Leo's POV
" Tanda, kailangan ko na pa lang umuwi at baka hinahanap na ko ng lola ko! " naalala kong kanina pa pala ako nandito sa Ouranios Kingdom. Pagtingin ko sa orasan ko ay hindi na ito gumagalaw. Naku naman! Ngayon pa yata nasira to.
" Wala bang orasan dito tanda? " tanong ko sa kanya at agad naman itong tumawa.
" Wag kang magalala, ang 1 oras mo ditong pamamalagi ay katumbas lang ng 1 minuto sa mundo ng mga tao. " pagpapaliwanag sakin ni tanda. Wow! Astig pala dito. Pwede ako maglaro ng computer games magdamag dito ng hindi naapektuhan ang oras ko sa mundo namin.
" Ano yang nakakalokong ngiti mo?" takahang tanong ni tanda ng nakita akong nakangiti.
" Ahh-ehh, wala hahahaha na astigan lang ako.. Tanda, sa oras na mahanap ko na ang mga kasama ko pano namin matatalo si kenos? " tanong ko kay tanda.
" Nasa sa inyo na iyon, kayo ang may kapangyarihang talunin si kenos. Pero may mga sandatang maari nyong gamitin laban sa kanya at kailangan nyo iyon hanapin. " Sabi ni tanda.
" Pano yun eh hindi nga ko marunong makipagsuntukan, makipaglaban pa? At ano yung mga sandatang iyon? " tanong ko sa kanya.
" Bukas bumalik ka dito para mag ensayo at planuhin kung paano mo mahahanap ang mga kapwa mo Celestians, bbukasko narin sasabihin iyon. " habang nagsasalita si tanda ay papalapit sa amin si Ceres.
" At ako ang magtuturo sayo.." nakangiti nitong sabi sakin.
" Talaga ceres? " natutuwa kong sabi habang kumikinang ang aking mga mata. Matututo na ko makipag boxing. Iniisip ko pa lang na sisipain ko yung mga nambubully sakin sa school natutuwa na ko pero wag bad yun hahahaha.
" Oo naman ikinagagalak ko pang turuan ka.. "
" Sige, babalik na ko sa amin tanda, ceres. Kita na lang tayo bukas! " naglakad na kami nila tanda papunta sa portal kung saan kami unang pumasok. Ngayon ko lang nakita na may punong sobrang laki. sa likod namin pagkadating namin dito.
Iniangat ni tanda muli ang kanyang tungkod at unti unting lumiwanag ang katawan ng malaking puno na nasa harap namin at naghugis bilog.
" Teka! Teka tanda paano naman ako makakabalik dito eh hindi ko alam kung pano pumasok sa ganito?" takhang tanong ko sa kanya.
" Gamit yang singsing mo.. Ngayong suot mo na yan,kahit anong oras na mapalapit ka sa portal kung saan tayo unang pumasok, otomatikong bubukas ang portal para sayo. " pagpapaliwanag ni tanda.
" Woooahh! Ang astig, hala sige bukas na ulit ako magtatanong este babalik.. Paalam sa inyo at salamat " himas himas ko ang singsing ko ng pumasok na ulit ako sa portal na ginawa ni tanda.
Pagkalabas ko sa portal ay bumungad na ulit ang iskinitang pinasukan namin ni tanda. Halos walang pagbabago, pagtingin ko sa orasan ko ay gumagalaw na ito at nakakagulat na limang minuto lang akong namalagi sa kaharian ni tanda.
Agad akong lumabas sa iskinita para umuwi sa bahay.
" Leo! Leo! San ka ba nagpupupunta kung saan saan na kita hinanap napapagod na ako't nagugutom.." hinihingal na lapit sakin ni bentot. Oo nga pala, tinakbuhan ko sya kanina ng makita ko si tanda at limang minuto lang pala ang nakakaraan nun.
" Ahh naihi lang ako.. Tara at umuwi na tayo.. " pag aya ko sa kanya na parang walang nangyari.
Paguwi ko sa bahay ay nakita ko kagad si ang magaling kong ama na si riyo na umiinom ng alak.
" Hoy! Halika dito.. Umutang ka nga ulit kay aling mane ng alak, sabihin mo bukas na ang bayad.. " pag uutos nito sakin habang gumegewang gewang na syang nakaupo.
" Wala ka naman trabaho, pano mo naman yun mababayaran? " tanong ko. Langya ka leo! Gusto mo bang mabugbog nyan pumipilosopo ka nanaman.
" Aba! At natututo ka ng sumagot! halika nga ditong bata ka! Nagiging walang hiya ka na eh! Dapat sayo tinuturuan ng leksyon! " bigla nyang tayo at kinuha ang walis tambo na nakasabit sa pintuan malapit sa banyo namin.
" Bakit ba ganyan mo ko tratuhin pa! Dahil hindi mo ba ko tunay na anak?! Parati ka na lang ganyan sa akin! " pagsagot ko na may kataasan ang boses. Agad syang lumapit at inambahan akong hahampisin. Pumikit na lang ako at hinihintay kong maramdaman ang sakit ng magiging hampas nya pero wala. Unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita ko sa harap si lola na nakapigil ang hawak sa walis tambo." Pwede mong pagbungangaan, pagsalitaan o pagsabihan na masasakit na salita, pero ang pananakit sa apo ko ay hindi ko hahayaan hanggat nabubuhay ako riyo.. " seryosong sabi ni lola kay riyo habang si riyo naman ay nagulat sa pagpigil ni lola sa kanya.
" Ka-kaya lumalaki ang ulo nyan dahil sa pinagtatanggol mo! Kinukunsinti mo kase yan kaya nagiging balasubas! Tignan mo nagagawa na akong sagutin! " pagpapaliwanag nya kay lola.
" Dahil hindi na tama ang ginagawa mo riyo! Sumosobra ka na! Hindi ka ba nahihiya? yung anak mo na ang nagpapasensya sayo at hindi na ikaw? Ikaw ang mas matanda sa kanya at ikaw ang dapat mas makaunawa, mas umintindi at magbigay ng pagmamahal pero kabaliktaran ang ginagawa mo! Sa tingin mo karespe respeto ba ang ginagawa mo? " natigilan si riyo sa pag sasalita ni lola wala syang nagawa kung hindi ang lumabas ng bahay.
" Pagpasensyahan mo na ang tatay mo iho, alam ko hindi ma na matiis ang ginagawa nya sayo pero alam kong ikaw ang mas nakakaintindi sa sitwasyon natin ngayon. " pagpapaliwanag sakin ni lola.
" Pasensya na rin po la' di ko na kasi matiis yung ginagawa nya lalo na at kayo din ang maaapektuhan.. Alam ko kasing ikaw nanaman magnabayad sa mga utang nya.. " paghihingi ko ng pasensya kay lola. Alam kong natitiis ni lola ang ginagawa ng mabuti kong amain pero ako hindi.
" La, may nalaman pala ako tungkol sayo.. " pagputol ko sa madrama naming usapan.
" Ano yun apo? Anong nalaman mo tungkol sakin? " nagtatakang tanong nito..
" Tungkol sa.. Celestians. " tumingin ako sa kamay ko kung saan suot ko ang singsing at agad naman nyang nakita ito at nanlaki ang mata nya.
YOU ARE READING
The 12 Celestians: Queen of Celestial Spirits
Viễn tưởng" We are all born specials in this world but few of us can change our world to become special. " The 12 Celestial Spirits Keeper or Celestians who keep the world safe from the king of void are missing and no one knows where they are. Leonell Astral...