chapter 10: why did you? : (

37 1 0
                                    

eto na po ang po yung kasunod ng story!

enjoy! :)))))

------------------------

Frivs' POV..

Pagdating ko ng school hall pumunta agad ako sa my sound system room para ibigay yung program sa mag aasikaso nun. Pagkatapos ko nun hinanap ko si Kelly baka kasi dumating na siya and I was worried baka wala siyang date kasi nga diba nag away sila Andrey.

Nang hindi ko siya mahanap naisipan kong hintayin nalang siya sa Grand entrance para dun ko nalang siya abangan.

Maya maya pa dumating na siya..

Pero….

Kasama niya si Andrey.. haaaay! Matapos niyang paiyakin si Kelly tapos ganun lang? parang walang nangyari? Well, wala akong magagawa disisyon naman nila yun eh. Bestfriend lang ako. wala akong karapatan makialam sakanila. ://

Na'amaze ako ng Makita ko ki Kelly. She was very pretty dahil sa suot niya. Mukhang nag ready talaga siya eh. HAHAHAHA! Ang ganda pala talaga niya pag naayusan na. well, maganda naman talaga siya kasi natural yung beauty niya. What I mean was gumanda pa siya lalo. : )

Dinaan ko nalang sa biro yung pag compliments ko sakanya. Nakakahiya kasi kung mag compliments ako sakanya tapos nasa tabi niya si Andrey. Awkward yun noh! :D

Pagkatapos kong asarin si Kelly nagpaalam na ako para umalis. Ang reason ko may aasikasuhin ako pero wala naman talaga. Gusto ko lang umalis, ayaw ko lang kasing Makita silang magkasama ni Andrey eh. Naiinis talaga ako!

After a while, turn na ni Kelly para magperform. Ako ang umabot ng microphone sakanya para makapag'goodluck din ako sakanya. : )

Nagtaka ako ng biglang parang tulala si Kelly habang kumakanta. Tiningnan ko yung dereksyon ng tinitingnan niya. Na shocked din ako sa nakita ko.

Si andrey, kasama yung ex girlfriend niya! Wattda! :@ bakit sila magkasama? Anong ginagawa ng babaeng yun at dikit na dikit pa siya kay Andrey?!

Matagal ng issue kay Kelly at Andrey yang ex girlfriend niyang yun. Malandi kasi yung babaeng yun. Hindi niya pa din kasi tinitigilang landiin si Andrey kahit alam niyang may kasintahan ng iba si Andrey. Pinapaiwas ni Kelly si Andrey sa babaeng yun aah, eh bakit magkasama yung dalawang yun?

Tumingin ulit ako kay Kelly habang kumakanta pa rin siya. But then, she was crying na!

Hindi ko alam yung gagawin ko. Kung lalapitan ko ba siya at patitigilin kumanta o pababayaan ko nlang siya. Parang ako yung nasasaktan eh. Nakikita niyang magkasama si Andrey at ang Ex niya at nagkakatuwaan pa. wattda! :@ sarap upakan si Andrey!

Kelly's POV.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumigil sa pagkanta pero mapapahiya ako. : (

Bakit sila magkasama? Anong meron sa dalawang yun? Akala ko ba pupunta siya sa mga barkada niya? Iniwan niya ako at yun ang paalam niya. Bakit ganun? Bakit ang sakit? Kaya ba nagiging cold siya sa akin dahil sa babaeng yan?

Parang hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak ng todo. Ang sakit eh! : (

Nakita kong tumingin sakin si Andrey. Napansin ata niya sakanya ako tumitingin. Umalis siya sa tabi ng Ex niya.

Pagatapos kong kumanta umalis agad ako. tumakbo ako papuntang CR. Doon ako umiyak ng umiyak. Hindi ko na napigilan. Ni'lock ko yung cubicle door ng CR. Buti nalang at walang ibang tao.

Biglang may kumatok ng pinto ng cubicle door kung saan andun ako sa loob. Biglang nagsalita yung kumakatok.

We're Just Bestfriends (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon