chapter 18: hala! naloko na. >.<

23 1 0
                                    

After 2 hours..

Nagising ako dahil sa naramdaman kong pagdampi ng malamig na bimpo sa noo ko. pagka'mulat ko ng mata ko si Andrey agad ang nakita ko. siya pala ang dumadampi at nagpupunas ng bimpo sa noo ko. ahy teka bat ba siya nandito? O.O

Alam kong nagtataka ka kung bat ako nandito, nagtext sakin yung kapatid mo. Hinahanap kasi kita at sabi niya may sakit ka kaya pumunta nalang ako agad dito.

 Ahy! Di pa ako nagtatanong eh. May sagot ka na agad. Hahaha!

Inunahan lang kita, nag alala lang ako eh. Baka kung napaano ka nanaman.

Halata ngang nagmadali kang pumunta dito eh. Nakapangbahay ka pa ooh. Nakatsinelas pa talaga. Hindi ka rin excited noh?

Jeeez! Di man lang pala ako nakapalit. Urgh! Ikaw kasi beb eh. Pinag'alala mo pa ako. yan tuloy!

Okay lang yan beb. Ikaw pa din naman ang mahal ko eh kahit naka pajama ka pa or naka'tsinelas man. :"">

Nakuha mo pang bumanat kahit may sakit ka na haa. Pagaling ka na nga beb, di tayo makaka'labas niyan eh.

-          - - - -

Hindi ko talaga expect na pupunta si Andrey eh. Natulog lang ako tapos pagka'gising ko siya agad ang makikita ko. imba! Hahaha. Appreciate ko yung effort niya eh.

Maya maya pa, pumasok si kuleen sa kwarto.

Ate may bisita ka. Si kuya frivs anjan hinahanap ka niya.

Haaaaaa? O.O nanlaki ung mga mata ko pagkarinig ko ng pangalan ni Frivs. Well ang OA ko mag react parang ngayon lang kami magkita aah. Haha! Kasi naman, naninibago ako simula nung umamin siya sakin eh. Ewan ko talaga!

Tapos biglang pumasok si Frivs, nagulat siya ng nakita niya si Andrey na nasa kwarto ko din. Akala ko hindi siya tutuloy sa pagpasok sa kwarto pero hindi pala. Ayun pumasok pa din asiya at ako naman mejo naiilang. Bumangon ako sa pagkakahiga kahit diko kaya kasi ang pangit namang tingnan na nakahiga habang kakausapin sila.

Kel, bumangon ka nga jan. Sabi ni Tita may sakit ka daw. umaarte ka nanaman eh. Bangon na jan!.

Pabirong sabi niya sakin..

Oooh? Bat ka nandito? Sinong nagsabing pumunta ka dito?

Yang mabait mong kapatid pinapapunta niya ako dito, samahan ko daw siya sa pupuntahan niya. Utos mo daw.

Wattda! Si kuleen talaga ba. Kahit kelan naman ooh.kunsomisyon talaga ang batang yan. Tsssk! Bigla kong napansin na tumahimik si Andrey. Naka upo siya sa tabi ng bed ko at mukhang nakikinig lang sa amin ni frivs. Nakakailang naman ito! Ang haba naman ng buhok ko at ang dalawang lalake sa buhay ko eh kasama ko at binabantayan ako.

Biglang may kumatok sa pinto. Akala ko kung sino nanaman si Mama lang pala.

Mama: Excuse lang haaa? Anak Kelly. Isasama ko muna si Andrey haa? Kasama si Kuleen. Pwede ba yun andrey? Magpapasama lang ako sayo kasi kailangan ko ng opinion mo eh. Kung okay lang naman sayo? Wag kang ma aalala andito si frivs para bantayan si Kelly.

Andrey: Aah osige po tita. Kayo po ang bahala. : )

Mama: Mama nalang din itawag mo sakin Andrey, parang anak na din kita eh. : )

Andrey:  Aahh. Osge po, Ma…ma… : )

Kelly:  Huwaaaaaat? Iiwanan nyo kami ditto ni Frivs? Mama naman.

Mama: Ooh bakit anong problema dun?

Kelly: wala po. Sge na nga lang. -_____-

--

Naks! Ang awkward. Maiiwan kami ni Frivs? Wattda! Sana si andrey nalang ang iniwan eh. Well, ano nga ba naman ang masama kung si Frivs ang maiwan eh bestfriend ko naman siya. Pero naiilang pa rin kasi ako eh. Ano ba kasi ang pumasok sa kokote ng lalaking yun at nasabi niya ang mga yun. Pssssh! -___-

Maya maya pa umalis na din sina mama. At naiwan nga kaming dalawa ni Frivs sa bahay. Grabe! Parang nasa silent mode yung bahay. Walang gustong magsalita samin ni Frivs. PIPI kami in that moment. Hahaha! Siguro pareho kaming naiilang sa isat isa ni Frivs. Gusto kong matulog nalang kaso di naman ako dinadalaw ng antok. Papikit pikit nlang ako baka sakaling makatulog ng biglang nagsalita si Frivs.

Kel, may gusto ka bang kainin? Ikukuha kita sa baba.

Aaah eeeh, wala di ako gutom salamat nalang.

Biglang lumapit si Frivs. Kinuha niya yung upuan at umupo sa tabi ng bed ko. nakayuko lang siya. Tahimik lang ng bigla ulit siyang nagsalita..

Kelly, sorry haa.

Sorry saan?

Sorry sa mga sinabi ko sayo nung isang araw. Sorry kasi umamin pa ako. sorry kasi diko napigilan yung sarili ko na ma'fall sayo. Sorry kasi Mahal na kita. Sorry kasi totoo lahat ng sinabi ko sayo nung isang araw. Sorry. : (((

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Bakit ganun? Parang nakalunok ako ng isang dosenang bato para di makapagsalita. Bakit ganun? Ano ba ang nangyayari saakin. Nag stock up ba yung mga words sa lalamunan ko?! omygosh! Totoo pLa lahat ng mga sinabi niya sakin nung isang araw. Akala ko dala lang yun ng pagkalasing niya. Akala ko joke lang yun kasi hindi naman talaga kapani-paniwala eh.

Frivs wag tayong maglokohan. Lam kong alam mo na magbestfriend lang talaga tayo. Di ba matalino ka? Dapat alam mong mali ang ginagawa mo. Dapat alam mong mali ang ma'fall ka sa bestfriend mo. Dapat alam mo!

Lumuhod si Frivs at hinawakan niya ang kamay ko. napansin kong napapaluha na siya dahil sa mga pinangsasabi niya.

Kelly, hindi mo ako masisisi kung ang puso ko ikaw lang itinitibok! Alam kong mali ang ma'fall sayo dahil mag best friend tayo at higit sa lahat may boyfriend ka. Pero alam mo yun? I CAN'T HELP IT! Kelly mahal na kita eh. : ((((

Biglang nagbukas ang pinto at nakita naming si Andrey pala yung nagbukas ng pinto. Nakita niyang nakahawak ang kamay ni Frivs sa kamay ko at nakaluhod pa siya. Tila nagulat si Andrey sa nakita niya..

Abangan ang susunod na mangyayari. Pause muna! Para suspense. Salamat sa pagbabasa! : ))))

Alamin kung ano ang gagawin o sasabihin ni Andrey sa mga nangyari. : ))))

We're Just Bestfriends (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon