siyang bakla, Jheng." What the hell? Sinabi niyang mukha akong bakla. Halikan ko kay uli 'to at tsaka niya sabihin kung sinong bakla. Grabe.
"Hahahahaha. Bakit naman?" tanong uli nung Jheng.
"Eh ang puti-puti niya. Mas makinis pa ang balat niya kesa sa'kin. Kalalaking tao pero parang pambabae ang kutis niya. At ang dami-dami niyang sinasabi. Pati trabaho ko pinapakialaman." dagdag pa ni very pretty young lady.
"Pero gwapo nga, Gayle?" so... Gayle ang pangalan niya. Now I know.
"Ewan ko. Alam mo namang wala akong pakialam sa itsura." sagot ni Gayle.
"Kumain ka na nga lang. Umuusok na naman yang ilong mo eh." natatawang sabi nung Jheng. "Eh ano namang balita kay Dave? Ginugulo ka pa rin ba nung kumag na yon?"
"Hindi na. Sana nga ay tumigil na siya ng tuluyan." parang biglang naging malungkot ang tono ng boses ni Gayle nang sabihin niya yon.
"Ang tibay din ng lalaking yan eh no? Pagkatapos kang ipahiya ng nanay niyang hilaw e wala man lang siyang ginawa. Ipinagkalat pa na yung Beth ang girlfriend ng anak niya at hindi ikaw. Ni hindi ka man lang nagawang ipagtanggol tapos ngayon ay hahabol-habol siya sa'yo? Kalokohan!" galit na sabi nung Jheng. Hindi ko alam pero parang may kung ano akong naramdaman nung marinig ko yun.
"Sana maging masaya na lang sila ni Beth."
"Sana nga! At sana maging masaya ka na rin, ateng!"
"Masaya naman ako ah!" depensa ni Gayle.
"Masaya raw. Sinong niloko mo? Eh yung matandang yon nga ang lagi mong ka-date."
"Hoy, bibig mo nga Jheng! Makatawag ka naman ng matanda."
"Totoo naman e. Kelan lang naman kayo naging okay diba? Ang alam ko nga ay ayaw mo naman talaga sa kanya. Kaya nga laking gulat ko at sobrang close nyo na ngayon."
"Mabait naman kasi siya. At isa pa, alam kong hindi rin ako nun titigilan." natatawang sabi ni Gayle. "Tara na nga Jheng. May exam pa tayo."
Hindi ko alam pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para harapin siya at magsorry sa ginawa kong paghalik sa kanya. Masyado akong na-overwhelm sa mga nalaman ko. Nakaalis na sila pero hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceMinsan kahit anong taas ng standards mo wala kang magagawa kapag tinamaan ka ni kupido. Enjoy reading! :)