Leo's POV
Pagkadating namin sa loob ng palasyo ay agad akong nagpaalam kay Ceres na puntahan si Capricorn upang kausapin.
Pagakyat at pagderetso ko sa harap ng kwarto ni Capricorn ay agad ko itong kinatok maya-maya pa ay binuksan nya rin ito.
" Ano maipaglilingkod ko sayo, Celestian? " Magalang na pagtanong nito sakin.
" Leo na lang.. Masyado naman pormal kung Celestian.. Gusto ko sanang mahingi ang tulong mo sa misyon ko na hanapin ang iba pang mga Celestian gaya ko.. " iniangat nito ang salamin nya at ngumiti.
" At sa paano mo namang paraan gagawin yun na makakatulong ako? " pagtatanong ulit nito na tila ay alam nya na ang sagot.
" Gusto ko sanang tulungan mo ko gumawa ng program na makakatrack ng location ng iba pang Celestians.. "
" Hmm.. Ganun ba, Halika't pumasok ka sa loob ng mapagusapan natin kung paano natin gagawin yan.. " pag anyaya nito sakin papasok sa kwarto nya.
Pagpasok ko sa kwarto nya ay natulala agad ako sa mga gamit na nakita ko. Limang naglalakihang monitor na may iba't ibang dinidisplay. Gumagawa siguro sya ng program.
" Paano ang flow ng program na nais mo? "
Tanong nito sakin." Kailangan natin ng mai-input upang mahanap natin ang mga Celestian, bukod sa mga Celestial Spirits ay wala na tayong ibang alam na maiiugnay sa kanila, hindi rin natin alam ang mga pangalan nila.. Kaya naisip kong kung gagamitan mo ng kaunting mahika at mai-apply mo ito sa isang program posible natin ma track ang iba pang Celestian.. " pagpapaliwanag ko sa kanya.
Tumango ito at inunat ang mga braso sabay pindot sa keyboard.
" Alam ko na kung paano sila ma itatrack " nakangiting sabi nito sakin. Ngumiti ako at pinanood ang ginagawa nya.
" Woah! Medyo nangangalahati na ko.. Kailangan ko lang i-loop ang scanning para hindi mag manual ang pag scan sa mga bituin.. " pagpapaliwanag nito sakin.
" Bituin? Hmm parang alam ko na kung ano ang magiging source mo para mahanap sila.. " napangiti ako. Hindi nga ko nagkamali na si Capricorn ang nilapitan ko. Sana ganito na lang kami ni Leo.
" Papahinga lang ako saglit at babalik na ko sa pagcocode.. " nakangiting sabi nito at tumayo.
" Gusto mo ng kape? " tanong nito sakin.
" Hah? "
" Wag ka mag alala magkapareho lang ang kape dito at kape sa mundo ng mga tao.. " nakangiting sabi nito at kumuha ng baso.
Pagrapos nyang mag timpla ay iniabot nito sakin ang isa." Magawa man natin ngayon ito, may mas mahirap ka pang gagawin.. " sabay higop nito sa kape nya.
" Ano yun? " nagtatakang tanong ko dito.
" Ang pursigihin silang maging Celestian.. "
Hindi ko kaagad naisip yun, malamang nga ay mahirapan akong paniwalain sila na isa silang Celestian lalo na't wala pa kong kapangyarihan para mapaniwala ang mga ito.
" Siguro nga pero sana ay hindi magtagal yun... Nasa amin nakasalalay ang kaligtasan ng mundo kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko magawa itong misyon ko. " sabay higop ko sa kape." Kakayanin mo yan.. Magtiwala ka lang.. " pagpapalakas ng loob sakin ni Capricorn.
" Salamat.. Sana ikaw na lang naging Celestial Spirit ko.. Mukhang malabo yata kami magkasundo ni Leo. "
" Nagkataon lang talaga na pareho ang hilig natin.. Hindi man ngayon pero darating ang panahon na mag kakasundo din kayo nya. Alang alang sa kapakanan ng mundo.. " nakangiting sabi nito sakin.
" Oh sige na't babalik na ko sa pagcocode kailangan ko pa matapos itong program.. "
"Diba kailangan may pangalan ang mga program para alam agad kung para san ito? May naisip ka na bang pangalan ng program na yan? " tanong ko sa kanya.
" Hmm.. PROJECT:CLT or Celestians Location Tracker " nakangiting sabi nito.
" Ang cool ng pangalan sana ikaw na lang kagrupo ko sa thesis sigurado una kami ni bentot.. "
" Hahahaha kaso hindi ako katulad nyo eh.. "
" Yun lang o sya sige na balik na lang ako pagtapos na.. Kita na lang tayo mamaya! " sabay labas ko sa kwarto ni Capricorn.
Pagbaba ko ay naisipan kong pumunta sa kusina para sana manghingi ng pagkain ngunit nakita ko si Leo na may kinukuha sa ref. Pagsarado nito sa ref ay nakita ko ang beer na kinuha nya.
Nakakaewan pero imaginin nyo na may nakikita kayong stuff toy na teddy bear na may hawak na bote ng alak ang weird diba?
Biglang tumingin naman si leo sakin ng makita ako sa pinto ng kusina.
" Ano ginagawa mo dito? " bungad na tanong sakin.
" Ah.. Kukuha lang ng makakain.. " nakangiting sabi ko.
" Tss.. " Dumeretso ito palabas habang hawak hawak pa ang bote ng beer.
Ang sungit ng isang yun para syang babae na may dalaw.
Pagkakuha ko ng tinapay sa ref ay agad ko itong susungaban sana ng kagat ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Nakakapagtaka nung una kong punta dito ay walang signal pero bakit nagriring.
*¤Φ¤Φ¤ is calling.*
What? Ang weird. Hindi na ko nagaksaya ng panahon at sinagot ko ang tawag.
" Hello sino to? "
" Nagawa ko na Leo. "
Hindi man nito sinagot kung sino sya ngunit alam ko na. Panahon na para kilalanin ko ang oba ko pang mga kasama.
YOU ARE READING
The 12 Celestians: Queen of Celestial Spirits
Fantasía" We are all born specials in this world but few of us can change our world to become special. " The 12 Celestial Spirits Keeper or Celestians who keep the world safe from the king of void are missing and no one knows where they are. Leonell Astral...