Noong unang panahon tahimik na namumuhay ang mga tao sa mundo. Walang gulo, walang kasamaan at walang kadiliman ngunit nagbago ang lahat ng dumating si kenos ang king of void na nagdala ng malaking kasamaan sa mundo akala ng mga tao ay katapusan na ng lahat ng bagay sa mundo ngunit dumating ang labing-dalawang Celestial Spirit Keeper o ang mga celestians. The Ram, Bull, Twins, Crab, Maiden, Scales, Scorpion, Archer, Goat, Water Bearer, Fish and Lion.kinalaban at ikinulong ng mga ito si kenos sa isang dyamante at itinapon sa dulo ng kalawakan pagkatapos noon ay nagbalik na ang kapayapaan sa mundong ibabaw.
Yan ang paborito kong kwento ni lola Leonida hindi ako nagsawang ipakwento sa kanya ito simula noong bata pa ako. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang kasiyahan ko tuwing naririnig ko ang kwentong iyon kahit na alam ko na pawang imahinasyon lang ang kwentong ito.
" Apo, gising na.. May almusal ng nakahain sa hapag.." pag gising sakin ni lola habang niyuyugyog ako.
" Hmmm.. Susunod na po 'la.. " nakapikit kong sabi kay lola.
Ako nga pala si Leonell Astral Montero, Leo ang madalas itawag sakin dito sa lugar namin. Nag-aaral ako ngayon sa Beethoven University at kumuha ng kursong Computer Science. Simula pagkabata ay punong puno na ang isip ko ng mga katanungang saan nagsimula ang mundo?, Sino ang gumawa nito?, Anong klaseng nilalang ang gumawa nito? At marami pang iba. Mahilig ako sa Science, Supernaturals, Paranormal Activities at iba pang makakapagpuno ng malikot kong utak.
" Apo, matagal ka pa ba dyan?! " sigaw ni lola mula sa sala. Nagmadali akong tumayo at pumunta sa banyo para maghilamos. Pagkalabas ko ay naabutan ko ang aking lola na nagtitimpla ng kape at ang batugan kong ama na si Demetrius Montero o Riyo. Simula pagkabata ay hindi naging maganda ang relasyon naming mag-ama, parati syang galit sakin.. Ewan ko ba! Baka hindi nya ko tunay na anak.
" Tanghali ka na gumising hayop ka! Kaya minamalas ang pamilyang ito dahil sayo! " pagsesermon nito. Yan? Sanay na ko dyan, halos araw-araw nya ng ginagawa yan.. Hobby na nga yata nya yan eh.
" Hayaan mo na riyo.. Mukhang napagod yang anak mo sa eskwela.. " pagtatanggol sakin ni lola. Yea, sya ang aking pinakamamahal na knight in shining apron.
" Ayan ka nanaman nay! Pinagtatanggol mo kase ito parati kaya lumalaki at tumitigas ang ulo! " sabay duro sakin ni tatay riyo at padabog na lumabas.
" Hayaan mo na yun at kumain ka na dito... May pasok ka pa.. " pag-aya sakin ni lola sa hapag. Umupo ako at nagumpisang kumuha ng pandesal at pinalamanan ko ng dairy cream tsaka kumain.
" La.. Alam mo ba kung nasaan na ang mga celestians? " takhang tanong ko. Oo, at ngayon ko lang natanong ito sa ilang daan beses na nya na kwento ang kwento nito. Ngayon na lang kase ako nagka interes dito.
" Pagtapos nila matalo si kenos ay nawala ng parang bula ang mga celestians at hindi na nakita. Pinaniniwalaang nandyan lang sila sa tabi-tabi at patuloy na binabantayan ang ating mundo.. " pagkwe-kwento sa akin ni lola.
" Hmm.. Sana ay makita ko sila mukhang nakita ko na ulit si kenos.. " seryoso kong sabi kay lola.
" Na-nakita? Pa-paano? Pinagloloko mo lang yata kong bata ka eh.. " nauutal na gulat ni lola. Bigla kong nakadama ng kaba sa pinakitang aksyon ni lola dahil sa sinabi ko.
" Kakalabas lang ni kenos, papunta na sya ngayon sa sugalan.." natatawa kong sagot kay lola. Bigla naman tong sumimangot at maya-maya'y ngumiti.
" Loko ka talagang bata ka... Bilisan mo na dyan at baka malate ka pa.. " pagsesermon sakin ni lola. Pagtapos ko naman kumain ay agad na kong dumeretso sa banyo para maligo. Pagtapos kong maligo ay agad na kong umakyat at nagbihis ng uniporme.
" Ang gwapo talaga ng apo ko.. " biglang pasok ni lola sa kwarto ko habang nanalamin ako.
" Lola, pwede ba namang may panget sa lahi natin? " natatawa kong sagot kay lola habang binubutones ko ang aking uniporme.
" Ito ang baon mo.. Magaral ka ng mabuti.." sabay abot sakin ng 50 pesos.
" Salamat la, Mauuna na po ako la.. I love you.. " sabay halik ko sa noo nito.
" I love you too, apo. Tandaan mo parati kitang babantayan kahit mawala na ako sa mundong ito.. " nakangiting sabi ni lola.
" la naman! Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Mauuna na nga ko baka kung ano pa masabi mo la! " pag kontra ko sa sinabi ni lola. Agad na kong lumabas ng bahay at naglakad papuntang school.
" Tol! *munch* Hintay! " tawag sakin ng kababata at classmate ko na si Benjamin Tohr Tejardo pero sobrang haba kase kung tawagin ko syang benjamin kaya tinatawag kp na lang syang Bentot. Ben = Benjamin To = Tohr T = Tejardo kaya naman naging bentot. Noong una ayaw nya pa sa palayaw na binigay ko pero wala syang magagawa. Ngunit, baka sabihin nyo naman masama ako kaibigan.. Ginagamit ko lang yung palayaw na yun pag nagtutuksuan kami pero ben ang palayaw nya.
" Oh? Putek! Pagkain nanaman?! " tanong ko rito matapos kong makita syang may dala-dalang dalawang malaking chichirya ng fish crackers.
" *munch* ito nga lang nagpapasaya sakin *munch* kaya hayaan mo na ko.. Parang di ka pa sanay *munch* " pagtatanggol nya sa sarili nya habang kumakain.
" Sige na.. Pero wag ka naman nagsasalita habang kumakain! " pagsesermon ko sa kanya.
" ehh kinakausap mo ko eh *munch* " pamimilosopo nya. Oo nga naman Leo, napakatanga mo.
" Tara na nga! At baka malate pa tayo! " pag aaya ko sa kanya.
Habang naglalakad kami ay may napansin akong matandang mahaba ang bigote na naka hood ang tumitingin samin. Pagkakita nya na nakita ko sya ay agad naman syang tumalikod at mabilis na tumakbo.
" Puta.. Ang creepy.. Mauna ka na bentot! " agad ko naman sinundan ang matanda bago pa sya mawala sa paningin ko.
" Hoy! May pasok pa tayo! *munch*" rinig kong sigaw nito pero di ko na sya pinansin pa dahil focus ako sa paghabol ng matanda.
Nakita ko ang matanda na lumiko sa isang eskinita agad ko naman itong sinundan pero laking gulat ko sa nakita ko." Pa-paano?! " gulat na gulat ako sa nakita ko. Dahil bukod sa mga basurang na sa mga tabi tabi ay isang dead end na daan ang eskinitang ito.
Baka namalik-mata lang ako.. Pero imposible.. Sino kaya sya?... Pagkatanong ko sa sarili ko nito ay isa lang ang pumasok sa isip ko.
" Celestian? " takhang tanong ko sa sarili ko. Habang nagiisip kung sino o kung ano ang matandang iyon ay naglakad na ko papunta sa school.
YOU ARE READING
The 12 Celestians: Queen of Celestial Spirits
Fantasy" We are all born specials in this world but few of us can change our world to become special. " The 12 Celestial Spirits Keeper or Celestians who keep the world safe from the king of void are missing and no one knows where they are. Leonell Astral...