Chapter VIII

30 2 0
                                    

     Yanie Wilson's View

Kakauwi ko lang galing sa school bakit ko ba sinabi kanina na susubukan kong sumali sa Singing Contest na yun eh wala naman akong interes sa pagkanta at wala naman akong Talent sa pagkanta o kahit sa pagsayaw. Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang may nagtext...Si Sunshine

   "Yan, Practice tayo bukas dito sa bahay para dun sa Contest kasi Sabado naman bukas saka susunduin na lang kit diyan sa inyo tapos hahatid na din kita pagkatapos." Sabi ni Sunshine sa text.

   "Sige Try ko." Reply ko

   "Wag mong i-try gawin mo na lang." Sabi niya.

   "O sige na nga kung hindi lang kita kaibigan baka hindi na kita nireplyan sa kakulitan mo." Sagot ko.

   "I know. You always said that. Sige may gagawin pa ako bukas na lang uli." Sabi niya at Humiga na ako sa kama at nagpahinga

One Day After...

   "Yan, Gising na nandiyan si Sunshine sa baba at kanina ka pa inaantay." Tawag saakin ni Mama.

Teka si Sunshine nandiyan na agad. Grabe naman ang aga niya. hayyy, basta pag Contest na ang pag-uusapan magkaiba talaga kami. Siya kasi 1 month advance ang preperation niyan eh ako nga siguro 1 week lang minsan naman kung wala akong gana 1 day lang pero grabe tong isang to nanaginip pa lang ako iyan nasa tapat na agad ng gate namin ni hindi pa nga nakakaligo eh pero kaibigan ko naman siya kaya Sige na lang.

   "Sige po Ma, maliligo lang ako." Sagot ko.

Nagpahinga lang ng konti at naligo na ako agad tapos nagbihis at bumaba na agad.

   "Thanks goodness at nandiyan ka na." Sabi ni Sunshine

   "Bakit kasi ang aga mo?" Tanong ko.

   "Marami pa kasi akong gagawin mamayang hapon kaya mabuti nang umaga tayo mag practice." Sagot niya

    "Sige na nga halika na." Pagaaya ko sa kanya.

Sumakay na kami sa kotse niya at ngayon nasa biyahe na kami papunta sa bahay nila. Makalipas ang ilang minuto nakarating na rin kami sa bahay nila Sunshine at umakyat papunta sa kwarto niya at binuksan niya ng Videoke at pumili na siya ng kanta.

   "Yan ito muna ang kakantahin natin ngayon." Sabi ni Sunshine at pumindot na ng numero sa remote.

<Now Playing: Crazy for you by Madonna>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Siya yung kakanta ng 1st verse at Chorus tapos ako naman yung sa 2nd verse then sabay na kami sa pangalawang Chorus.

   "Swaying room as the music starts. Strangers making the most of the Dark. Two by Two their bodies become one. I see you through the smoky air. Can't you feel the weight of my stare. You're so close but still a world away. What i'm dying to say, is that Im Crazy for you. Touch me once and you'll know it's true. I never wanted anyone like this. It's all brand new, you'll feel it in my kiss I'm crazy for you...Crazy for you."

Oh my ako na ang susunod baka mailang siya sa panget ng boses ko saka dati kasi ok pa ang boses ko pero ngayon di ko na alam kung ok pa baka nga O na lang ang natira wala na yung K. Hahaha jk lang nagbibiro lang pero diba sabi ko dati hindi ako nagbibiro pero minsan ko lang ginagawa yan kapag kinakabahan ako pero di palagi ha.

   "Trying hard to control my heart. I walk over to where you are. Eye to Eye we need no words at all. Slowly now we begin to move. Every breath I'm deeper into you. Soon we two are standing still in time. If you read my mind, You'll see Im Crazy for you. Touch me once..."

Napatigil ako ng natauhan ako na ako na lang pala ang kumakanta pero ang usapan namin ni Sunshine na sabay kami sa pangalawang chorus pero bakit magisa lang ako.

   "Sunshine bakit di ka sumabay sa Chorus?" Tanong ko sa kanya.

   "Alam mo Yan di mo naman sinabi na ganyan pala yang boses mo. Dati Ok yan ngayon..." Di ko na siya pinatapos magsalita kasi alam ko na sasabihin niya kaya bigla na akong nagsalita.

   "Ok Stop it. Alam ko na ang sasabihin mo." Sabi ko agad at umupo na ako sa isang tabi.

   "Yan bakit ka nagtatampo diyan?" tanong ni Sunshine.

  "Ngayon tatanungin mo ako kung bakit ako nagtatampo eh ikaw nga itong nagsabi na ampangit ng boses ko tapos may gana ka pang magtanong kung ok ako." Sagot ko.

 "Ha? Sinong nagsabi na ampangit ng boses mo. Kaya lang ako hindi nakasabay sayo nung chorus kasi ang ganda ng boses mo at gusto ko na masolo mo yung chorus na iyon at sasabihin ko sana sayo kanina na hindi ok ang boses mo dahil ok na ok kaya lang di mo ako agad pinatapos. Nakakainis ka di mo pinapaupdate yang boses mo eh may Talent ka pala." Sabi niya.

   "Alam kong nagbibiro ka lang at wala ako sa mood para makipagbiruan sayo." Sabi ko

   "It's True and im just telling the truth that i like your Voice. Kelan ka pa huling kumanta?" Sabi niya.

   "Kelan mo ba narinig yung boses ko edi yun yung last time na kumanta ako." Sagot ko.

   "Sa tingin ko Grade 5 tayo nun. Grabe ang Tagal na pala nung last time na yun." Sabi niya.

   "Sige na pahinga muna tayo sandali." Pag-aaya ko sa kanya.

   "Sige pero ano bang kakantahin mo?" Tanong niya.

   "Di ko pa alam bahala na." sagot ko.

Nagpahinga na muna kami sandali pagkatapos nun ay kumanta na ulit si Sunshine pero ayoko na kaya kahit ayain niya ako tuloy pa rin ako sa pagtanggi ko. Nakakailang kaya kumanta noh lalo na proffessional singer ang ka duet mo. Elementary pa lang nagvovoice lesson na si Sunshine pero ako puro Academics pa rin ang tinututukan ko kasi ayaw kong maoffend ang mga magulang ko lalo na si Dad kapag nakakuha ako ng Mababa sa 85 kaya kailangan kong imaintain ang grade ko pero ang lagi kong pinakamababa ay 88 at yun ay Mapeh di kasi ako mahilig sa mga ganyan at pag Music naman ay di maiiwasan ay nagkakaroon ng Practical Singing minsan tapos minsan pinapangitan ko pa yung boses ko kaya ang nakukuha kong grade ay 87 tapos ang pinakamataas saamin ay 97. Last na nagkaroon kami ng Practical singing ay nung Grade 5 kaya nga nung Grade 6 ako ay iba na ang practical hanggang nung highschool ako ganun pa din ang practical at ang naging Practical namin sa Music ay tumugtog ng mga instrument kahit ano pero ako laging piano ang tinutugtog ko yun lang kasi ang alam kong tugtugin eh pero sa totoo di lang yun ang tinutugtog ko sa bahay tumutugtog ri ako ng gitara, Flute, Violin at syempre piano at ang pinakamadali sa lahat ng yan ay ang flute kaya lang piano ang tinutugtog ko sa school dahil yun lang naman ang kadalasan tinutugtog doon kaya yun na lang ang tinutugtog ko wala kasing choice eh saka ayoko maging unique dun noh alam ko dito matataasan nila ako pero ok lang Academics lang kasi talaga ang gusto ko kaya wala akong magagawa kung yun ang gusto ko kasi kinalakihan ko na kasi yun kaya nga ewan ko talaga kung bakit ako napapayag ni Sunshine na sumali sa Singing Contest na yan pero siguro may Dahilan at kung anu man yun ay sana mangyari sa mismong araw na yun at sa tingin ko pwede kong kantahin dito yung Graduation song namin nung Pre-school kasi maraming alaalang nangyari noon at isa pa yun yung panahon na may nagustuhan ako pero di ko siya maalala.

....................................................................................................................................................................................

A/N: Sorry kung yung Chapter 3-6 ng story ay 1 page lang medyo busy kasi nung time na yun kaya pinublish ko na agad baka kasi mawala ulit yung mga part na yun. Vote & Comment anytime.

#Adriannester ^_^

My Competitor is my Destiny [ON-GOING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن