Chapter 9

21 0 0
                                    

Gulat na gulat si Karl nang tawagan ko siya at sabihing nasa tapat ako ng condo kung saan siya nakatira. At mas lalo pa siyang nagulat nang sabihin kong kasama ko si Gayle.

"Seryoso ka pare? Kasama mo talaga siya ngayon?" tanong ni Karl.

"Oo nga! Ang kulit mo naman eh!" pasigaw na sagot ko sa kanya.

"Nice one, bro! Parang kailan lang galit na galit sa'yo tapos ngayon kasama mo na siya. Iba ka. Hahaha." pang-aasar niya at lalong nababawasan ang pasensya ko.

"Ano ba?! Bumaba ka na nga lang dito at sunduin mo kami. Magdala ka ng payong dahil malakas pa rin ang ulan." seryosong utos ko sa kanya.

"Sige sige. Ito naman masyadong pikon. Hehehe. Bye."

Maya-maya lang ay nakita ko na si Karl na palabas ng condo at agad na pumunta kung saan naka-park ang kotse ko.

"Ano na? Nasaan na si Gay-- anong ginawa mo sa kanya?" tanong agad niya nung makita niyang walang malay si Gayle.

"Tulungan mo na lang akong dalhin siya sa unit mo." bumaba ako ng kotse at binuksan ang pinto ng passenger's seat para mailabas si Gayle. Si Karl naman ay nagpapayong sa'ming dalawa. Siguro ay dala na rin ng adrenaline rush kaya mabilis kaming nakarating sa unit ni Karl.

"Pengeng towel Karl." utos ko kay Karl nang mailapag ko si Gayle sa sofa. Mabilis naman itnong kumilos. Pagbalik niya ay may dala na siyang towel pati na rin extra shirt.

"Ano ba kasi talagang nangyari? Bakit basang-basa si Gayle?"

"Hinimatay siya. She has a fever." sagot ko habang pinupunasan si Gayle nung towel na dala ni Karl.

"Oh, eh saan mo naman siya nakita?

"Sa bar na katabi ng bar ng uncle mo. Nakita ko siya don. Dumating yung ex-boyfriend niya at nagmamakaawa na bumalik si Gayle sa kanya. Para naman siyang nakakagago eh may girlfriend na nga siya. Nasampal pa tuloy si Gayle nung babae. TSk." napapailing pang kwento ko. Bakas naman ang magkahalong awa at concern ang nagregister sa mukha ni Karl nang marinig yung kwento ko.

"Grabe naman. Loko pala siya eh. May girlfriend pala siya pero gusto niyang maging sila uli. Kalokohan yon!" naiinis na komento nito.

Nang hindi na gaanong basa si Gayle ay binuhat ko uli siya papunta sa isa pang kwarto ni Karl. Doon kasi minsan natutulog yung kapatid niyang babae kaya bukod sa kwarto niya ay may spare room pa. Bigtime kasi talaga ang loko. Pangdalawang unit ang laki ng unit niya. Maingat kong inilapag si Gayle sa kama.

"Labas." utos ko nung lingunin ko si Karl na nakabantay sa pinto.

"Anong labas? Anong gagawin mo?" naaalarmang tanong nito.

"Ang dumi ng isip mo! Papalitan ko siya ng damit. Malaki naman sa kanya 'tong shirt na nilabas mo kaya hindi naman siya makikitaan dito." paliwanag ko sa kanya pero kumunot naman ang noo niya. "What? Don't tell me, gusto mong panoorin kung pano ko siya palitan ng damit?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Kung pwede sana. Hehe." nairita ako sa sagot niyang yon kaya binato ko siya ng unan at tinamaan naman siya sa mukha. "Ang daya mo naman eh! Gusto mo ikaw lang." parang bata pang reklamo nito.

"Siraulo! Papatayin ko yung ilaw at yung lamp shade lang yung bubuksan ko para wala rin akong makita. Besides, baka umiral na naman yang kamanyakan mo!" sigaw ko pa sa kanya.

"Okay fine! Masyadong seloso! Akala mo naman girlfriend ni--- Joke lang! Hahaha." bawi niya nung kumuha ako ng isa pang unan at nagkunwaring ibabato yun sa kanya. "Pikon!" banat pa niya tsaka lumabas. Binuksan ko yung isang lampshade na dimlight lang at tsaka pinatay yung ilaw sa kwarto. Mabilis kong tinanggal yung basa niyang damit nang hindi siya halos tinitingnan. Kahit na ganito yung sitwasyon ay hindi ko kailanman magagawang magtake advantage sa kanya. Pagkatapos ko siyang palitan ng damit ay kinumutan ko na siya at tsaka ako nagpahanda kay Karl ng maligamgam na tubig at bimpo para mapunasahan ko si Gayle.

My Kind of Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon