Chapter 4
Inilapag ni Veronica ang ballpen sa ibabaw ng papel na binabasa matapos niya iyong pirmahan. Pinaikot niya ang swivel chair at humarap sa glass wall na nasa kanyang likuran. Natatanaw niya mula sa kinauupuan ang mga katabing skyscrapers ng gusaling kinalulugaran niya. Ang Feron Realty Corporation ang siyang pinakamababang building sa buong lugar na iyon but in terms of business status, they are one of the most successful in the country as of today.
Pinaikot niyang muli ang upuan paharap nang umingit ang pinto ng opisina niya. Ang magiliw na anyo ni Selene ang iniluwa niyon. Napakaganda ng bukas ng mukha nito. She was blooming and glowing. “Congratulations, Ms. Feron!” bati nitong lumapit sa kanya. Inilahad nito ang palad na tinanggap niya ng may malapad na ngiti sa mga labi. Tumayo siya at nakipagbeso-beso rito. Niyakap naman siya nito ng ubod ng higpit.
“Thank you, Ms. Feron but your killing me with your hugs,” natatawang usal niya.
“I’m sorry, dear sister. I’m just so happy for you.” Pinakawalan siya nito sa mga yakap nito.
“Napaaga yata ang uwi mo? Akala ko next week pa ang balik mo?” nagtatakang tanong niya. She knew that Selene is in a vacation somewhere in Europe. At sa pagkakaalam niya, dapat ay naroroon pa rin ito ayon na rin sa taning ng leave na ibinigay para rito. Their Mama Miranda gave it to her for her outstanding performance as the vice-president of The Feron Hotels Incorporated.
“Magaganda nga ang bansa sa Europa but I can’t stay there for a long time. It annoys me when I’m not working. Kahit kailan siguro hindi ako masasanay ng hindi nagtatrabaho. And I’ve heard news about your promotion kaya nagkukumahog akong umuwi para batiin ka.”
“Nah, pwede mo namang sabihin iyon over the phone.”
“But I want it to do personally. So, how’s the feeling of the new vice-president of The Feron Realty Corporation, huh?”
A shy smile brandished on her lips. Yes, she was now the new VP of FRC matapos siyang i-promote ng lola niya sa nabakanteng posisyon ni Mr. John Villegas sapagkat nag-retire na ito.
“Of course, happy but it’s hard. I felt so exhausted every end of the day. Ang daming kailangang gawin. Pressure din ako ngayon dahil ayokong ma-disappoint si Mama at isa pa’y laging nakamata si Natalia sa mga galaw ko.”
Hindi lamang dahil sa mga apo sila ng may-ari ng dalawang kompanya kaya sila ang iniluklok sa posisyon na iyon. She believed that they got what it takes for the said position because they’ve shown their most exemplary performance. Pinaghirapan nila iyong pareho. Nagsimula muna sila sa pagiging simpleng empleyado ng kompanya at hindi madaling bagay ang pag-akyat sa ladder sa corporate business.
Sadya talagang napakabilis ng oras na halos napakahirap pansinin ng pagtakbo niyon. Marami nang nagbago sa loob ng maraming panahon. Nang araw na magkatampuhan sila ni Rebeecca ay iyon na ang huli nilang pagkikita ng kaibigan. Parang bulang bigla na lamang itong naglaho. Ang huli niyang balita ay nag-migrate na ang pamilya nito sa ibang bansa. Kung saan man iyon ay hindi niya alam at hindi man lang nito sinabi. Wala siyang natanggap na tawag o message man lang galing dito. Simula noon ay nag-iisa na namang muli siya. She was left alone and never had a friend again until she graduated in high school.
Pagdating ng college ay naging aloof at snob siya sa mga kaklase. Lahat ng mga ito ay mataray at warfreak ang tingin sa kanya. May ilan ding nagtangkang kaibiganin siya ngunit hindi niya pinansin at may mangilan-ngilan ding nagtangkang manligaw sa kanya ngunit hindi niya iyon ini-entertain hanggang sa kumaonti ang mga ito at tuluyang naubos. Kahit si Agatha na kaklase niya sa ilang units ay hindi niya pinapansin, ganoon din naman ito.
BINABASA MO ANG
Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)
General FictionImage on cover photo is used with owners' approval. Licensed by Shutterstock. All rights reserved. Indulge in a Dark Erotic Romance!!! WARNING: Contains explicit and violent scenes. Not suitable for very young readers. Simula pagkabata ay magulo na...