Leo's POV
Pagkatapos naming bumisita sa kambal na si Gem at Mini ay lumipat naman kami sa pang apat na pinto. Ang pinto ng Cancer.
" Hindi ba ko magkakasakit nyan? Ehh baka pag bukas ng pinto magka cancer ako? " pabirong tanong ko kay tanda.
" Loko-loko ka talagang bata ka.. Baka marinig ka ni Crab.. Naku! Maiksi pasensya nyan.. " nakangiti nyang sabi sakin at marahang kumatok na sya .
" Sino yan?! Nakitang nageensayo ako eh! " sigaw nito sa amin.
" Pagbuksan mo kami ng pinto Crab, ako ito ang hari... May papakilala lang ako sayo.. " pagkakausap ni tanda kay Crab.
Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaking nakahubad pangitaas naka gloves at may dalawang sipit sa likod.
" Sino naman?! Bago kong sparring partner?! " pasigaw na tanong nito.
" Bakit? Nabugbog mo nanaman ba ng husto ang ka partner mo at umalis nanaman? " takhang tanong nito.
" Mahina mahina ang katawan.. Ikaw? Halika dito ng maumpisahan na natin ang ensayo.. " pag yaya sakin ni Crab.
" Hindi ako ang bago mong sparring partner ..eh ako si Leo ang bagong keeper ng Leo " habang nangangamot ako ng ulo.
" Ahh, ikaw pala ang bagong keeper.. Ikinagagalak kitang makilala... Ayaw mo muna bang magensayo? Kahit isang rounds lang.. " sabay aksyon nya ng suntok suntok.
" Ahh ehh hindi na hehehehe next time.. " pag ayaw ko sa hamon nya. Baka hindi na ko makauwi sa bahay na buo ang katawan ko.
" ahh sige babalik na ko sa ensayo! Ikinagagalak ulit kitang makilala Leo.. " sabay pasok nya na ulit sa pasok na parang nagdya-jogging.
May iba't-ibang personality ang mga Celestial Spirits ehh noh? Nakaka excite pa tuloy makilala ang mga natitira.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at narating namin ang panglimang pinto. Ang pinto ng Virgo.
Kinatok naman ito ni tanda at maya maya ay bumukas ang pinto pero walang lumabas.. Biglang may sumilip na babae na nakatago sa pinto.
" Halika dito Virgo.. Wag ka mahiya.. " pangaaya ni tanda kay virgo.
" Neheheye pe eke mehel ne here.. " mahinhin nyang sabi kay tanda.
" Wag ka ng mahiya, halika ipakilala mo ang sarili mo sa bagong keeper ng Leo.. " pagaaya ulit ni tanda kay virgo. Abay! Mahiyain pala ang isang to.
" Kemeste eke se verge, kenegegelek keteng mekelele.. " mahiyain parin nitong pagpapakilala.
" Ikinagagalak din kitang makilala virgo. " ngumiti ako sa kanya at ng makita nya kong ngumiti ay sinarado nya agad ang pinto. Hayss, hirap talaga maging pogi.. Nahihiya tuloy yung mga babae sakin lumapit. Wag kayo kumontra bida ako dito nagbabasa lang kayo hahahaha biro lang.
" Mahiyain talaga si Virgo kahit kailan, pagpasensyahan mo na.. " sabi ni tanda.
" Ok lang, normal ko ng naeexperience yan.. Ganyan talaga effect ng ibang babae sa kagwapuhan ko.. " sa kalabit sa ilong tapos pa singkita mata.
" May kahanginan ka rin palang taglay bata. " nakangiting sabi nya.
Sunod naming pinuntahan si libra. Pero pagkakatok sa pinto ay walang sumasagot.
Matagal kaming naghintay at naisipan ulit ni tanda na katukin ulit ito.
" Baka wala sya sa kwarto nya.. Mamaya na lang kita ipakilala sa kanya " sabi ni tanda. Sayang naman baka babae ulit to..
Hehehe alam nyo na *ehem*.Sunod namin pinuntahan ang pang pitong pinto. Scorpio...
Kumatok ulit si tanda sa pangpitong pagkakataon.
" Hello, what can i do for you? " tanong agad ni scorpio habang nakatopless.
" Hon! Anong ginagawa mo dyan?! Sino ang kausap mo!?" nagulat si tanda pagkakita ng babaeng nasa loob ng kwarto ni scorpio na naka two pieces lang.
"Li-libra! Anong ginagawa mo sa kwarto ni scorpio?! " gulat na tanong ni tanda.
"Ahmmm, may ginawa lang kami " sabay ngiti nito habang naka peace sign.
"Magbihis ka muna, libra.. " utos ni tanda. Pagtapos magbihis ni libra ay agad naman itong dumungaw ulit sa pinto.
"Ito nga pala ang bagong keeper ng leo, si leo. " pagpapakilala sakin ni tanda sa dalawa.
" Nice meeting you, bro.. " nakangiting sabi ni scorpio.
" Hello, bagong keeper.. " pagkaway ni libra. Sayang at may scorpio na sya ang cute nya kase eh.
" Hello sa inyo, hehehe salamat " pagtapos namin magusap ay dumeretso na sa pangwalong pinto si tanda.
Dali dali naman itong kumatok. Maya maya ay bumukas na ang pinto ng sagittarius.
Nakakatakot ang itsura nito dahil sa kanyang matatalim na tingin ng mapulang mga mata dagdagan pa ang kanyang seryosong mukha.
" Sagittarius, ito nga pala si leo.. Ang bagong keeper ng leo. " pagpapakilala ulit sakin. Bakit di na lang nagpatawag ng pagpupulong itong tanda na to at iniisa isa pa.
" Alam mo ba yung knock knock? " seryoso paring tingin sakin nito. Langya nakakatakot.
" Ahh ehh.. Oo. " nangangatog kong sagot.
"Knock.. Knock.. "
"Wh-who's there? "
" Leo.. "
" Leo, who? "
" Leo, leron sinta.. Buko ng papaya.. bwahahahahahaha! " sabay malakas na tawa nito at natumba hawak hawak nya ang tyan nya habang tumatawa.
" hehehehe " langhiya ulet! Kala ko naman nakakatakot na.
" hindi ba nakakatawa? Babarilin kita. " sabay tutok sakin ng baril nya.
" BWHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA alam mo bang yun yung pinaka nakakatawang joke na narinig ko? " pagsasabay ko na lang sa trip niyo baka mapatay pa ko.
" Sabi ko sayo ehh... " nakangiting sabi sakin habang si tanda ay tulala.
" O sya, pupunta na kami kay Capricorn " at nagpaalam na kami kay Sagittarius.
" Tanda, bakit hindi ka na lang nagpatawag ng meeting para di na tayo nahihirapan mag katok ng katok para tayong taga meralco nito ehh.. " pagrereklamo ko sa kanya.
" mahalagang malaman mo ang bawat pagkatao ng mga celestial spirits.. " pagsagot ni tatang.
" Para saan naman? Diba dapat yung kapangyarihan nila tinitignan ko? " tanong ko ulit.
" malalaman mo rin sa takdang panahon " nakangiting sabi nito.
" May isa pa kong tanong, tanda.. "
" Ano yun? "
" Bakit hindi si leo ang inuna mo sakin ipakilala? Diba ako ang keeper nya? " tanong ko rito.
" Hindi ka dapat nagmamadali sa mga bagay " nakangiting sabi ulit nito.
Hindi na ako kumibo pa dahil nasa harap na kami ng pinto ng capricorn.
YOU ARE READING
The 12 Celestians: Queen of Celestial Spirits
Fantasy" We are all born specials in this world but few of us can change our world to become special. " The 12 Celestial Spirits Keeper or Celestians who keep the world safe from the king of void are missing and no one knows where they are. Leonell Astral...