Chapter 1 - Ouranios Kingdom

56 4 17
                                    

Leo's POV

Pagkatapos kong mabigo sa paghahanap ng matanda ay dumeretso na ko sa school. Sino kaya sya? Bakit nya kami sinusundan? Hayss! Arrgh! Yan ka nanaman sa curiosity mo Leo! Dahil dyan sa kuryosidad mo ay napapahamak ka.

*Flashback*

" A-anong ga-gagawin natin di-dito leo? " nanginginig na sabi ni bentot. Halata sa kanya, paano naman kase naka lingkis sa braso ko ang duwag.

" Bitawan mo nga ko!  Bakla ka ba?! Magpaiwan ka na lang dito kung ayaw mo! " pag kakalas ko sa kanyang pag lingkis sakin. Tumingin muna sya sa paligid at nakitang bakanteng lote ito at puro mga naglalakihang estatwa ng anghel na may mga damo damo na.

" A-ayoko sa-sama na lang ako! " nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakalingkis parin si bentot sa braso ko. Balita ko kase madaming kababalaghan ang nangyayari sa abandonadong mansyon na ito.

" Le-leo wag na tayo tumuloy.. Ma-may naka *glurp* ti-tira yata dito.. " nanginginig nyang kontra sakin.

" Ayusin mo nga yang pananalita mo nagiging bastos! Anong  'titira' ? " pagbibiro ko pa sa kanya para mawala ang takot nya.

" A-ano ka ba naman leo! Na-nagawa mo pa ma-magbiro! " mission failed takot pa rin sya.

Pagtapak namin sa kahoy na hagdan ay rinig mo ang lagatok ng kahoy senyales na luma na talaga ito.

" Sino yan! " rinig naming sigaw bago pa kami makatapak sa pangalawang baitang.

" Si-sino yun ? " bulong sakin ni bentot.

" Guni-guni mo lang yun.." bulong ko sa kanya at nagpatuloy kaming umakyat papasok.

Pagbukas namin ng pinto ay napatalon kami sa gulat. Isang matandang lalaki na kulubot-kulubot na ang mukha ang nasa harapan ng pinto. Nanatili akong nakatayo habang si bentot naman ay nagmadaling bumaba kahit nagkabalentong-balentong na sya.

" Anong ginagawa nyo dito! " sigaw nito sakin.

" Ahh.. Eh.. Ihh.. Ohh.. Uhh.. "

" ANO! " Lalo pang lumakas ang sigaw nito.

" Ahh.. ehh.. Nagpuntalangpokamiditoparatignankungmaymultotalagadito " mabilis kong sabi sabay talikod at bumaba.

" Magnanakaw kayo noh?! " sigaw nito ulit sabay hablot sa kamay ko. Nakita kong may hawak na itak ito.

" Hi-hindi.. Bumisita lang kami dito.. Tinignan namin kung maganda pa ba ehh mukhang alaga nyo naman po itong bahay kaya... Ba-bye! " sabay karipas ng takbo palabas.

" Lumapit ka ditong magnanakaw ka ng putulan kita ng kamay!  Arrghh! " sigaw nito habang papalayo na ako.

Ng makalayo na ko sa mansyon na iyon ay agad naman akong naupo sa isang upuan malapit sa tindahan at nagpahinga.

" Whooah! Muntik na ko dun ahh... " hingal kong sabi sa sarili ko.

*End of Flashback*

" Bakit ka nanaman huli sa klase ko  Montero? " tanong agad sakin nito pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto.

Sya si Ms. Melisa Hernandez. Filipino prof. Namin na ubod ng terror.

" Ipagpaumanhin mo po ginang.. " at dere-deretso akong umupo sa upuan ko kung saan katabi ko si bentot.

Oo nga pala, ayaw nya ng may english na word na gagamitin namin tuwing magsasalita kami sa subject nya.

The 12 Celestians: Queen of Celestial SpiritsWhere stories live. Discover now