Raile Houston's View
Lumabas na ako ng bahay nila dahil tapos na rin naman yung report namin at ngayon naglalakad na ako pauwi. Mga nakakailang lakad na ako pero napahinto ako nung may humawak sa braso ko.
"Teka lang, Naiwanan mo yung wallet mo sa bahay." sabi ni Yanie sabay bigay saakin nung wallet.
"Ay oo nga pala. Sige salamat ha." Sabi ko sabay lakad na uli pero napatigil ulit ako sa sinabi niya.
"Samahan mo muna ako bumili ng pagkain. Libre na kita." Sabi niya tapos hinila niya na ako papunta dun sa bibilhan niya ng pagkain.
Naglalakad na kami ngayon. Mahilig ako sa pagkain lalo na kapag libre kaya nga sumama ako sa kanya kasi libre nga eh. Nakarating na rin kami sa isang Barbeque stand sa may tapat ng gate ng Village. Ngayon ko lang nalaman kumakain rin pala ito ng mga inihaw akala ko kasi ang mga kinakain lang niya ay yung mga pagkain mayaman. Naalala ko tuloy sa kanya yung kaibigan ko nung Pre-school na hindi kumakain ng inihaw pero nung pinatikim ko siya ng barbeque yun sabi niya nagustuhan niya daw kaya lang ngayon hindi ko na alam kung nasaan na siya.
"Ano gusto mo?" Tanong niya saakin.
"Barbeque nalang paborito ko yun." Sagot ko.
"Talaga paborito mo rin yun. Parehas tayo." Sabi niya. "Kuya dalawang Barbeque po" Sabi niya sa tindero
"Paborito mo rin yun. Akala ko dati pangmayaman yung mga kinakain mo pero ngayon kumakain ka na ng street foods." Sabi ko.
"Wag mong binabasta-basta yang barbeque. May sentimental values saakin yan. Sa totoo lang dati nung bata ako hindi ako kumakain talaga ng barbeque pero nung pinatikim ako nung kaibigan ko ng barbeque nagustuhan ko yun." Sabi niya. Parehas pala kami kasi may sentimental values din saakin yung Barbeque.
"Talaga lang ha." sabi ko sabay gulo ng buhok niya.
"Ano ba. Ginugulo naman nito ang buhok ko. Hindi mo ba alam na mas mahal pa sa buhay mo ang ginagamit ko sa buhok ko." Sabi niya na mukhang seryoso talaga.
"Talaga lang ha." Sabi ko.
"Hahahaha. Ambilis mo mabiro. Syempre Joke lang yun." Sabi niya na may halong pambibiro. Nagbibiro na pala to ngayon ha.
"Akala ko ba hindi ka mahilig makipagbiruan ha. Bakit mo ko binibiro ngayon." Sabi ko.
"Pag nasa mood ako minsan nagagawa kong magbiro pero minsan lang nangyayari yun." Sabi niya.
"Ah...so kapag nasa school ka wala ka sa mood ganun?" tanong ko na may halong pagtataka.
"Yup pero minsan pag kay sunshine nasa mood ako." Sagot niya.
"Bakit kay Sunshine lang?" Tanong ko.
"Wala lang. Ambilis kasi nun mapikon kaya masarap biruin lalo na kapag wala sa mood" Sagot niya.
"Ma'am ito na po yung Barbeque." Sabi nung Tindero sabay abot nung barbeque.
inabot saakin ni Yanie yung dalawang barbeque tapos sinawsaw ko yun sa suka at kinain na.
"Salamat sa pagsama saakin ha. Sige mauna na ako. Umuwi ka na rin baka hinahanap ka na din ng Parents mo. Salamat ulit." Sabi niya sabay lakad na pauwi sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/14695541-288-k510267.jpg)
ESTÁS LEYENDO
My Competitor is my Destiny [ON-GOING]
Novela JuvenilYanie and Raile were Competitors since they are Elementary. They are having Competitions all the time, in the class, in their familes, in their friends, in their bussiness, and in their lovelife. Cover credits by: SimplyCrazyDimples