Chapter 7 - Knight in Shining Apron: Part II

22 1 0
                                    

Leo's POV

Agad kaming umakyat sa kwarto ko para pagusapan ang mga nalaman ko.

" Anong nalaman mo? " tanong agad ni lola sakin pagsarado ng pinto.

" Lola or mas maganda kung tawagin kitang The Former Keeper of the Celestial Spirit Leo. Nakapunta lang naman po ako sa Ouranios Kingdom kanina lang at nakilala ko na ang hari nito na si Hertes at ang anak nyang si Ceres. "  pagkasabi ko nito ay nanlaki ang mata nya.

" Pa-paano?  Ba-bakit ka nila hinanap? " nagtatakhang tanong ni lola.

" Kenos.. Nagbalik sya la'.. Kailangan ulit mahanap ang 12 celestians para mapigilan syang muli.. At isa ako dun la' " pagpapaliwanag ko rito habang hinawakan ko ang kamay nito.

" Paano? Matagal na syang nakulong.. " gulat na tanong ulit ni lola.

" may isa daw nilalang ang nagpalaya sa kanya... At hindi pa nila alam kung sino yun.. " pagpapaliwanag ko rito.

" Kailangan nila ang tulong ko.. Pupunta ako sa Ouranios.. " tatayo na dapat sya pero hinawakan ko ang kamay nya.

" Hindi na la' tapos na ang responsibilidad mo bilang isang Celestians.. Hayaan mong kaming mga bagong henerasyon ang gumawa nito. Magtiwala ka samin la'" pilit kong pinakalma si lola, umupo naman ulit ito.

" Kakayanin nyo yan apo, may tiwala ako sayo.. Pero kailangan nyo parin ng tulong ko.. " nakangiting sabi ni lola.

" Paanong tulong la? " nagtatakhang tanong ko.

" Nakalimutan mo na ba? Ang Keeper of the Celestial Spirit Leo ang leader ng 12 Celestians? " nakangiting sabi nito sakin.

" Woaaahh oo nga pala! Hahahaha siguro astig ka ng kabataan mo la! " tumayo ito at lumabas ng kwarto sinundan ko naman sya na papunta ngayon sa kwarto nya. Sa ilalim ng kama nya may nilabas syang isang baul.

" Ito ang mga gamit ko noong ako isa pang Celestian. " pinakita nya ang isang panyo, stick, at mapa.

" A-ayan?  Hahahaha lola naman ngayon pa nagawang magbiro eh stick at panyo lang yan eh maniniwala na sana ako sa mapa.. " natatawang sabi ko rito.

" Itabi mo ito magagamit mo ito sa oras ng pangangailangan.. Isuot mo sa ulo tong panyong to sa oras na may makalaban ka. At hawakan mo ng dalawang kamay ang stick na ito. " pagpapaliwanag sakin ni lola.

" Anong gagawin ko dyan la?  Hahahahaha eh matatakot pa sila sa mukha ni bentot kesa dyan sa stick at panyong yan.. " natawa ng bahagya si lola sa sinabi ko.

" Basta magtiwala ka kay lola apo sa ngayon wag mo munang gagamitin yan.. At itong mapa.. " agad naman nyang inabot sakin ang isang mapa.

" Dyan matatagpuan ang bukal ng tubig na pwedeng makapagpahilom agad ng sugat nyo kung sakaling mapasabak kayo sa engkwentro.. Wala sito sa mundo natin yan nasa mundo ng Ouranios Kingdom yan.. " pagpapaliwanag ulit sakin sa gagawin ko sa mapa.

" Wow ang galing! salamat lola! Ang dami ko pang hindi alam.. "

" Kaso la' may isa pa kong problema.." sabay upo ko sa tabi ni lola.

" Ano yun apo? "

" may misyon ako la, kailangan kong hanapin ang iba pang Celestians pero hindi ko pa po alam kung saan ko sila hahanapin.. "

" Madali lang yan apo magtiwala ka sa sarili mo.. " nakangiting sabi ni lola na parang alam nya na ang mangyayari sakin.

" Sige la' masusunod.. Maraming salamat sa mga ito la' " pagpapasalamat ko rito.

" Kailan mo naman balak umpisahan ang misyon mo? " tanong ni lola.

" Bukas ho la' kung papayag kayo " pagpapaalam ko sa kanya.

" Walang problema sakin apo, masaya ako na gagampanan mo ang tungkulin mo bilang isang celestian.. " nakangiting sabi ni lola.

" Maraming salamat la' .. Uumpisahan ko ang ensayo ko bukas at ang pagplano sa paghahanap ko sa iba ko pang kasama.. " pagpapasalamat ko kay lola.

" Teka la' matanong kita, asan na yung ibang mga kasama mo dating Celestians? " tanong ko rito.

" Ahh, may kanya kanya na ring buhay.. Wala na kong balita sa kanila simula noong natapos na ang aming pagigimg Celestian.." pagsagot ni lola sa tanong ko.

" Hinanap mo rin ba sila la?  Naging misyon mo rin ba ang misyon ko? " tanong ko.

" Hindi.. Lahat kasi kami noon nabigyan ng palatandaan.. Isa isa naming nakita ang imahe ng aming mga celestial spirits.. Nagtataka ko at bakit ikaw ang pinahanap sa mga kapwa mo.. " pagtatakang sabi ni lola. Siguro ay isa itong misyon ko sa pagpapalago ng kaalaman ko.

" Ahh ok la' .. Maraming salamat sa mga tulong mo la'... " napatingin ako sa kalendaryo at malapit na ang araw na sinasabi ni tanda na eclipse.

" Walang anuman apo, o sya! Magluluto na ko ng panghapunan natin.. " pagpapaalam nya at agad naman nyang binuksan ang pinto at bumaba. Nahiga naman ako para magisip kung paano ko hahanapin ang mga kasama ko sa mas madaling paraan.

~ " Technology.. Isa na sya ngayon sa pintuan papasok sa pagkatao mo.. " ~

" Capricorn.. " nanlaki at nagkinang ang mata ko ng maisip ko na ang gagawin kong paraan para madali kong mahanap ang iba pang kasama ko.

" napakatalino mo talaga leonell.. Ang pogi pogi mo pa! " harap ko sa salamin sabay sayaw.

" sayang gusto ko sana magartista.. Kaso Celestians na ko ehh.. May kasabihan nga ' Hindi lahat ng pogi nagaartista yung iba nasa harap mo lang' " pagpupuri ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

" Tama na yan apo.. Baka mabasag.. " nagulat ako ng biglang sumulpot si lola sa likod ko..

" La naman.. Di nyo support apo nyo.. " sabay alis ko sa harap ng salamin.

" Biro lang apo.. Kakain na kase tayo.. Baba ka na at nakahain na ang pagkain.. " pagalok sakin ni lola na bumaba na.

" Sige la' sunod na ko.. "  napangiti na lang ako at nagayos na para bumaba para kumain.

The 12 Celestians: Queen of Celestial SpiritsWhere stories live. Discover now