Chapter 11 - Celestial Spirit Keeper of the Aries

13 0 0
                                    

Leo's POV

Matagal akong nakaupo sa pwesto kung saan ako iniwan ni Leo at naabutan ni tanda.

" Ano ginagawa mo dyan? At napano ka? " tanong nito sakin.

" Ahh ehh.. Wala nadulas lang ako tatang.. " bumangon ako at inakay ni tatang upang makatayo.

" Ito na yung mga card na gagamitin mo para makumbinsi sila.. Napaka special nyan kaya ingatan mo.. " ibinigay sakin ang 11 pirasong card na may mga logo ng mga Celestials Spirits.

" Paalala ko lang na wag na wag mong bubuksan ang mga card na yan lalo na't hindi ikaw ang keeper nila dahil gawa yan mula sa mga Celestials Spirits.. " pagpapaalala nito sakin tumango ako at inilagay sa bulsa.

" Mauuna na ko tatang.. At papasok pa po ako sakto ka eskwela ko ang keeper ng Aries.. " nakangiti kong sabi sa kanya.

" Talaga aba edi maganda yan.. Sige't mauna ka na.. "

" Pinapalayas mo na ko tatang? Di mo na ko mahal? Ganun na lang ba ko kadali itakwil? " pag dadrama ko habang nagpapacute.

" Humayo ka na bago pa kita tuluyan palayasin.. " seryosong sabi nito. Natulala ako at sya nama'y seryoso parin nakatingin.

" Biro lang hahaha " biglang tawa nito sakin. Ngumiti ako at naglakad na papalayo. Kumaway ako kay tanda bago pa tuluyang makalabas ng palasyo.

Pag labas ko ng Ouranios Kingdom ay agad akong nagpunta sa bahay at naligo.

" Apo? Ikaw ba yan? " tanong ni lola.

" Opo la' sumaglit lang po ako para maligo at dederetso na ko sa school.. " sabi ko habang sinasabon ang ulo ko.

" Dumaan si Ben kanina dito hinahanap ka.. "

" Ahh sige po puntahan ko na lang si ben sa kanila.. "

Pagtapos kong maligo at magbihis ay nagpunta na ko sa bahay nila Bentot.

" Ben! " sigaw ko habang papasok sa bahay nila. Nakita ko ang nanay ni ben na nagliligpit ng pinagkainan.

" Oh leo.. Andun si ben sa taas at kinuha lang ang ba~ "

" Leo! "

" Andyan na pala.. " nakangiti nitong sabi. Nagmadali si Bentot na bumaba sa hagdan habang hawak hawak ang dalawang malaking chichirya.

" Ano ba yan nak.. Isa isa lang uubusan mo nanaman si Berlyn.. "

" Di naman mauubos ni berlyn to eh! Ako kaya ko tatlo pa.. "

" Kuya!!!! Anong di ko mauubos akin na yaaan! Kahapon kinuha mo na biscuit ko tapos nung nakaraan kinain mo lahat ng chokolitos na binigay ni papa para satin tapos kagabi ikaw na rin kumain ng binili ni papa! Parati mo na lang ako inuubusan! Isusu~ "

" Ohh ito naaaa! Dami mo sinabi " pagpigil ni Bentot kay berlyn. Ang cute tlga ng magkapatid na to sarap pag untugin.

" Una na kami ma! Hoy panget! Bleeh " pangaasar ni Ben kay Berlyn sabay takbo.

" Di talaga nakokontento araw mo hanggat di mo nabwibwisit kapatid mo no? Hahaha " tanong ko rito.

" Sarap kase asarin eh .. Nakita mo ba kanina? Mana sya kay mama parehas sila rapper! Hahahahhahaha " pang aasar parin nito. Binuksan nya yung chichirya nya at nagumpisa nanaman kumain.

" Ben nga pala.. May kilala kang Ariesha Fontanilla sa school natin? " tanong ko rito. Bigla naman natulala sakin ang loko. natigilan sa pagsubo habang nakanganga.

" Hoy! Tinatanong kita eh para ka namang gago "

" Ikaw yung gago di mo kilala si Ariesha? " tanong nito sakin.

The 12 Celestians: Queen of Celestial SpiritsWhere stories live. Discover now