Chapter 13 - Tharnetia Forest

13 0 0
                                    

Leo's POV

Agad akong nagtungo kung nasan si Tatang para mapagbigay kagad
sa kanya na nasa panganib si Leo.
"Tatang! Tatang!" Sigaw ko papalapit rito habang hinihingal.
"Ano yun Leo? may problema ba?" Pagtatakang tanong nito at masusing
nagaabang na magsalita ako.
"Si Leo daw nasa panganib at hindi ko alam kung san sya hahanapin.."
pagmamadaling sagot ko rito. baka sakaling alam ni tatang kung nasan
o kung paano ko makikita si Leo.
"Nasa panganib? aba'y ano pa ginagawa mo dito? puntahan mo na si Leo!
"Utos nito sakin.
"Eh kaya nga ako nagpunta sa iyo dahil hindi ko alam kung paano sya
hahanapin.. o baka sakaling alam mo." Habang nagsasalita ako ay patuloy
umiilaw ang singsing na sya namang nakita din ni tatang.
"Nakalimutan ko pa lang sabihin sayo.. ipikit mo lang ang mga mata mo
at damhin mo si Leo, kailangan nyong maging iisa para magkaroon kayo ng
koneksyon sa isa't isa.." Agad akong pumikit at inisip si Leo. Wala akong
inisip sa mga oras na iyon kung hindi sya lang nang biglang may kakaiba
akong naramdaman at yun ay paghangos ni Leo. Tumatakbo ito sa isang gubat
"Nasan ka Leo.." sabi ko sa sarili ko. dahil hindi ko kabisado ang lugar
kung nasaan ito.
"Nakakausap mo na ko gamit ang isip mo?! " bigla kong narinig ang sigaw
ni Leo.
"Teka nasaan ka? paano mo ko nakakausap?" tanong ko rito.
"Kakayahan yan ng isang Celestian. Wag ka ng pumunta dito at delikado.
kaya ko na ito.." pagmamatigas nya.
"Ano nakita mo na?" biglaang tanong ni Tatang.dumilat ako at agad kong tinanong
kay tatang kung saan may gubat dito na pinapalibutan ng mga punong may parang
mga dyamante sa katawan at kumikinang.
" Tharnetia Forest.. Delikado yun Leo.. at anong nakain ng Celestial Spirit mo at nag
punta sya doon? pugad yun ng mga halang na kaluluwang mga hayop. " seryosong
sagot nito sakin.
"Pupunta ako.. Ililigtas ko sya.."
" Pero-"
"Tatang isa akong Celestian.. mas malakas si Kenos kesa sa mga yan.. dyan pa ba ko matatakot?"
seryoso ko ulit sabi sa kanya. hindi ako nagdalawang isip at tumakbo papunta sa mga kabayo
agad may lumapit sakin at iyon ay walang iba kung hindi ang kabayong si Zelian. umupo ito bilang
tanda ng pagsakay ko. Agad akong sumakay at di nagdalawang isip patakbuhin si Zelian
mas mabilis sya ngayon at kaunting pagkakamali ko lang ay maari kong ikalaglag ngunit balewala
ito sa akin.
Maya maya pa ay natatanaw ko na ang gubat na punong puno ng mga punong ma dyamante sa katawan nito.
Malapit na ko sa Tharnetia Forest.
Bigla namang huminto si Zelian bago pa kami makapasok sa gubat. Baka takot itong pumasok. bumaba
ako at hinawakan ito sa ulo.
"Salamat sa paghatid kaibigan.. Ako na bahala pumasok.."Sabi ko kay Zelian at nagumpisang tumakbo
papasok.
tumakbo ako at patuloy na sinusundan ang aking puso kung saan ako dalhin. Maya maya ay may narinig
akong kaluskos ng mga dahong papalapit sakin.
tumingin ako sa paligid at natulala ako sa nakita ko. mga matang pula na nasa dilim. nakaramdam ako ng
takot ngunit di ako nag papadaig sa takot. naalala ko ang sinabi ni lola at agad kinuha ang panyo at
itinali sa ulo ko. Agad ko ding hinawakan ng dalawang kamay ang stick na ibinigay din ni lola. Maya
maya ay biglang lumabas ang mga pulang mata sa dilim.
Nagulat ako sa nakita ko. Isang batalyon ng mga lobong itim at pula ang mata. nakalabas ang mga pangil
nito at naglalaway. Biglang tumalon sakin ang isa na syang dahilan ng pagatras ko at biglaang
pagtumba ko napapikit ako at handa ng tanggapin ang gagawin ng lobo ngunit wala parin akong nararamdamang
sakit.pagdilat ko ay nakita ko na lang na nakatusok na ang espadang kanina ay stick sa puso ng lobong
tumalon sa akin. tumayo ako at itinanggal ang espada sa puso ng lobo. unti unti namang akong binalot
ng kalasag na kanina ay panyo lang.
"Woaahh! ang lupit mo talaga lola! " napasigaw na lang ako sa nararanasan ko. nagkaroon ako lalo ng lakas
ng loob para kalabanin ang mga lobong nasa harap ko.
" Humanda kayo ngayon.. " nakangiti kong tingin sa mga lobong handa akong maging hapunan.
Ako naman ngayon ang sumugod at unti unti din silang lumapit patungo sakin.
Hindi ako nagdalawang isip tamaan ng espada ko ang mga lobong hayok na makain ako.  Bawat paglapit ng mga ito ay syang pagsaksak ko.
" Woooahh nakakapagod naa! " napasigaw ako bigla ng makitang marami pa rin ito at parang di nababawasan. Marami ng nakahiga ngunit marami pa din ang dumadating.
Sumugod ulit ako at nagpatuloy sa pagwasiwas ng espada ko.
Habang patuloy kong winawasiwas ay may lobong tumalon sa likod ko sanhi ng pagkabitaw ng espada ko dali dali naman akong tumayo at sinipa ang lobong tumalon sakin. Napaatras ako hanggang nacorner na ko sa puno.
" Hayup! " napasigaw ako habang tinitignan ang espada ko sa di kalayuan. Mabuti na lamang ay naka kalasag ako at hindi bumaon ang pagsakmal ng lobo sakin.
Unti unti na ulit lumapit ang mga lobo patungo sakin at tumalon.
Napapikit na lang ako at tanggap ko na ang mangyayari sakin.
Matagal akong napapikit ngunit wala parin akong maramdamang umaatake sakin. Nang dumilat ako ay nakita ko si Leo na nasa harapan ko. Kinakalaban nya ang mga lobo. Marami na itong kalmot sa katawan ngunit nananatiling nakatindig.
" Tumayo ka dyan at ipakita mo ang lakas mo! " Sumigaw ito ng hindi humaharap sakin. Tumayo naman ako at dali dali kong kinuha ang espadang nahulog ko kanina.
" Tharnetia Devil Wolf ang mga tawag sa mga yan.. Grupo sila kung umatake ngunit kahinaan nila ang kanilang mga dibdib. " Seryosong sabi nito.
" Tapusin na natin to.. " Seryoso ko ding sabi sa kanya at nagsimula na kami ulit sugudin ang mga lobo.

The 12 Celestians: Queen of Celestial SpiritsWhere stories live. Discover now