Kelly? Buksan mo ang pinto mag usap tayo. Mag e'explain ako! please open the door! Please Kelly! Let me explain.
Si Andrey pala. Sinundan niya ata ako. hindi ko siya pianagbuksan ng pinto. Mas lalo pa ata akong napaiyak ng marinig ko ang boses niya. Naiiyak ako sa inis at galit ko. Hindi ko ata siya kayang Makita. : (
Umalis ka na! ayaw kitang makausap! Iwan mo na ako! I don’t need your explaination!
Kelly please! Pakinggan mo muna ako. hindi mo naiintindihan. Wala yun! Kelly, please!
May narinig akong nagsalita, hindi na si Andrey yun.
Sinabi naman niyang umalis ka na diba? Ooh? Ano pang ginagawa mo dito?
Wag kang makialam dito Frivs! Problema naming to! Ikaw ang umalis!
Makikialam ako kasi pinaiyak mo ang bestfriend ko! Umalis ka na kung ayaw mong magkagulo tayo dito!
Si frivs pala yun. Sinundan niya rin ako. I decide na lumabas ako bago pa magsuntukan ang dalawa.
Paglabas ko nakita kong tinulak ni Andrey si Frivs. Lumapit ako agad bago pa bawian ni Frivs si Andrey. Ayoko silang mag away!
Ano ba! Tama na yan! (sigaw ko sa dalawa) Andrey umalis ka nalang! Ayaw kitang makausap nagyon. Kaya paki usap umalis kana!
Pero Kelly! Please pakinggan mo muna ako!
Hinawakan ako ni andrey at hinila palapit sakanya. Bigla naman akong hinila ni Frivs at inalis ang kamay ni Andrey na nakahawak sakin, sabay sabing…
Umalis ka na nga diba? Hindi ka ba marunong umintindi? Haaa?! Halika ka na kelly ihahatid nalang kita. Kung ayaw niyang umalis tayo nalang aalis.
Hinila niya ako palabas ng CR. Lumabas kami agad sa school hall. Sumakay kami sa kotse niya at hinatid niya ako sa bahay.
Naiwan si Andrey sa party. Hindi ko alam kung tama yung ginawa ko oh hindi. Ang alam ko lang nasaktan ako sa nakita ko. : (
Pagdating naming sa tapat ng bahay di pa ako nakababa agad ng kotse. Umiiyak pa din ako. hindi pa din kasi ako maka get over s mga nangyari.
Biglang nagsalita si Frivs at tumingin siya sa akin..
Okay ka lang? tahan na. andito naman ako. hindi kita iiwan.
Sabay punas niya sa mga luha ko..
Halika ka na bumaba na tayo. Pumasok ka na at magpahinga. Magiging okay din ang lahat. Dadamayan kita kahit ano man ang mangyari.
Bumaba na kami sa kotse niya. Hinatid niya ako hanggang sa loob ng bahay. Pagdating naming, gising pa si mama. Tiananong niya kami,
Oh? Anak? Frivs? Napa'aga ata ang uwi nyo? Akala ko ba mamaya pa kayo matatapos?
Aah, tita kasi hindi po maganda pakiramdam ni Kelly eh. Kaya hinatid ko nalang siya.
Opo ma. Sige po magpapahinga na po ako. Frivs umuwi ka na din. Salamat ulit. Bukas nalang tayo mag usap.
Matapos akong magpaalam kay Frivs at Mama pumasok na agad ako sa kwarto ko. I locked my door para walang makrinig sa akin. Iiyak nanaman ako, nagiging hobby ko na ata to. Naalala ko ang last ng iyak ko ng todong todo ay nung last break up namin ni Andrey a few months ago.
Umiyak ako noon dahil din sa pagsisinungaling ni Andrey sa akin. He cheated on me. Habang kami pa he just knew na na'iinlove na din siya sa iba. Masakit na masakit yung nangyaring yun. But then again, dahil hindi pa din ako nakakapag move on sakanya that time nagkabalikan din kami a few months later after that happen.
Minahal ko kasi talaga siya eh. Nung nagkabalikan kami he promise that he will never do it again, pero bakit ngayon parang mauulit nanaman yun?!
Ang lalim talaga ng iniisip ko that time. Ni hindi man lang nga ako nakapag palit ng damit ko eh. After ko kasing pumasok ng kwarto ko humiga na agad ako eh, until I got nap and I fell asleep. Siguro dahil din sa sobrang iyak ko kaya diko na nakayanan.
Its 3:30 am nagising ako. I was looking for my phone. Bumangon ako and I take my half bath at nang makapag palit na din ng damit. Pagkatapos kong magbihis hinanap ko agad yung cellphone ko.
Then I go back again in my bed at tiningnan ang mga msgs ko. I have 40 msgs at galling lahat yun kay Andrey. Infairness haa, nagtyaga siyang magtext. Puro "sorry beb. You don’t understand. Please just let me explain. Please! : ( " ang mga text niya.
Ewan ko ba kung bakit, pero sa tingin ko may mali din naman ako. I don’t listen to him. Pero sadyang umiiral lang talaga ang pride ko kaya hindi ko siya kinakausap. :/