Chapter 8 - Training

10 0 0
                                    

Leo's POV

Gumising ako ng maaga dahil sa excitement kong maturuan ni ceres. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok ni bentot. Agad kong niligpit ang hinigaan ko at bumaba.

" Good morning la'! " sigaw ko pagbaba ng hagdan.

" Jusko namang bata ka eh ginugulat mo naman ako.. " pagkagulat ni lola habang ako naman ay natawang pinagmasdan ang reaksyon nya.

" Sorry na la, masyado lang maganda yung gising ko.. Teka asan si kenos este tatay? " tanong ko rito sabay kuha ko sa pandesal na nasa lamesa.

" Maagang umalis..maghahanap daw sya ng trabaho.. " seryosong sabi ni lola.

" La saglit.. May nararamdaman akong elemento sa bahay.. "

" A-anong sinasabi mo? "

" May nagsaboy ng himala sa bahay biruin mo maghahanap si tatay ng trabaho? " sabay tawa ko.

" loko ka talagang bata ka! Parati mo kong ninenerbyos "

" seryoso ba talaga yun la? "

" Oo, seryoso yun.. Sa katunayan e natanggap na ko sa trabaho.. Sa construction site dyan malapit sa school nyo.. Bukas daw ako maguumpisa.. " biglang pasok ni tatay riyo sa bahay. Nahinto kaming dalawa ni lola sa pagdating nya.

" Pasensya na tay nabigla lang.. La' akyat na ko.. " pag papaalam ko kay lola.

" Saglit leo.. Anak.. "

Totoo ba to? Anong nakain ni tatay at ganyan sya? Baka may taning na ang buhay nya? Nakakapanibago.

" Bakit po? " lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit.

" Pasensya na at naging walang kwentang ama ako sayo.. Pinangako ko sa nanay mo na mamahalin ko kayong dalawa pero hindi ko yun tinupad.. Sana bigyan mo pa ko ng pagkakataon para makabawi.. " pabulong nitong sabi. Naramdaman ko ang hikbi nya sa unang pagkakataon at ang patak ng luha myang bumagsak sa damit ko.

" Ok lang yun tay.. Pasensya na rin sa pagsagot ko kahapon nabigla lang ako.. "

" Pwede ba ko makisali? " tanong ni lola samin.

Niyakap naming dalawa si lola.

" Matagal kong pinangarap to.. " sabi ko.

" Hay nako.. Demetrius tama na ang drama at kumain ka na rin.. " natatawang sabi ni lola kay tatay.

" Sabayan mo na ko anak.. " umupo naman ako ulit sa lamesa at sumabay kumain.

" Aalis po ako mamaya, may gagawin lang.. " pagpapaalam ko kay tatay.

" Sige, mag ensayo ka maigi.. "

Nagulat ako sa narinig ko. Alam nya?

" Narinig ko kayong nagusap sa kwarto mo.. Hayaan mo at tayo tayo lang ang makakaalam nun.. " sabay gulo ng buhok ko.

Whoaah kala ko magagalit sya.

" Salamat po.. "

Kinabahan ang gwapo kong mukha dun ahh pinasma bigla.

~

Papunta na ako ngayon sa Ouranios para mag ensayo. Excited na kong maturuan ng martial arts. Suntok dito suntok dun with matching action. Kung hindi talaga ko naging Celestian magaartista talaga ako e.

Pumasok na ko sa eskinita para puntahan ang lagusan.

Iniangat ko ang kamay ko at umilaw ang singsing na suot ko. Tama si tanda, dahil lumabas na ang lagusan papasok sa Ouranios.

Pagpasok ko ay may nakita agad akong puting kabayo na nakatali sa puno malapit sa lagusan.

" Ikaw siguro ang pinadala ni tanda para sunduin ako? " kaso di ako marunong magmaneho ng kabayo.

Umupo ang kabayo at parang sinasabi nito na umupo ako.

Umupo naman ako at humawak sa tali nitong mabuti habang unti unti itong tumayo.

Tumakbo ang kabayo papunta sa dereksyon ng palasyo, mas hightech papala to kesa sa mga kotse sa mundo namin hahahahaha.

" Maligayang pagbabalik, leo.. " nakangiting bati sakin ni ceres.

" Excited na nga ko e.. Hahaha " sabay baba ko sa kabayo.

" ang talino ng kabayo nyo eh no? Alam nyang di ako marunong sumakay sa kabayo kaya umupo sya at pinasakay ako" pagkamangha kong sabi.

" Inensayo silang mabuti para dyan, ang pangalan nyan ay Zelian.. "

" Zelian? Salamat zelian sa paghatid.. Kala ko sumakay na ko sa Ferrari hahahaha" sabay himas ko sa ulo ng kabayo.

" Tara na at umpisahan na natin ang pageensayo.. " pagtawag sakin ni ceres.

Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa isang malawak na damuhan.

" Dito na tayo.. " nakangiting sabi ni ceres.

Umupo si Zelian at bumaba na ko. Kinuha ni Ceres ang isang espada sa likod nya at ibinigay sakin.

" subukan mo.. " pagkaabot sakin ay kinuha ko ito pero dahil sa bigat nito ay hindi ko ito maiangat.

" Mukhang.. Di.. Ko.. Kaya.. To.. " Nauutal kong sabi habang pinupwersa kong buhatin ang espada.

" Ang espadang yan ay hindi basta basta.. " nakangiti ulit nitong sabi sakin.

" Panong hindi basta basta? " tanong ko rito.

" Kailangan mong magkaroon ng koneksyon sa espadang yan bago mo sya mabuhat.. Damhin mo ang espada.. Isipin mo na kayo ay iisa.. Isipin mo ang dahilan kung bakit mo kailangan ang espadang yan.. " pagtuturo nito sakin.

Pumikit ako at nagbitaw ng isang hininga. Nirelax ko ang sarili ko at inisip kong iligtas ang mundo gamit ang espada na yun. Dun ko lang namalayan na nabuhat ko na ito. Na parang isang balahibo ng isang ibon sa sobrang gaan.

" Wow.. Hanggang ngayon napapabilib parin ako sa lugar na ito.. " nakangiti kong sabi habang tinitignan ko ang kamay kong hawak ang espada.

Biglang hinugot ni ceres ang espada nya at winasiwas ito sakin.

" Rule no. 1.. Maging alerto.. Hindi mo alam kung kailan lalabas ang kalaban mo. " seryosong sabi nito sakin habang nakatutok na ang dulo ng espada sa leeg ko.

" Ah.. Eh.. Sorry.. " nanginginig kong sabi. Inalis ni ceres ang espada at nagsimula ulit nyang iangat ang espada at naka posisyon ng pag atake. Ganun din ang ginawa ko.

Sumugod ceres at nagsalubong ang talim ng aming espada. Napakalakas ni ceres. Habang patuloy kong bina block ang pag atake nya ay paatras ako ng paatras. Ngunit nakaisip agad ako ng paraan na nangyayare sa isang game.

Umikot ako ng mabilis at mabilis ko ding natutok ang talim ng espada ko sa batok ni ceres. Natulala si ceres sa ginawa ko.

" Magaling ka para sa isang baguhan.. " nakangiting sabi nito sakin.

" Napanood ko lang yun sa isang game.. Tapos tinry ko.. " nakangiti ko ring sabi.

" Maganda yan.. Hindi tayo masyado kakain ng oras sa ensayo.. " ipinasok na ni ceres ang espada nya sa lalagyanan.

" Bukas na ulit.. Sa ngayon ay kailangan mo ng hanapin ang iba pang Celestians.. " seryosong sabi nito.

" May naisip na rin akong paraan kung paano mapapabilid ang paghahanap ko sa kanila.." nakangiting sabi ko.

Umakyat na ulit sa kabayo si ceres at ganun din ako. Tumayo ang kabayo at nagumpisa na kaming bumalik sa palasyo.

Kailangan kong makausap si Capricorn.

The 12 Celestians: Queen of Celestial SpiritsWhere stories live. Discover now