Mga 5:30pm na nung umuwi si Frivs, tinapos kasi talaga niya yung pagbalot nung gift eh. HAHAHA :D bait niya noh?
Gabi na nang naalala ko ang cellphone ko naiwan ko pala sa Sala namin. Nakahiga na ako sa kama ko nun eh, pero kailangan kong kunin yung cellphone ko baka kasi madami ng text dun makalimutan ko pang mag reply.
Bumaba ako at tamang tama nakita ko si Kuleen ang kapatid ko hawak hawak yung CP ko.
Ate may tumawag dito hinahanap ka niya.
Sino raw?
Si kuya andrey daw ate. Bakit di ka daw nagrereply sa kanya?
Pabayaan mo na nga yun. Akin na yang CP ko! Akyat na sa kwarto mo, matulog ka na din gabi na ooh. Sumbong kita kay mama ngayon!
Opo ate aakyat na. goodnight ate kel.
10 years old pa lang si Kuleen. 8 years ang gap naming dalawa. Haha! Hindi kasi ganun kasipag ang parents naming kaya ganun. HAHAHA! :D
Speaking of, yung CP ko may 35 text message at 10 missed calls. Yung mga message galling kay Andrey at Frivs yung iba naman sa mga GM's ng mga kaibigan ko.
Maya maya pa biglang nag ring ulet yung phone ko..
(kring.. kring.. kring..)
Andrey: hello? Kelly? Beb?
Ako: ooh? Napatawag ka?
Andrey: beb galit ka sakin?
Ako: hindi aah!
Andrey: galit ka eh. Boses mo palang. ;/
Ako; nagtanong ka pa alam mo naman pala eeh!
Andrey: sorry na ooh! Please, busy lang kasi ako kanina kaya di ako nakapag reply sa mga text mo. Yaan mo babawi ako. Sorry na.
Ako: okay. Bahala ka.
Andrey: sige alam kong pagod ka na. matulog ka na beb haa? Pahinga ka na. see you! I love you so much. Bye!
Ako: okay ikaw din beb. I love you too.
