chapter 7: muntikan na! :O

79 1 0
                                    

Bukas na yung Socialization Ball so kailangan ko ng Date ko syempre.

Gusto ko sana si Kelly yung date ko kaso hindi pwede as expected si Andrey ang magiging date niya, boyfriend niya yun eh. Naisipan kong hindi pumunta kasi nakakailang kung ikaw lang yung walang date doon eh. Kaso hindi ulit pwede kasi kasali ako sa mga mag oorganize ng program.

-          -  - - - -

After class .. LUNCH BREAK NA!

Pinuntahan ko si Kelly sa classroom nila para sumabay saknya mag lunch. Tamang tama pag dating ko palabas na din siya. Napansin ko hindi niya kasama si Andrey.

Kelly! Tara sama ka sakin! Kain tayo. : )

Hindi siya kumibo. Tinitigan niya ako na parang may problema siya. Parang naiiyak yung mata niya. Ewan hindi ko ma'explain. Nagwo'worry na ko kasi mukhang naiiyak na talaga siya.

Then, she walked and step closer to me then hugged me.

Kel, may problema ba? Anong nangyari? Nag away nanaman ba kayo?

Hindi siya nagsalita, instead umiyak siya as in iyak talaga. I don’t even know what to do or what to say. Hinug ko nalang siya ng mahigpit. Kasi tingin ko yun lang yung pwede kong gawin as of now kasi hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Comfort lang talaga ang kailangan niya that time.

Umupo kami sa may bench and dun ko siya kinausap kung anong problema. Huminto siya sa paghagulgol ng iyak niya, then yun nanaman tumitig nanaman siya sakin. Hindi ko alam kung bakit.

I was looking for my handkerchief pero hindi ko talaga mahanap. Pupunasan ko sana siya ng luha niya eh. Kaso ewan ko kung napunta yun! Malas naman ooh! Tsss. -____-

Pano yan? Wala yung panyo ko, eto ditto nalang sa polo ko. : )

I smiled and inabot yung polo ko.

Kinuha niya ang polo ko…

Pagkatapos,….

Siningahan ba naman yung polo ko? Wattda! Kahit kelan talaga eh! Brrrr.  @.@  

Nag smile siya sakin. Sabay sabing,…

Yan oh! Remembrance ko yan sayo, da best ka talaga bespren! Ikaw na talaga! Itong korona sayo na! : )

Ayun ooh! Imbis na magagalit ako nag smile nalang ako kasi kahit papano nag smile na siya. Ang hirap kasi niyang mapatawa eh basta may problema siya. Kaya buti nalang! Worth it naman yung pag singa niya sa polo ko. :D

Nagkatitigan kami, alam mo yung parang may spark sa titigan nyo? HAHAHA.

Bigla siyang yumuko at nagsalita,

Si andrey kasi, nagiging cold na siya sakin. Nung isang araw nag absent siya, panay ang tawag at text ko sakanya hindi siya sumagot or nagreply man lang. tapos kanina nag aral na siya, I asked him kung anong nangyari at bakit siya nag absent? Tinanong ko rin siya kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Sinabi kong nag worry talaga ako sakanya.

Alam mo ba kung anong sagot niya sa mga tanong ko?

Anong sinabi niya sayo? (Tanong ko)

Wala daw, gusto niya lang. pakialam ko daw ba. (sagot niya, sabay simangot ulit)  :(

Hindi ko expect na magiging ganun siya frivs. Hindi naman kasi siya ganun dati eh. Ewan ko kung bakit nagiging cold na siya. Mahal ko na mahal ko siya Frivs.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Kelly. Hindi ko rin kasi akalain na maging cold si Andrey sakanya. Kasi ang pagkaka'alam ko mahal na mahal siya ni Andrey.

Siguro mga 5mins din kaming tahimik. Di ako kumikibo kasi baka kung magsalita ako baka may masabi akong hindi niya pa magustuhan kaya nanahimik nalng ako.

Bigla siyang nagsalita..

Frivs, thank you ha? Never mo akong iniwan. Lagi kang anjan para sakin. Lahat kaya mong isakripisyo para sakin na bestfriend mo. Handa kang makinig kahit gaano man ka nonsense ng mga sasabihin ko.

Napayuko ako sa sinabi niya. Parang kakaiba yung feeling na naramdaman ko.

Kasi alam mo, mahal kita eh. (pabulong kong pagksabi)

Haa? Anong sabi mo frivs?

Sabi ko mahal kita, kasi bestfriend tayo diba?

Oo nga. Kaya nga thank you eh.

Sige na tahan na yang drama mo. Kumain nalang tayo! Libre ko. : )

Muntik nako nun! Haaaaaay! Buti nalang nakalusot ako. Kung di. Patay!

We're Just Bestfriends (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon