Chapter 2 - The King of Ouranios

28 5 4
                                    

Leo's POV

Patuloy parin akong napapahanga sa mga nakikita at kinekwento ng matanda at lalong pinipilit ko pa ang sarili ko na maniwala na totoo ang mga celestians.

" Tara at pumasok na tayo.. " nakangiting aya sakin nito. Otomatikong bumukas naman ang napakalaking gate at pumasok kami.

" Parang mas malaki dito sa loob.. " mangha na sabi ko. Paano ba naman kase, sobrang lawak ng loob. Isang napakalaking hallway ang bumungad samin at sa di kalayuan ay may napakalaking fountain naman at sa magkanilang gilid naman ay ang mga kawal na may suot na silver armor na nagkikintaban.

" Celestians din ba sila tanda? Ehh ikaw? Dati ka rin bang Celestians? " pagtatanong ko ulit sa kanya.

" Hindi sila mga Celestians... Pati na rin ako.. Sila o kami sa makatuwid ang Ouranios Celestial Knights.. Ipinanganak para magsilbi at magbantay sa mga Celestians hanggang kamatayan.. " nakangiting pagpapaliwanag nito sakin.

Maya-maya ay may lumapit sa aming knights na may hawak na puting kabayo.

Sumakat ang matanda ng walang kahirap hirap. Pagka-akyat nito ay inilahad naman nya sa aking ang kamay nya senyales na pinapasakay nya ko. Agad ko na mang kinuha ang kamay nito at umangkas sa kabayo.

" Papasok tayo sa palasyo? " tanong ko ulit sa matanda.

" Oo, special kang bisita ng kahariang ito. Kaya nararapat kang papasukin sa palasyo.." sabi nito habang pinapaandar nya na ang kabayo.

Bago pa kami makarating sa palasyo ay tanaw ko ang mga nag eensayong mga kawal sa malawak na gilid nito.

Pagkalapit namin sa pintuan ng palasyo ay may mga Knights na nagpatugtog ng trumpeta. At may isang knight na nakaabang sa harap ng palasyo, Iba ito sa lahat ng nakita kong knights dahil ginto ang armor nito.

" Maligayang pagbabalik ama.. At maligayang pagdating Celestial Spirit Keeper of the Leo. " at sabay luhod nito sa amin habang naka tungkod sa espada nya. woah! Nabasa nyo yung tawag sakin? Ang cool diba?

" Salamat hehehehe ano namang tawag sa kanya, tanda? " tanong ko ulit sa matanda. Wantu sawang tanong to kala nyo ah.

" Isa sya sa Ouranios Supreme Celestial Knights.. Sya si Ceres, ang aking anak. " pagpapakilala sa akin ng kanyang anak.

" Ibig sabihin? Ganyan ka din dati ng kabataan mo? " tanong ko ulit sa kanya. Naisip ko bakit di na lang ako maging isang reporter? Ang galing ko magtanong diba? Pero mas cool parin maging Celestian.. Ok na ko sa ganun hahahaha.

" Oo, Katulad ng mga Celestian ay ipinasa ko na rin ang aking posisyon sa aking anak.. " Pagpapaliwanag nito sa akin.

" Tara na sa loob at nakahanda na ang pagkain.. " pag-aya samin ni ceres. Sumunod kami sa kanya at pumasok na sa palasyo. Napakaganda at napakagarbo ng loob. Isang malawak na hagdan sa gitna at mga upuan na may halong ginto ang mga materyales. May pulang carpet din na naka sapin mula sa pintuan ng palasyo paakyat sa hagdanan. Sa pinakatuktok naman nito ay isang malaking larawan ng isa ding Knight na suot din ang gintong armor pero iba ang itsura nito kay ceres. Pagkakita ko sa mga mata nito ay alam ko na kung sino ito.

" Ikaw iyan tanda? Ang gwapo mo naman pala noong kabataan mo! " ngumiti naman sakin ito.

Dumeretso kami sa isang pinto sa kaliwang bahagi sa may gilid ng hagdan. Pagbukas nito ay isang napaka habang lamesa na punong-puno ng pagkain may prutas, letchon baboy at manok at iba pa.

" Woaahh! Hanggang ngayon ay patuloy parin akong namamangha sa lugar na ito.. " sabay naman silang ngumiti sakin at nagpatuloy sa paglalakad.

" Magbibihis lang ako at babalik ako dito, maupo ka na at mauna ka ng kumain.. " utos sakin ni tanda.

" Sige! Balik ka agad tanda ahh! " habang kumakaway ako sa kanya.

" Tara, kain na tayo.. Teka ano bang dapat itawag ko sayo? ang pangit naman kung kuya dahil parang impormal .." tanong ko kay ceres.

" Ceres na lang, Leo.. Magkasing edad lang tayo.. " sabay ngiti nito.

" Talaga? Eh.. Ang matured mong tignan.. Bumibisita ka rin ba sa mundo ng mga tao katulad ni tanda? " follow-up question ko sa kanya sabay upo.

" Oo, at nagaaral din ako sa mundo ng mga tao pero pag walang pasok. Andito ako sa kaharian para magsilbi sa kaharian. " pagkwekwento sakin ni ceres.

" Woah! Ang lupet mo naman pala! Teka asan ang hari nyo dito? Diba pag palasyo sigurado may hari at reyna? " takhang tanong ko ulit. Nako! Leo pag yan naasar sa kakatanong mo baka espadahin ka na nyan.

" Matagal ng patay ang mahal na reyna... Ang hari naman ay papunta na dito, mga ilang saglit lang ay nandito na iyon. " at umupo na rin sya sa upuan na katapat ko.

Nagugutom na ko pero nakakahiya naman kung pangungunahan ko, baka magdasal muna kami o kaya hintayin muna namin ang hari.

" Andito na ang hari.. " tumayo si ceres at nag bow. Humarap naman ako sa likod ko at tinignan ang itsura ng hari at laking gulat ko na ang hari ay si tandang hertes.

" Ha-hari ka? I-ikaw ang hari? Bakit di mo sinabi saking ikaw ang hari dito. " wahh! Ang bastos ko tinatawag ko syang tanda ehh sya pala ang hari dito. Lagot ka na Leo baka paputulan ka nyan ng ulo. Nakasuot sya ng isang magarbong damit at napakagarang korona na ginto na may mga diyamanteng naka desenyo rito.

" Oo,  hindi mo naman tinanong ehh.. " nakangiting sabi nya agad naman akong lumuhod sa harap nito.

" Huhuhuhu patawad sa pagtawag ko sayong matanda... Wag mo ko papapugutan ng ulo.. Bata pa ko gusto ko pa magka junior.. Huhuhuhu " pagmamakaawa ko kay tanda.

"  Anong pupugutan? Hahahahaha mapagbiro ka talagang bata ka.. Halika ka na nga at kumain na tayo.. At sa pagtawag mo sa akin na tanda ay Ayos lang sa akin iyon.. " nakangiting sabi nya sakin sabay upo sa pinakagitna na upuan ng lamesa.

" Huhuhu salamat tanda.. Este mahal na hari.. " sabay upo ko ulit sa upuan.

" Ikaw din Ceres ehh.. di mo sinabi sakin na hari pala si tanda este mahal na hari.. Huhuhuhu " nakayukong sabi ko.

" Ayos lang iyon, mukhang hindi naman galit si ama sa tawag mo sa kanya. At wag kang mag-alala hindi strikto na hari si ama.. " nakangiting sabi nito sa akin.

The 12 Celestians: Queen of Celestial SpiritsWhere stories live. Discover now