Aries's POV
" Ano sinabi nya sayo? " tanong ng pinsan kong si Juliet.
" Some weird things.. Hayaan mo na.. " Hindi ko na sinabi sa kanya dahil baka di rin sya maniwala.
Hindi ko alam pero may something sakin na gusto kong paniwalaan si ~ teka di ko nakuha yung pangalan nya. Curious ako sa nakita ko, hindi ko alam yung feelings na nadama ko nung nabasa ko yung sulat.
" Uy kanina pa kita tinatanong kung saan tayo kakain.. " pagkalabit sakin ni Juliet.
" Sa may canteen na lang muna.. Tinatamad ako lumabas. " pagsagot ko sa tanong nya.
Nakita kong muli yung lalaking kumausap sakin na may kasamang matabang lalaki habang nagtatawanan sila. Mukha namang di sya masamang tao at mukhang wala naman syang masamang balak sakin.
Pagtapos namin kumain ay pumasok na ulit kami sa last subject namin.
Buong araw kong pinagisipan kung pupunta ba ko o hindi. Sa lahat ng lalaking kumausap sakin sya lang ang nakapagpapayag sakin.
Leo's POV
*kinabukasan*
Maaga ako nagising para sa pagkikita namin ni Ariesha. Wag kayong issue para yon sa kaligtasan ng mundo ahh! Magbasa na lang kayo dyan ge.. Alam kong mapapaniwala ko kagad sya kaya kinuha ko na yung info ng susunod na Celestian. Vladimir Taurus Vicente. 44 years old, Business Man, at higit sa lahat nakatira sa Marchezca City.
Marchezca City - Lugar kung saan tanging mga milyonaryo at bilyonaryo lang ang nakatira, sobrang higpit ng securities, sobrang daming guard na nakapalibot at mamahaling mga bahay at kotse lang ang nakakapasok.
Argh! Pahirap ng pahirap! Ano kaya sunod yung presidente na yung kasama ko? Wag naman sanaaaaaa aaaaaking sinta!
Pagtapos kong kausapin sarili ko ay nagtungo na ko sa meeting location namin ni Ariesha.
Pagdating ko ay natanaw ko kagad ang babaeng katagpo ko. Ngumiti ako habang sya nama'y seryoso ang mukha.
" Hi! " bati ko sa kanya. Nginitian lang ako ng pagkakatipid at umiwas ng tingin.
" So, san na tayo pupunta? San nga ulit yun? Sa Or basta kingdom lang narinig ko.. " tanong nito.
" Sa Ouranios Kingdom.. Ang lugar kung san nakatira ang mga Celestial Spirits.. " pagpapaliwanag ko.
" Ahh sige.. Tara na.. " hindi naman halatang excited sya noh? Naglakad kami kung saan una kong nakita si tanda. Pagpasok namin sa eskenita ay agad sumama ang tingin sakin ni Ariesha.
" Wag mo ko titigan ng ganyan dito talaga tayo dadaan.. " sabi ko sa kanya habang patuloy na naglalakad.
Pagdating namin sa dead end ay magsasalita pa sana sya ngunit iniaangat ko ang singsing na ibinigay sakin ni tanda. Ang " Ring of Leo's Celestial Keeper " umilaw ito ng sobrang liwanag dahilan para mabuksan ang portal patungo sa Ouranios Kingdom.
" Tara na? " tanong ko kay Ariesha na di parin makapaniwala sa nangyayari.
Pagpasok namin ay nagsara naman ang portal na pinasukan namin.
" Andito na tayo.. " nakita ko syang nagniningning ang mata nya sa nakita nya. Naalala ko tuloy yung unang punta ko dito alam kong marami syang tanong sa utak nya.
" Ngayon tanungin mo na ako kung ano ang gusto mo malaman.. "
" Ano yung Celestian? Bakit ako Celestian? At bakit tayo kailangan nandito? " sunod na sunod na tanong sakin. Nagumpisa akong maglakad ganun din sya at inumpisahan kong sagutin ang kanyang mga tanong.
" Tayong mga Celestians ay isinilang para maging keeper ng mga Celestial Spirits.. May 12 na Celestial Spirits na nakatira dito at isa dun ang Celestial Spirit mo.. Si Aires. Naging Celestian ka dahil sa iyo napamana ang responsibilidad na ito gaya ko.. At nandito tayo para magsama sama at maikulong ulit si Kenos.. Ang King of Void. " pagpapaliwanag ko sa kanya.
" Kenos? King of Void? Sino yun? " tanong ulit nito.
" Si Kenos ay isang masamang nilalang na gusto wasakin ang lahat ng mundo.. Naikulong sya ng mga nauna sating mga Celestians.. Pero nakalaya ito sa hindi maipaliwanag na dahilan.. " sagot ko sa kanya. Sa si kalayuan ay natanaw ko si Ceres na sakay ng kabayo.
" Ceres! " tawag ko kay Ceres tumingin naman si Ariesha kung sino ang tinawag ko.
" O leo! " bumaba ito sa kabayo at lumapit samin.
" Si Ariesha nga pala.. Ang keeper ng Aries.. Ariesha si Ceres isa sa mga Ouranios Supreme Celestial Knight, sila ang nagsisilbi sa ating mga Celestian.. " pagpapakilala ko sa kanila.
" Ikinagagalak kitang makilala Ms. Ariesha.. " iniabot ni Ceres ang kanyang kamay upang maabot ang kamay ni Ariesha. Ibinigay naman ni Ariesha ang kamay nito ay hinalikan ni Ceres ang kamay nya.
" Ahh ehh.. Ako din.. " namumulang sagot nito sabay bitaw sa kamay ni Ceres.
" Asan nga pala si Tatang? " tanong ko kay Ceres.
" Sino naman yun? " tanong ni Ariesha.
" Sya yung nagdala sakin dito.. Ang hari ng Ouranios Kingdom.. Ang Haring Hertes.. "
" Nagpunta si Ama sa pinagpapraktisan ng mga kawal sapagkat ang iyong Celestial Spirit nanaman ay nang gugulo.. " pagpapaliwanag nito. Si Leo nanaman..
" Ahh ganun ba.. " pupunta na sana kami papasok sa palasyo ngunit biglang nagilaw ang singsing ko.
" Anong nangyayare? " tanong ko.
" Bakit sakin mo tinatanong? " tanong ni Ariesha.
" Kailangan ka ng Celestial Spirit mo.. Leo.. Isa yang senyales na nasa panganib siya.. " bigla akong kinabahan. Nasa panganib?
" Ceres.. Pwede bang ikaw muna magpakilala kay Ariesha sa mga Celestial Spirit at pupuntahan ko si Leo.. " pagpapakiusap ko kay Ceres.
" Walang problema.. Dala mo ba yung ballpen na binigay ko? " tanong nito sakin..
" Oo, nandito. salamat.. Mauuna na ko.. Ariesha, ikamusta mo na lang ako kay Aries. " kumaway ako sa kanila sabay takbo.
" Anong nangyare sayo Leo? Paano kang nasa panganib? " Tanong ko sa sarili ko. Tinigman ko ang singsing at patuloy itong umiilaw.
Papunta na ko.. Hintayin mo ko Leo..
YOU ARE READING
The 12 Celestians: Queen of Celestial Spirits
Fantasía" We are all born specials in this world but few of us can change our world to become special. " The 12 Celestial Spirits Keeper or Celestians who keep the world safe from the king of void are missing and no one knows where they are. Leonell Astral...