Chapter II

59 2 0
                                    

  "That's Great. Since magkakakilala na tayo siguro naman I can treat you a lunch because it's already 12:15 in the afternoon." Pag-aaya ni Ate Rhaine saamin.

   "Sure, Saan ba Tayo?" Tanong Ni Ate Yas.

Grabe naman ito si Ate Yas kung maka-SURE parang pumayag ako ha. Saka ayoko sumama lalol na kasama si Mr. Yabang...este Raile pala.

   "Sa Gerry's Grill tayo. May reserve seat na ako dun." Sagot ni Ate Yas.

Naglalakad na kami ngayon papunta ng Gerry's Grill pero napatigil kami nang magsalita si Mr. Yabang...Ay sorry nasanay na kasi eh pero kilala niyo naman yun diba.

   "Ate, Please Excuse us for a while. May importante lang kaming pag-uusapan ni Yanie." Sabi ni Mr. Yabang este Raile.

What? US??? As in kaming Dalawa and for what? nakakapanibago tong mayabang na to ha. Hinila niya ako palayo kina Ate Yas pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko kaya naman nagsalita na ako agad para matapos na ito.

   "Ano ba, bitawan mo nga ako. Ano bang problema mo?" Sabi ko na medyo nasasaktan na sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

   "Alam mo ba kung anong kalokohan ang ginawa mo kanina ha. Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari kapag alam nila na magkaklase tayo. Magkaibigan si Ate at ang Ate mo at lagi silang magkasama, minsan nga sinasama ako ni Ate Rhainne pag namamasyal sila sa Mall Tapos ngaun sinabi mo na magkakilala tayo at ano na lang mangyayari kapag namasyal sila at sinama ka ng Ate mo edi kasama na rin kita sa pamamasyal." Sabi niya

Ang dami namang sinabi pwede namang isummarize diba. ewan ko ba bakit naging Top 2 to eh para namang walang Common-sense na pwede namang paikliin yung sasabihin.

    "At sa tingin mo sasama naman ako." Sagot ko

   "Bakit Hindi ba. As I know you like Shopping eversince you were little." Tugon niya

   "Noon yun pero hindi na ngayon. Saka bakit naman ako sasama kung kasama ka. Duh!!! mas ayokong makasama ka at ok na saaking mag-isa sa bahay kaysa makasama ang isang taong tulad mo." Sagot ko.

   "Ang Arte mo. Ayaw mo bang makasama ang isang tulad ko na matalino tapos gwapo pa." Pang-aasar na tanong niya.

   "Maniniwala ako kung matalino lang ang sinabi mo pero nabigla ako nung sinabi mong GWAPO saan Banda....(Clap!Clap!Clap) Hahahaha. Ang galing mo pala mag Joke bakit parang di masyadong halata." Natatawang sagot ko.

Tumalikod na rin ako agad at naglakad na papunta kina Ate at pumasok na kami sa loob ng Gerry's Grill Restaurant at umupo na sa naka-Reserved seats ni Ate Rhainne tapos umorder na. Grabe noh. One day palang kaming nagkakilala nung Ate ni Raile Tapos Ate na agad yung tawag ko sa kanya pero sign of manners lang yun at sa tingin ko walang malisya dun. After 10 mins dumating na rin yung order namin at kumain. Habang kumakain ay ikinabigla ko ang sinabi ni Ate Rhainne kaya muntik na akong mabulunan buti na lang hindi nangyari.

   "You know. You two are meant for each other." Sabi ni Ate Rhainne.

   "A-Ate. A-anu ba" Nauutal na sabi ni Raile

Grabe nakakasuka yung sinabi niya. What??? we are meant for each other. No Way kahit Parents ko pa ang magsasabi niyan ikamamatay ko talaga. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami agad at kasalukuyang nasa kwarto ako ngayon at ginagamit ang Laptap ko nang biglang may nag-chat... Si Sunshine, yung Bestfriend ko.

   "Yan, One Week na lang pasukan na ulit. I'm Glad to see you soon..." sabi ni Sunshine sa Chat

Nilogout ko na yung Facebook ko at natulog na.

ONE WEEK AFTER...

   "Yan, Bilisan mo na at baka malate ka sa First Day niyo sa school." Tawag saakin ni Mama

   "Pababa na po." Sagot ko naman

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at bumaba na para mag-almusal. makaraan ang ilang minuto ay natapos na akong kumain at sumakay na sa kotse at bumiyahe na papunta sa academy. After 15 mins ay nasa school na kami agad.

At the School...

hinanap ko na yung classroom ko at nung nahanap ko na ay pumasok na ako. Nakita ko na si Sunshine at umupo na sa bakanteng upuan sa tabi niya. Bandang gitna yung pwesto namin kaya malamig sa pwestong yun. ilang minuto na lang ay nagsipasukan na rin yung iba kong mga kaklase at hindi na rin naging bakante yung mga upuan na nakapalibot saakin at ang masaklap pa dun nasa harap lang ni Sunshine si Mr. Yabang na katabi ng nasa harapan ko. Then may umupong babae sa upuan sa kaliwa ko at isang lalaki naman ang umupo dun sa upuan na nasa likod ko. ilang minuto makalipas ay pumasok na yung adviser namin.

   "Ok class, i'm Mrs. Eliza Delos Reyes, your Class Adviser." Sabi nito. "Well, alam ko yung iba magkakakilala na pero may mga new student tayo dito kaya pwede ba kayong magpakilala sa isa't isa?" sabi ni Maam. 

....................................................................................................................................................................................

A/N: Vote & Comment anytime. 

#Adriannester ^_^

My Competitor is my Destiny [ON-GOING]Where stories live. Discover now