A/N: In this Chapter marami na pong View ng characters ang gagamitin ko kasi yung ibang characters parang hindi nageextinct sa story kaya dito sa chapter na to ay mag eextinct na sila. May mga "KONTRABIDA" po akong idadagdag sa susunod na chapter sa story pero hindi ko po sila ilalagay sa cast kasi panandalian lang yung role nila dito sa story
....................................................................................................................................................................................
Rhainne Houston's View
1 week na ang nakalipas simula nung nagphotoshoot kami sa tagaytay. Maraming nangyari nitong nakalipas na week tulad ng nalaman ko na ang ilan sa mga katotohanan ng nakaraan ni Raile kasi hindi siya masyadong nagkukwento saakin dati simula nung may mangyaring hindi maganda sa kanya pero hindi ko muna sasabihin ngayon kasi hindi pa naman kumpleto ang nalalaman ko. Actually matagal na kong may hinala sa kanila. Oo tama ang narinig niyo "sila", si Raile at yung childhood friend niyang babae na sinsabi niyang gusto niya. Noon pa lang alam ko nang siya yun pero wala pa akong sapat na dahilan para sabihin kay Raile at isa pa alam ko naman na hindi sila masyadong magkasundo at sa tingin ko ngayon magkakasundo na yung dalawang yun. Pag pumupunta ako sa school nakikita ko silang magkasama at mukhang masaya naman hindi tulad nung dati na parang hindi magkakilala yung dalawa. Salamat na lang talaga dahil may nakapagsabi saakin ng impormasyon tungkol dun.
"Ate, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng kanta na pwedeng kantahin sa Friday." sabi ni Raile na kakapasok lang sa kwarto ko.
Oo nga pala Foundation week na nila bukas kasi sunday ngayon at sa Friday ay Singing Contest nila kaya pala abalang-abala si Raile last week kasi wala papalang kakantahin sa Friday.
"Diba dedication ang theme edi kung ano ang sinasabi ng puso mo at kung kanino mo gusto idedicate yung kanta." Sabi ko at agad naman siyang napaisip.
"Salamat sa idea mo Ate ha. Punta ka rin sa school sa friday." Sabi ni Raile sabay umalis na sa kwarto ko.
Hayyyy, Naalala ko pala na may hinahanap siyang babae na kumakanta daw sa panaginip niya at yun daw yung destiny niya kaya sana mahanap niya yun sa singing contest pero isa lang ang kinatatakot ko. Paano kaya kapag nakita na niya yung babae sa panaginip niya at nalaman niya yung matagal na niyang hinahanap. Ano na lang ang mangyayari sa kapatid ko. Ayoko namang magkagulo ung isipan niya kung sini talaga ang taong mamahalin niya. Mas Okay pa si Mid para sa kapatid ko kaya lang mukhang hindi pa talaga oras na malaman nila ang nakaraan nila at mas mabuti pa siguro na sila na mismo ang makatuklas nun at ako gumagawa lang ng paraan para malaman nila at yun lang yung akin.
Raile Houston's View
Nagbigay na ng Idea si Ate kaya alam ko na ang kakantahin ko. Saka nga pala sana basahinniyo pa ang kwentong ito hanggang sa matapos kasi marami pang mangyayari at mahahanap ko na ang Destiny ko. Exited na akong makilala siya. Biglang may tumawag saakin.
"Hello"
(Tol, Ano ba ang kakantahin mo sa friday?)
"Secret. Basta abangan mo na lang."
(Dami namang alam. Sabihin mo na kasi)
"Malalaman mo naman sa Friday eh. Bakit ka ba atat?"
(Wala lang para alam ko kasi yung kay Yanie alam ko na yung kakantahin niya.)
"Ano bang kakantahin niya?"
(Secret. Malalaman mo naman sa Friday dba. Ikaw pa nga nagsabi niyan eh.)
"Ginag*go mo ba ako Aaron?"
(Woooah, calm down Mr. LoverBoy. Why are you cussing me)
"LoverBoy ka diyan. Manahimik ka nga."
(Okay po.)
"O sige na ieendcall ko na to."
(Sige po. GoodLuck Nova ^_^)
Inend Call ko na. Pesteng yun pinakaba pa ako tapos makatawag ng Nova akala mo siya yung childhood friend ko. Letse lang talaga. I'm badly missed her.
Aaron Villanueva View
Sa Loob ng isang linggo naging busy si Raile. Malapit na kasi yung singing contest na sinalihan niya kaya yun busy siya sa paghahanap ng kakantahin niya tapos sabi niya kanina meron na daw siyang kakantahin. Si Yanie alam ko na yung kakantahin niya. Secret ko na kung ano yun basta maganda yung message ng kanta para sa mga tao. Si Raile ano kaya ang kakantahin niya? Bahala na malalaman ko na din naman sa Friday eh.
Yanie Wilson's View
Kinakabahan ako sa Friday kahit na Sunday pa lang ngayon kasi sobra talagang nakakakaba. Tagalog song ang kakantahin ko para mas maexpress ko talaga yung mensahe ng kanta at napili ko yung kantang yun para magbigay payo sa mga tao.
"Yan, ayos na ba yung kakantahin mo sa Friday?" Tanong ni Mommy saakin.
"Yes Mom, ok na po yung kakantahin ko. Nagpaburn na ako ng minus1 para sa kakantahin ko." sagot ko.
"Ok. GoodLuck Yan." Sabi ni Mommy sabay halik sa right cheek ko.
"Thanks Mom." Sabi ko sabay lumabas na ng kwarto ko si Mommy.
Grabe talaga kahit hanggang ngayon kabado pa rin ako. Nagkaroon ako ng Idea para idedicate ang kakantahin ko dahil may isang lugar akong pinuntahan nun at nung tumingin ako sa paligid grabe talaga ang makikita mo. Ibang-iba ang lugar na ito kaya yun nagsearch ako ng kanta hanggang sa may nakita akong kanta na rel;ated talaga sa lugar na yun kaya yun ang kakantahin ko. Alam na ni Carl, Aaron, Ram, at Sunshine ang kakantahin ko.
Sunshine Lee's View
Sa Friday na pala yung singing contest. grabe halos lahat yata ng kasali kinakabahan na kasi nakakatense kaya diba Author?
(Malay ko. Ikaw yung kasali sa singing contest na yan tapos ako tinatanong mo.)
"Masyado ka naman Cold Author."
(Istorbo ka kasi.)
"Pasensya na. Sige na Chupi na Author magpapractice na lang ako."
(Buti pa nga. Di ka naman mananalo diyan eh.)
"Ano sabi mo Author?"
(Wala sabi ko ang galing ko kumanta kasi bingi ka. Sige na practice ka na.)
Ayan na nga pagkatapos ng walang kwentang convo namin ni Author ay nagpractice na ulit ako. Tagalog ang kakantahin ko at dinededicate ko yung kakantahin ko sa mga kaibigan ko.
Katelyn Hanver's View
Ngayon lang ako nagkaroon ng View sa story na to kaya mapapakwento talaga ako. Nagpapractice ako ng kakantahin ko sa Friday at dinededicate ko yung kantang yun sa mga taong mahal ko. Well, I'm inlove with Raile. You know why because I found it cute so yun pero ang totoo talaga niyan nung nagaral ako sa states naging kaklase ko siya simula nung Gr 1-3 tapos lumipat sila ng Pilipinas nung Gr 4 na kami then sabi ko sa mga magulang ko gusto kong maging kaklase si Raile sa school na papasukan niya sa Pilipinas then sinabi ng Parents ko na pagdating ko daw ng 4th Highschool ay lilipat na ako so ito nga tinupad nila at lahat lahat ng hiniling ko nung mga Oras na yun.
....................................................................................................................................................................................
A/N: Sensya na at ngayon lang nakaupdate. Sana nagustuhan niyo. If theres any grammatical or typing errors pasensya na po. Ieedit ko na lang yun.
"VOTE & COMMENT Anytime"
ŞİMDİ OKUDUĞUN
My Competitor is my Destiny [ON-GOING]
Genç KurguYanie and Raile were Competitors since they are Elementary. They are having Competitions all the time, in the class, in their familes, in their friends, in their bussiness, and in their lovelife. Cover credits by: SimplyCrazyDimples