Leo's POV
Pagtapos namin kumain ay nagumpisa na ulit ako sa pagiging reporter este pagtatanong.
" Tanda! Sabi mo diba ang misyon ko hanapin ko pa ang ibang Celestians bago mag eclipse? " pagtatanong ko rito.
" Oo, kailangan mo silang mahanap sa lalong madaling panahon.. " pagtugon nya sa tanong ko.
" Diba nahanap mo ko? Edi madali na lang sayo hanapin ang iba Celestians.. Bakit ako pa? " tanong ko.
" Simple lang... Ikaw ang mamumuno sa kanila, dahil ikaw ang leader ng bagong henerasyon ng mga Celestians ikaw rin ang hahanap ng mga miyembro ng grupo mo. Responsibilidad mo sila.. " pagsagot nito sa tanong ko.
" Ahhh... Hindi ba pwedeng tulungan mo na lang akong hanapin sila para madali na lang *pout* " pagrereklamo ko.
" Hindi naging madali ang paghahanap ko sa iyo... Ilang taon kitang hinanap sa mundo ng mga tao.. " Pagsagot nito sakin.
" 18 walong taon ka nyang hinanap.. " pag singit ni Ceres sa usapan.
" Teka?! Labingwalong taon? Ehh paano ko naman sila kagad mahahanap kung mismong ikaw ehh natagalan? " takhang tanong ko.
" Dahil isa kang Celestian.. Ikaw lang ang may kayang kumontrol ng kapangyarihan ng isang Celestial Spirit at ang Celestial Spirit mo mismo ang magtuturo kung nasaan ang iba mo pang mga kasama..." Pagpapaliwanag nito sa akin.
" Teka, paano ko naman makokontrol yung Celestial Spirit ko ehh hindi ko nga alam kung nasa saan iyon? " nabilang nyo na ba yung mga tanong ko? Hahahahaha putek nakakarami na ko ahh.
" Sabi ko sayo, ito ang Ouranios Kingdom tahanan ng Celestial Spirits... Andirito sila naninirahan.. " dito mismo? Ano kaya itsura nila.
" Asan sila? " masanay na kayo, si tanda nga di nakukulitan sa tanong ko eh.
" Halika't Sumunod ka sa akin.. " nakangiting sabi ni tanda sabay tayo.
Naglakad kami palabas sa kwartong pinagkainan namin at umakyat sa hagdanan. Putek na palasyo to! Kasing laki na ng kalsada namin ang daanan nila dito eh kahit yung truck ni mang kanor eh kasya dito. Pagkapasok namin sa isang pasilyo tumambad sa aking ang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, and so on.. Labing dalawang pinto na may mga logo ng mga Celestial Spirits Sa bawat itaas ng mga pinto.
" Dito sila natutulog? Kwarto nila ito? Ano itsura nila? Mukhang tap din ba sila? " sunod sunod ko ulit na tanong. Alam nyo guys pwede na rin akong maging rapper.. Ang talented ko talaga.
" Oo, dito ang mga kwarto nila.. " woaahhhh biruin nyo may mga kwarto pa sila ahh.. Lupet talaga. Kala ko sa imahinasyon ko lang sila nakatira.
Una syang kumatok sa unang pinto. Nakita ko ang logo nito, Aries..
Maya-maya ay bumukas na ito. Nakita ko ang isang mukhang tao na may sungay ng ram ang lumabas, nakasalamin ito at seryosong nakatingin sakin.
" Magandang Umaga Aries, ito nga pala si Leo, ang Celestial Spirit keeper of the Leo. " pagpapakilala sakin nito kay aries.
" Magandang umaga mahal na hari, pati na rin sayo Celestian.. Anong maipaglilingkod ko sa inyo? " nakangiting bati sakin.
" Hello! Ako si Leo, ang gwapong keeper ng Leo.. Nice meeting you.. " nakangiting pagbati ko rin sa kanya.
" Sayo din Celestian, ikinagagalak kong makilala ang maghahanap ng bago kong keeper. O sya! At ako'y mauuna na sapagka't ako ay naghahanda sa pagdating ng bago kong keeper. " sabay talikod nito pero humarap ulit ito at.. " Nawa'y magkasundo kayo ni Leo, Leo.." sabay ngiti nito at bumalik na sa kanyang kwarto.
Sunod namin pinuntahan ang pangalawang pinto. Ang pinto ng Taurus..
Kinatok ulit ito ni tanda. Maya-maya ay bigla na lang natanggal ang pagkakakabit ng pinto matapos tanggal ng teka? Nakatayong baka? Na may hikaw sa ilong? Kasing katawan nya si The Rock! Kilala nyo yun? Yung kalbo hahaha.
" Naku naman bull, nakailang palit na kami sa pinto mo.. Kailan ka bang matututo magbukas ng tama ng pinto. " pag sesermon ni tanda sa baka.
" Hehehe pasensya na mahal na hari.. " paghihingi nya ng tawad sa mahal na hari habang nakakamot sa ulo.
" Ayos lang.. Ito nga pala ang bagong keeper ng leo... Leo ito ang taurus o bull na lang ang tawag mo sa kanya.. " pagpapakilala ulit sakin ni tanda kay bull.
" ikinagagalak kitang makilala, bull hehehehe ako nga pala si leo, ang keeper ng leo.. " kakamayan ko sana sya pero tinignan nya lang ang kamay ko.
" Ayoko ng ganyan tol! Hindi sunod sa uso! Fist bomb na lang tayo! " sabay tutok sakin ng kamao nya.
Nakipag fist bomb naman ako sa kanya at tuwang-tuwa sya.
" Sana cool yung bago kong keeper... Mahal na hari, may pagkain pa ba sa baba? Nagugutom ako eh.. " pagtatanong nito sa mahal na hari.
" Mayroon, Sige at bumaba ka na doon at kumain.. " nakangiting sabi ni tanda agad namang naglakad palabas si bull at bago pa sya makalabas ng pasilyo ay kinawayan nya ko.
Ang astig din ng taurus na yun ehh noh? Sana ganun din si Leo. Sunod na pinuntahan naman namin ay ang pintuan ng Gemini.
" Hello! Ako si Gem/Mini! Narinig naming ikaw ang bagong keeper ng leo! " ang cute ng boses nila at sabay pa silang magsalita! At parang normal lang silang mga bata isang babae at isang lalaki hanggang bewang ko lang sila.
" Hello, ang cute cute nyo! " sabay pisil ko sa kanilang dalawa.
" Mas cute ako! " sabay sila.
" Ako kaya! "sabay ulit sila.
" Ako! " nagaaway na yata sila.
" Teka teka! Parehas kayong cute kambal nga kayo diba? " pagaawat ko sa kanila.
" Oo nga! Ang galing mo! Pwede ka ba namin maging kalaro? " tanong nila. Parati silang sabay magsalita Hahahahaha.
" Ipagpaumanhin nyo muna Gem at Mini dahil ipapakilala ko pa si Leo sa iba. Sa susunod na lang kayo maglaro. " pag tutol ng mahal na hari.
"*pout* Awww, sige na nga.. Basta pagbalik mo dito laro tayo ahh! " tumango ako naman ako.
" Salamat! Aantayin namin ang araw na iyon! " at pumasok na ang kambal sa kanilang kwarto habang naghaharutan.
3 down 9 to go.. Malapit na kitang makilala Leo.

YOU ARE READING
The 12 Celestians: Queen of Celestial Spirits
Fantasía" We are all born specials in this world but few of us can change our world to become special. " The 12 Celestial Spirits Keeper or Celestians who keep the world safe from the king of void are missing and no one knows where they are. Leonell Astral...