Sunshine lee's View
Bakit ba lagi ko na lang nakikita yung lalaking yun. Nakakainis naman akala ko di ko na siya makikita kasi nabalitaan ko nasa France na daw siya at dun na siya nag grade 4 kaya ako lumipat ng St. Thomas Aquainas Academy dahil sa kanya kasi ayoko nang maging kaklase yun pero minalas nga naman lumipat din siya sa France. sana kung sinabi niyang lilipat siya edi di sana ako lilipat ng school. Andami ko pa namang kaibigan dun tapos eto naman ngayon dito siya mag-aaral sa Academy na pinapasukan ko ngayon. Laki talaga ng problema nung isang yun kahit kailan tapos ito naman sila Mom and Dad sasabihin sa mga magulang ni Sky na sa St. Thomas Aquainas Academy ako nagaaral pero ang saya ko nun kasi alam ko limited lang ang napapasok dun at kumpletong 30 na kami kaya yun wala na siyang chance pero napalitan ako ng mood nung sinabi ng parents ko na nakapag-enroll na daw siya sa academy dahil bussiness Partner daw ng mga Tolentino ang mga Heddleson then ang mga Heddleson kasi ang may-ari ng Academy kaya yun nakapasok pa yung lalaking yun.
"Hay, buhay nga naman." Napabuntong hininga ako dahil sa sobrang depressed.
"Wag kang mag-alala may karamay ka." Teka sino yung nagsalita eh ako lang naman ang tao dito sa kwarto ko at pagtinggin ko sa pintuan nandito siya. Si Sky ang taong kinaiinisan ko.
"Ano ginagawa mo diyan at bakit nandito ka sa loob ng kwarto ko. Di ka man lang kumakatok." sabi ko.
"Kapag ba kumatok ako papapasukin mo ba ako?" Tanong niya.
"Syempre Hindi." Pataray kong sagot.
"Kaya nga pumasok na lang ako kasi alam ko naman na di mo ako papapasukin kapag kumatok pa ako." Sabi niya.
"Buti alam mo yan. Bakit ka ba kasi nandito?" Pataray ko nanamang sinabi.
"Wala lang namiss kasi kita eh. Ikaw namiss mo ba ako.?" Tanong niya.
"Syempre Hindi. Bakit kita mamimiss eh kung puro pang-aasar at pagpapaiyak ang ginagawa mo saakin nun." Sagot ko na medyo naiinis na.
"Oo nga noh bakit di ko nai---" Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita
"Umalis ka na nga. Magpapahinga pa ako." Sabi ko.
"Sige magpahinga ka na alam ko pagod ka sa School bukas na lang natin gawin yung Report sa Araling panlipunan kasi sa Monday pa naman tayo magrereport." sabi niya sabay lumabas na ng kwarto ko.
Oo nga pala siya yung kapartner ko siya sa Report kaya naman pala siya pumunta dahil dun. Nakakainis ang dami pang pinagsasabi yun lang pala ang pinunta niya dito tapos may gana pang mang-asar. Hayyy, bakit ganun nabubuhay pa rin ako sa nakaraan dapat sa kasalukuyan na eh. Habang nakahiga ako bigla na lang nagflashback sa isip ko yung nakaraan.
*START OF FLASHBACK*
7 years ago grade 3 pa kami niyan.
Nandito ako ngayon sa Classroom at nakaupo. Wala pa kasi yung mga kaibigan ko dahil medyo maaga akong pumasok ngayon at ako pa lang ata ang pumapasok pero nabigla ako nung may pumasok kasi biglang bumukas yung pintuan na mukhang sinipa ng malakas kaya yun nagulat ako at si Sky yung pumasok. Siga-Siga kasi yan si Sky. Mahilig magpaiyak at mang-asar at ako palagi ang target niya.
"O ano loner ka ngayon. Iniwan ka na ng mga kaibigan mo." Nang-aasar nanaman siya pero this time parang wala siya sa Mood kasi di siya masaya na asarin ako.
"Wala pa sila kasi maaga pa. Mamaya pa sila papasok." sagot ko
"Mamaya pala ha. Tumingin ka sa labas nandun yung mga kaibigan mo at mukhang may tintaguan yata." Sabi niyang Mukhang galit ang tono ng boses niya.
Tumingin ako sa labas at nakita ko nga yung mga kaibigan ko na nagtatago sila at nung magtama yung mga mata namin bigla na lang sila tumakbo palayo and sure ako na ako yung tinataguan nila kaya yun umupo ako sa isang upuan na malapit dun sa pintuan at di ko namalayan na unti-unti nang tumutulo yung luha ko at di ko na napigilan kay tinuloy ko na. Biglang lumapit si Sky saakin at may iniabot na panyo.
"Wag kang magbait-baitan *Sniff* kasi alam kong masaya kang nakikita akong umiiyak. *Sniff *Yan yung gusto mo diba yung nakikita akong umiiyak *Sniff*. O eto umiiyak na ako ngayon *Sniff.*" Sabi ko habang tumutulo yung luha ko.
Pinunasan niya ang Luha ko at lumabas na lang siya agad ng Classroom at yun naiwan akong mag-isa dun sa Classroom na umiiyak. Pre-school pa lang kami hobby na niyang paiyakin ako kahit sa bahay namin lagi niya ako pinapaiyak hindi lang ako nagsusumbong kina Mom at Dad kasi baka sabihin niya sumbungera daw ako kaya nga nakakapanibago yung ginawa niya eh dapat nga natutuwa siya nun kasi umiiyak ako pero bakit ganun. Magkaibigan ang Parents namin then since minsan busy sila sa work kaya yun napagkasunduan ng parents ko na dun muna si Sky sa bahay namin habang nasa opisina ang parents niya kaya yun palaging nasa bahay namin si Sky kasi nga wala namang kaming mga kapatid kaya halos kami talaga ang magkasama palagi. Isang bese habang naghahanda ng meryenda yung maid namin ay naglaro kami ni sky ng Playstation and magaling ako sa playstation kaya expected ko na ako yung mananalo tapos yun natapos na ang laro at ang nanalo ay....
....
....
....
....
....
....
....
....
....
....
Ang nanalo lang naman ay Si Sky at natalo ako kaya yun biglang nalungkot yung expression ng mukha ko kasi expected ko nga na ako yung panalo.
"Nandaya ka ata eh" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ako nandaya ang sabihin mo WEAK ka talaga." Nang-aasar niyang sabi.
"Hindi madaya ka." sabi ko.
"WEAK ka lang kasi." Sigaw niya.
"Bahala ka sa buhay mo Cheater" Sigaw ko sabay labas na sa kwarto ko.
"Weak ka lang. Weak, Weak, Weak." Nang-aasar na naman niya sabi.
Lumabas na ako sa kwarto ko at yun na nga nakakainis talaga siya at ang mas nakakainis talaga ay yung sinabi ni Mom and Dad saakin na napagkasunduan daw nila na ikasal kami sa tamang panahon kaya nga daw Sunshine ang ipinangalan saakin para daw bagay sa pangalan ni Sky kasi napagkasunduan din daw nila yun bago pa kami ipanganak para daw paglaki namin ay bagay na bagay talaga. YUCK!!!! nakakasuka yung mga pinagsasabi nila Kahit arranged marriaged pa ito di talaga ako papayag. Mas matanda ng buwan si sky kaysa saakin kaya ganun na lang siya makaasta saakin na pwedeng api-apihin.
*END OF FLASHBACK*
Hayyyy, nakakainis talaga pag naaalala ko yung mga pangyayaring yun. Ayoko nang balikan yung mga bagay na yun kasi nakakainis talaga. Ayoko na, Ayoko na.
YOU ARE READING
My Competitor is my Destiny [ON-GOING]
Teen FictionYanie and Raile were Competitors since they are Elementary. They are having Competitions all the time, in the class, in their familes, in their friends, in their bussiness, and in their lovelife. Cover credits by: SimplyCrazyDimples