Chapter 5 - The Celestial Spirit: Leo

34 3 16
                                    

Leo's POV

" Magandang umaga, Capricorn.. Ito nga pala ang bagong keeper ng leo, si leo. " pagpapakilala ulit sa akin ni tanda sa ika siyam pagkakataon.

" Hi, kinagagalak kitang makilala capricorn, ako nga pala si le-"

" Leonell Astral Montero, 18 years old, ComSci student in Beethoven University.. Hmmm, parehas pala tayo ng hilig.. " biglang salita nya ng hindi nya na ko patapusin ng salita.

Para syang kambing na may mala-nerd na pormahan. May dalawa rin syang malaking sungay. Yea, base sa nakita ko para syang computer geek.

" Cool! Pano mo nalaman ang tungkol sa mga information ko? " manghang tanong ko sa kanya.

" Technology... Isa na sya ngayon sa pintuan papasok sa pagkatao mo.. " sabi nito sabay ayos ng kanyang salamin.

Habang nagkwekwentuhan kami ay may lumabas na batang babae na may hawak na fish bowl at may laman itong dalawang isda, isang itim at puti sa ika sampung pinto. Ang pinto ng Aquarius.

" Oh ayan na pala si Aquarius, leo.. " pagkakita ni tanda sa batang iyon. Sya pala si Aquarius.

" Tanda! Nakalimutan nanaman nilang pakainin si yin at yang! " sabay tingin sa dalawang isda.

" Sila naman ang pisces, leo.. " sabay turo nito sa dalawang isda.

" Tanda narinig mo ba sinabi ko? Nakalimutan nilang pakainin si yin at yang! " sigaw ni Aquarius.

" Kumalma ka Aquarius, ipapakuha ko na sila ng pagkain.. " pagpapakalma ni tanda kay Aquarius.

" Excuse me, pero may kailangan pa ko i-program. Maiwan ko muna kayo mahal na hari and leo.. Nice meeting you. " pag papaalam ni capricorn.

Pag sarado ng pinto ay may mga tauhan si tandang papalapit kay Aquarius para ibigay ang pagkain.

" Ang tatagal nyo! Sa susunod na kalimutan nyo pakain sila yin at yang kayo ang ipapakain ko sa alaga ko. " pagbabanta ni Aquarius sa mga tauhan.

" pagpasensyahan nyo na po kung nahuli kami... Sapagkat nangugulo nanaman ang leo sa mga nag eensayong kawal natin mahal na hari.. Isa isa nya itong hinahamon ng duwelo. " pagpapaumanhin nito habang naka bow. Teka? Yung Celestial Spirit ko ba yung tinutukoy nya? Aba malamang Leonell kakasabi lang diba? Mukhang basagulero ang isang to.

" Tsk, wala ng ginawang matino ang isang iyon... Tara leo, samahan mo ko sa kanya at baka mapatahimik mo ang isang yun. " pag yaya sakin ni tanda.

Habang pababa kami ng palasyo ay iniisip ko ang mukha ni leo. Malaki ang katawan, nakakatakot na tingin, matatalas na pangil at kuko... Putek! Baka konting mali ko lang eh durugin na ang buto ko.

" Ta-tanda.. Di naman siguro nambabali ng buto ang leo diba? " kabadong tanong ko.

" hindi naman.. " bigla akong nakahinga ng maluwag sa sinabi ni tanda.

" nandudurog lang.. " sabay ngiti nya sakin ng nakakaloko. Patay ka talaga leo! Huhuhu pano na lang kung masira ng leo na yun ang gwapo kong mukha. Wala ng maglalahi sa mundo ng mga tao ng gwapo.

" tanda naman ehh... Walang ganyanan magbaback out talaga ako! " pananakot ko sa kanya.

" It's too late now, leo. Once na talikuran mo ang posisyon mo bilang Celestian ituturing ka na kalaban ng kaharian at kapag nahuli ka papatawan ka ng parusang kamatayan. " pananakot din nito sa akin.

" Oo na.. Oo na.. Papunta na tayo e. " pagsisimangot ko. Natanaw namin ang mga nagkakagulong mga kawal. May isang parte dun na kung saan nag tutumpukan sila ang ibang kawal ay tumatalksik sa lugar na yun habang sumisigaw sa sakit.

" Wala pala kayo eh! Hindi nyo ko kaya! " rinig kong sigaw. Sigurado na ako na sya ito.

" Magsitabi kayong lahat! " utos ni tanda sa mga kawal.

Unti unting nagsitabihan ang mga kawal at nakita ko na ang pinakakinakataku-teka.

" WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA " malakas kong tawa na nakapagpabingi sa buong paligid.

" Anong tinatawa tawa mo? " tanong ng leo sakin.

Unti unting lumapit ang leo na kanina ay kinakatakutan ko na ang itsura ay parang TEDDY BEAR.

" Kala ko naman kase nakakatakot ang itsura mo hahahahaha eh parang laruan ka lang ng mga bata e HAHAHAHHAHAHAHAHA" hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko.

" Tinatarantado mo ba ko? " seryosong tanong nito sakin.

" Hindi ahh ang cute mo kaya HAHAHAHAHAHHA " pang aasar ko pa.

" Isa.. "

" HAHAHAHAHAHAHA "

" Dalawa.. "

" kaano ano mo si gummy bear? Hahahaha"

"Tat-arrgghh"

" Ka----" hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko ng sapakin ako ng kanina ay pinagtatawanan ko. Halos lumipad na ko sa pagkakatapon ko.

" A-aray.. " habang hinahawakan ko ang duguan kong bunganga.

" Ayoko sa lahat ng ginagago ako... " nakita kong pula na ang mata nya at bawat tapak nya sa lupa ay nagkakaroon ng marka.

Unti - unting lumalaki ang kanina ay Ga-stuff toys na leon.

" Tama na yan leo! Mapapatay mo ang keeper mo! " sigaw ni tanda. Lumingon ito at tumingin kay tanda.

" Ito ang keeper ko?! " lalo yata syang nagalit at lumabas na ang ugat sa sentido nya.

" Aaaaaarrrrrggghhhhh!!!! Pasalamat ka at keeper kita... Umayos ka kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo pagkasama mo ako. " banta nito sakin sabay tumalikod at unti unting bumalik ang itsura nya sa una kong nakita.

Nakakatakot ang ugali nya. Hindi sya basta basta. Paano ko mgagampanan ang pagiging keeper ko kung ngayon pa lang ay di na yata kami magkakasundo.

" Pagpasensyahan mo na ang leo, leo. " paghingi ng pasensya ni tanda.

" Ok lang ho yun ako naman may kasalanan... " sabay pagpag ko sa damit ko at tumayo.

" Tatanggapin mo na ba ang itinakda mong tungkulin? " seryosong tanong ni tanda sakin. Hindi magiging madali na ngayon para sakin na maging keeper ng leo, pero wala na akong pagpipilian kung hindi tanggapin ang itinakda para sakin.

" Alam ko magiging mahirap itong gagawin ko. Pero nakahanda na ko, hindi na ko aatras pa. " seryoso kong sabi kay tanda.

" Suotin mo na itong singsing na ito... Ang Ring of Leo's Celestial Keeper. " Ibinigay sakin ang isang gintong dingsing na may bato na kulay orange sa gitna nito na nakaukit ang simbolo ng leo.

" Maraming salamat, tanda.. " pagpapasalamat ko.

" Ikinagagalak kong paglingkuran ka, Celestial Keeper of the Leo. "

The 12 Celestians: Queen of Celestial SpiritsWhere stories live. Discover now