Leo's POV
Dali dali akong umakyat patungo sa kwarto ni Capricorn. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad kagad sakin ang napakalawak nyang ngiti.
" Tapos na?! Sabi ko na nga ba't makakaya mo e! " natutuwang pagpasok ko.
" Ginawa kitang example.. Ikaw ang kauna-unahang tinrack ng CLT.. and as we expected gumana sya.. " pagpapaliwanag nito sakin.
" Natrack mo na ba ang iba kong kasama? " tanong ko rito.
" Oo, Unahin natin yung pinakamalapit.. Ariesha Fontanilla.. Celestial spirit keeper of Aries.. Female.. 18 years old din.. Beethoven University.. BSOAD.. " pag bigay sakin ng information about sa keeper ng Aries. Teka? Beethoven Univ? School mate ko?. Nabasa naman ni Capricorn ang nasa isip ko at tumango ito.
" Good luck, leo.." nakangiti nitong sabi sakin.
" Salamat.. Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sakin Capricorn.. " pagpapasalamat ko sa kanya.
" Teka.. Ano itsura nya? para madali ko syang makita sa school.." Tanong ko rito. Agad naman pumindot sa keyboard si Capricorn at pinakita sakin ang isan~ teka ang ganda! Hindi ko masabing di ko sya makita sa school pero meron palang ganito kaganda sa school namin.
" Maghanap ng Celestian hindi lovelife leo.. " Bigla akong nagising sa pagkakatulala ko at namula.
" Oy anong lovelife agad nasa isip mo! Oh sya.. Umpisahan ko na.. " pagpapaalam ko sa kanya.
" Wait.. Mas maganda siguro kung sabay sabay nilang malaman.. Para hindi matrabaho at hindi matagalan sa oras.. Imbitahin mo sila dito.. Papayagin mo silang makapunta dito.. " Pagbigay ng opinyon ni Capricorn. Oo nga! Di ko kagad naisip yun para mas mapadali ang pagpapaniwala ko sa kanila.
" Salamat! Sobrang laki na ng naitulong mo sakin hahaha dahil dyan tignan mo na yung keeper mo! Ikaw na ang mauna sa iba bukod kay Leo na nakita na ko.. " Nakangiting sabi ko sa kanya.
Agad naman syang tumango. Lumabas na ko sa kwarto ni Capricorn at nakasalubong ko si tatang.
" Oh Leo.. Mukhang may magandang balita ah.. Nakikita ko sa mukha mo e.. " nakangiting sabi ni tatang.
" Oo tatang nahanap ko na ang ibang Celestians salamat kay Capricorn.. "
" Talaga? Edi mabuti.. Mas mapapabilis ang misyon mo.. O sya baka maistorbo pa kita.. Sabihin mo lang sakin pag may kailangan ka.. " Tumalikod na ito at naglakad.
*" sabihin mo lang sakin pag may kailangan ka"*. Bigla kong naalala yung plano ni Capricorn.
" Tatang!!! " sigaw ko rito at napatigil naman ito sa paglalakad.
" Bakit? May kailangan ka ba? " tanong nito pagharap sakin. Sinabi ko rito ang ginawa naming plano ni Capricorn para mapadali ang misyon ko.
" Aba magandang ideya yan.. Sige sige ako na ang bahala sa mga invitation card.. Hintayin mo ko sa baba bago ka umalis at gagawa na ko.. " Nakangiting sabi nito.
" Sige tatang salamat! " nakangiting sabi ko rito. Agad na kong bumaba para di na maistorbo si tatang. Konti na lang makikilala ko na rin kayo. Pagbaba ko ay nakita ko naman si Sagittarius na baso.
" Oy Celestian halika dito.. " seryoso nitong pagtawag sakin. As usual, nakasukbit parin sa gilid nya yung baril na tinutok nya sakin.
" Bakit Sagittarius? " tanong ko rito.
" Knock.. Knock.. " seryosong knock knock nito habang nakatingin sa baso.
" Wh-who's there? " namamawis kong sagot.
" Baso.. "
" Baso, who? "
" HETOOO AKOOOOOO BASONG BASO SA ULANNNN! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA " Sa lakas ng tawa nya ay umeecho na sa buong palasyo.
" Ha.. Ha.. Ha " pilit kong tawa sa joke nya.
" Hindi ba nakakatawa? " seryoso bigla nitong sabi habang nakahawak na sa baril. Putek naman...
" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA OMAGAS NAIIHI NA KO KAKATAWA HAHAHAH " pagpapanggap kong natatawa sa kanya. Galingan mo sa pag acting leo kung gusto mo pa mabuhay.
" Sabi ko sayo nakakatawa eh... Slow ka lang kase.. "
" Pasensya na hehehehe "
" Oh sya.. Aakyat na ko pababa.. Pfft HAAHHAAHHAHAHA "
" HAHAHAHAHAHA " pagpapanggap ko ulit. Hays, buti na lang yung ibang Celestial Spirit matino.
" Pwede na tlga ko magcomedian.. " bulong nito sa sarili nya habang umaakyat.
Nung napansin kong wala na si Sagittarius ay huminga ako ng malalim at binuga. Naglakad lakad ako palabas at napunta ako sa hallway ng gilid ng palasyo habang pinagmamasdan ang hardin.
" Ang ganda naman dito.. " bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga rosas na namumulaklak.
Maya maya ay may naramdaman akong presensya na sobrang bigat.
" Ano tong na-nararamdaman ko? " tanong ko sa sarili ko. Kakaiba.. Para akong hinahatak ng lupa sa sobrang bigat. Napaluhod ako sa bigat na taglay. Parang dumodoble ang gravity kada segundo.
" Aaaaaaaarrgghhh! " sigaw ko sa sakit. Napahiga na ko dahil hindi ko na makaya ang nararamdaman ko. Anong klaseng kapangyarihan ito. Maya maya ay bigla na lang may yabag akong narinig. Hindi ko ito makita sa anggulo ng paningin ko dahil bagsak na ko pero alam kong papalapit ito sakin.
" Ikaw ba talaga ang keeper ko? Napakahina mo para sakin.. " rinig kong sabi nito. Di ko man makita ang mukha nya pero alam ko na kung sino ito.
" Ramdam mo ba ang kapangyarihan ng Leo? " Bulong nito sakin. Hinawakan nya ko sa leeg at Iniangat nya ko ng walang kahirap hirap. Hindi ako makahinga... Anong gusto nyang mangyari? Bakit sya ganito?
" A-ano ba talaga ang gu-gusto mo? " nauutal ko ng sagot sa kanya. Mata sa mata kaming nagkakatitigan. Malaki ngayon ang anyo nya at pula ang mata nya. Binitawan nya ko at bumagsak ulit ako dahil sa mabigat na gravity.
" Gusto kong magbago ng Keeper ngunit di ko magawa.. Ayoko sayo pero wala na kong magawa.. " Seryosong tingin nito sakin habang akoy nakahigang namimilipit na sa sakit.
" Wa-wag ka mag-alala.. Ta-tatapusin ko lang yung misyon ko.. Bibitiw ako.. " Seryoso kong tingin sa kanya. Biglang nawala ang presensyang nararamdaman ko. Hindi ako makabangon sa ginawa nya. Napapikit na lang ako at naluha. Naramdaman kong umalis na sa harap ko si Leo.
Bakit? Bakit sa lahat ng Celestial Spirits sya pa.. Bakit? Ano kasalanan ko sa kanya para ganituhin nya ko.. Bakit?
YOU ARE READING
The 12 Celestians: Queen of Celestial Spirits
Fantasia" We are all born specials in this world but few of us can change our world to become special. " The 12 Celestial Spirits Keeper or Celestians who keep the world safe from the king of void are missing and no one knows where they are. Leonell Astral...