Pagkakinabukasan agad akong dumalaw sa bahay nila Kelly para Makita at makausap siya. Pagkadating ko malapit na sa bahay nila that moment na may nakita akong ambulance sa tapat ng bahay nila Kelly. Kinabahan ako ng husto. Sa sobrang kaba ko parang naririnig ko na nga yung tibok ng puso ko. Agad na pumasok sa isip ko si Kelly kasi alam ko, sakitin yun at baka kung napano na siya.
Dali dali akong tumakbo papalapit sa bahay nila, then I saw her laying in the bed sa loob ng ambulance. Na shocked ako! hindi ko alam ang gagawin ko. tinanong ko si Tita kung anong nangyari kay Kelly pero hindi siya makasagot ng maayos kasi pati siya nataranta.
Sumama nalang ako sakanila papuntang hospital at para mabantayan ko na din si Kelly.
Pagdating naming sa hospital pinasok agad siya sa emergency room. Kami ni tita naiwan sa labas ng room dahil hindi daw kami pwedeng pumasok sabi nung nurse. Tita was crying but she's calm. Then I asked tita.
Tita, what happened to Kelly? is she alright? :O
Hindi ko rin alam, nakita ko siya nakatulala namumutla ang mukha niya habang nakaupo siya sa sala. Pagkatapos ayun biglang nahimatay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumawag ako ng ambulansya.
Natahimik ako sa sinabi ni tita. I was wondering baka dahil sa sobrang stress niya at sobrang pagka'depressed kaya siya nagkaganun.
Kelly is really weak pagdating sa mga ganyan. Masyado niya kasing dinaramdam eh. Nagiging dahilan din nga yun kung bakit minsan nagkakasakit siya eh. Kaya ayaw na ayaw ko siyang makitang umiiyak. Lalo na pag nasasaktan.
After a while the doctor came out from the emergency room. Agad naming sinalubong ni tita yung doctor..
Doc, kamusta na po siya? Is she doing well now? Tanong ni tita.
Well, she's fine now. Kailangan lang niyang magpahinga. Na dehydrate lang yung katawan niya at dahil na din siguro sa stress. But she's fine now. Ililipat na rin siya mamaya sa ward. Masyado po atang nase'stress yung pasyente. Mahina ang resestensya ng katawan at puso niya. Kung maaari wag po ninyo siyang hayaan ma'stress.
Opo doc. We'll take care of her. Salamat po ulit.
Whoa! Buti nalang walang masamang nangyari sakanya. Kung hindi si Andrey talaga sisisihin ko eh. Bat ba kasi palagi nalang niyang pinapaiyak si Kelly. Urgh! -___-
Maya maya pa nilipat na private room si Kelly. At mabuti nalang gising na siya. Yesss! Pero nag aalala pa rin talaga ako sakanya. I hope she's okay. :/
Kelly's POV…
After kong magbasa ng mga msgs ni andrey sa akin hindi na ako nakatulog ulit. Madaling araw palang nag mumuni-muni na ako. hahaha! Well, hindi naman masama eh! :D
Nabored ako kaya lumabas ako ng kwarto at nanood nalang ng TV sa sala. May araw na kaya hindi na ako nagbalak tumulog ulit. I saw Mama nasa kusina siya siguro nag hahanda ng breakfast. Pinabayaan ko nalang.
Umupo ako sa sofa, parang nanghihina ako. Namamanhid yung mga kamay ko at medyo blurd na din ang paningin ko. ewan ko hindi ko ma'explain yung nararamdaman ko. basta! Yun na yun. Pagkatapos nun hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari basta pagkagising ko nasa hospital na ako.
Nakita ko si Frivs sa may tabi ng bed kung san ako nakahiga. He was smiling at me. Tanga lang? smile smile pa siya sakin. HAHAHAHA! :D
Why are you here? Wala ka naman sa bahay kanina aah.
Eh kasi wala ako dun. :P ako lang naman po ang sumama sa mama po para dalhin ka sa hospital. Ikaw kasi tigas ng ulo mo!
Anong problema mo? Bat ka nagagalit sakin?
Haaay! Ewan ko sayo Kelly. Baliw ka na ata eh.
Teka, sabi mo kasama mo si Mama? Asan na siya?
Nasa baba. May bibilhin lang daw. Siguro bumili ng makakain.