Chapter I

60 2 0
                                    

Ako si Yanie Midainne Wilson, 15 years old. Isa akong Half Filipino Half American. Lumaki ako dito sa Pilipinas at dito na rin nag-aral simula pre-school hanggang highschool. This school year ay Fourth year highschool na ako at simula elementary ay ako ang Top 1 ng klase namin hanggang ngayon pa din naman. Nung Pre-school kasi ako Top 3 lang ako tapos lagi akong binubully ng mga kaklase ko hanggang sa isang araw ay natauhan na akong mag-aral ng maige para maging Top 1 ng klase namin. Gusto rin ng mga magulang ko na maging Top 1 ako palagi para hindi daw ako talunan sa klase kaya pagiigihan ko talaga ang pag-aaral ko lalo na ngayong graduating na ako.   

      "Yan, Halika na mag-eenroll na tayo." sabi ni mama.

      "Sige po pababa na." sagot ko naman.

Well kailangan agad mag enroll ng maaga kasi limited lang ang nakakapasok sa St. Thomas Aquainas Academy. Bumaba na ako at sumakay na sa kotse.

     "Yan, Graduating ka na kaya mas lalo mo pang pagigihan ang pag-aaral mo para paglaki mo     ay maganda ang makukuha mong trabaho." Sabi ni Mama

     "Yes Ma, Pagiigihan ko po talaga." Sagot ko naman.

Nakarating na rin kami sa academy. Lumabas na kami ng kotse at dumiretso sa Admission Office. Pagpasok ko sa Office ay nakita ko nanaman siya. Si Raile Louis Houston, my competitor sa pagiging Top 1 sa klase pati na rin sa bussiness ng mga magulang namin ay magkakumpitensya pa rin.

    " hayyyy, sa dinami-daming pwedeng puntahan at sa dinami-daming eskwelahan na pwedeng pasukan bakit dito pa." Bulong ko sa sarili ko.

    "Excuse me, Miss Wilson. Are you talking to me?" Tanong ni Raile saakin.

   "Obvious bang nagsasalita ako . Remember hindi lang ikaw tao dito kaya wag kang feeling." Sagot ko nang pataray.

   "Sorry for Interruptions." Tugon nito.

Lumabas na ako para di na makita yug lalaking yun pero magiging kaklase ko pa rin naman yun. bakit ba kasi lumipat pa siya dito nung Grade 4 tapos dito pa rin siya hanggang ngayon. Ano ba balak niya?

          Raile Houston's View

  "Masaya akong makita ka muli Yanie. Humanda ka na sa pagkuha ko sa trono mo dahil hinding-hindi na ako magpapatalo ngayon. Sawang-sawa na akong maging Top 2 kaya gagawin ko ang lahat para maging Top 1." Sabi ko sa sarili ko habang galit na pinapatunog yung mga daliri ko sa kamay.

  "Raile, Halika na uwi na tayo." tawag saakin ni Mama.

           Yanie Wilson's View

Pagkatapos mag-enroll ay umuwi na kami agad. Nandito ako sa kwarto ko ngayon ng biglang may kumatok.

(knock,knock)

    "Pasok." sabi ko

Si Ate Yasmin pala. Ang nakakatandang kong kapatid na model ng Charm beauty, Our Family Bussiness.

   "Hi Yan, Long time no see." sabi ni ate

   "Oo nga Ate masyado ka kasing busy sa photoshoot mo saka gusto ko maging maganda tulad mo." sabi ko naman.

   "Alam mo Yan, Don't judge yourself dahil lang sa sinasabi ng mga kaklase mo. Mga inggit lang sayo yun." sabi ni Ate Yas.

   "Sana nga Ate." malumanay kong sagot.

   "Bukas mamamasyal tayo sa mall kasi bibili rin ako ng mga gagamitin ko para sa photoshoot ko tapos bonding tayo bukas." Pag-aaya ni ate saakin.

   "Sige po." Sagot ko.

 Lumabas na si Ate Yas sa kwarto ko at natulog na rin ako. After many hours ay nagising na ako. Mga 8:30 na rin kaya naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na then bumaba at kumain.

   "Yan, kumain ka na tapos maya-maya ng konti aalis na tayo." Sabi ni Ate Yas.

Tapos na kami kumain at nandito kami ngayon sa kotse at bumabiyahe papunta sa SM.

At The Mall...

   "Yan, dito tayo sa Department store pumunta bibili ako ng mga damit para sa photoshoot ko." Sabi ni Ate Yas.

   "Sige po mamili na kayo kasi binigyan na rin ako ng pambili ng school supplies ko kaya pupunta ako ng National Book store. Dito na lang tayo magkita mamaya." Sabi ko naman

    "Hindi sa Moonleaf na lang tayo magkita kasi bibili ako ng milk tea." Sabi niya.

Pumunta na ako sa National Book Store para bumili ng school supplies ko at babayaran ko na sana nang biglang may naalala ako...yung notebook na binalik ko kanina ay kukunin ko na pala pero may biglang napahawak sa kamay ko siguro kukunin niya rin yung notebook pero ako yung nauna kaya akin yun tapos nung tiningnan ko siya, Grabe nasa Haunted House na yata ako Kasi may halimaw sa tabi ko. Nakita ko na naman siya si Raile Louis Houston.

   "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

   "Well, Obvious naman diba edi namimili." Sagot niya

   "Ok Fine, You want This notebook? It's all yours." Tugon ko.

   "Thank you Miss Sungit." Tugon niya pa.

What? Sinabihan niya akong Masungit. Masyado lang talaga akong seryoso sa mundo kasi hindi akong lumaking palabiro dahil ayoko rin yung mga manloloko. Binayaran ko na rin lahat ng pinamili ko at lumabas na ng store at papunta na ngayon sa Moonleaf pero bakit nandito rin si Raile.

   "Wait, Mr. Houston. Are you following me?" Tanong ko.

   "Ofcourse not. My sister is also there." Sagot naman niya.

Pumasok na kami sa loob tapos nung makita ko si ate may kasama siya. Siguro kaibigan niya.

   "Raile, Andiyan ka na pala." Tawag kay Raile nung babaeng kasama ni ate Yas.

   "Yan, kanina ka pa ba diyan?" Tawag ni Ate saakin nung makita niya ako.

What the??? Magkakilala sina Ate Yasmin at Yung Babaeng kakilala ni Raile. Ate Niya siguro yun pero paano nangyari yun.

   "Yan, This is Rhainne Louive Houston." Pagpapakilala ni Ate dun sa kasama niya habang nakaturo siya dun.

   "And this is..." Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Ate at nagsalita na ako.

   "I know. He is Raile Louis Houston and we know each other since we are grade 4." Sabi ko.

  ....................................................................................................................................................................................

 A/N: First story ko po ito. Sana suportahan niyo. Vote & Comment Anytime.

#Adriannester ^_^

My Competitor is my Destiny [ON-GOING]Where stories live. Discover now