Chapter 14
Isang puting rosas ang ipinatong ni Veronica sa coffin ng kanyang Mommy Monica. Taglay na lahat ng aktuwasyon na iyon ang lahat ng magkakasalabat na emosyon na nadarama ng kanyang buong diwa. Ang pagkahabag. Ang pighati. Ang kalungkutan. Ang pangungulila. Ang panghihinayang. Ang pagsisisi. Ang paghingi ng tawad. Ang pagmamahal.
Hinayaan niyang umagos ang mga butil na kristal sa kanyang mga mata. Masaganang kumawala ang mga iyon. Kasabay niyon ay bumalik lahat sa kanyang ala-ala ang pinagsaluhan nila ng Mommy niya. Sino nga ba ang nagkulang sa kanila? Malinaw na sa kanya ngayon na siya ang mas higit na nagkulang sa kanila sapagkat hindi man lamang niya sinubukang ma-appreciate ang pagmamahal na ibinigay nito sa kaniya sa kabila ng pagkamuhi na nanahan sa loob nito para sa Daddy Vergil niya. Minahal siya nito kahit akala nito ay si Vergil ang tunay niyang ama na siyang bumuyo rito at nagsamantala sa kahinaan nito upang maghiwalay ang mga ito ng Daddy Iñigo niya. Siguro ay napaka-lame na excuse sa parte ng mommy niya na magkaroon ito ng pag-aalinlangang mahalin siya pero sapat na sa kanyang sumubok itong ipadama sa kanya na mahal siya nito ng buong puso nito. Nauunawaan niya ang nagawa nito. Kahit siya ay ganoon din marahil ang madarama kapag sa kanya nangyari iyon. Mabuti at nalinawan na siya sa mga totoong nangyari sa nakaraan.
Sino nga bang tao ang matutuwa at makakayang makisama sa taong nanakit dito at naglayo sa totoong mahal nito? Wala.
“Mommy, I’m sorry. I love you…” usal niya.
Napalingon siya ng isang palad ang dumantay sa kanyang balikat. It was her dad. Pinahid nito ng daliri ang luha sa kanyang pisngi. Alam niyang labis-labis ang pagluluksa nito sapagkat ngayon lamang din nito nalaman ang tungkol sa nangyari kay Anton. Dumagdag pa ang naganap kay Agatha. Hindi pa rin narerecover ang katawan ng kapatid niya sa nahulog nitong sasakyan sa bangin. They are hoping na buhay pa ang kapatid niya after that accident.
“Magpahinga ka na,” wika nito.
“Ako po dapat ang nagsasabi sa inyo niyan, daddy.” Bigla na lamang siyang napahagulgol sa kanyang palad. Agad naman siya nitong ikinulong sa bisig nito at doon siya hinayaang umiyak ng umiyak.
Kasama ng pamimighati niya sa lahat ng nangyari ay ang labis niyang pag-aalala para kay Steve. Hindi niya alam kung nasaan na ito at kung ano na ang nangyari dito. Hindi rin masabi ng mga pulis kung saan ito hahanapin. Kasalukuyan pa raw hinihingian ng impormasyon si Yveth na ngayon ay nasa kulungan na.
Sigurado siyang kasama si Steve ng Daddy Vergil niya at tinangay ito kung saan. Ayaw niyang isipin kung ano na ang maaring ginawa rito ng Daddy Vergil niya. Kung babalikan niya sa isip ang mga ginawa nito sa Daddy Iñigo niya at sa iba pa ay tiyak na kahindik-hindik din ang maaring kahantungan ni Steve.
Hindi mapanatag ang kalooban niya. Sure she’ll die if something bad happened to Steve. He is her love, her life.
“Alam kong nag-aalala ka para kay Steve, anak. Pero hindi mo dapat pabayaan ang kalusugan mo. Hindi ka pa raw kumakain, ni hindi ka pa yata nagpapahinga man lang. Hindi makakatulong sa iyo ang ginagawa mo. Go, take some sleep.”
Mahinang tumango lamang siya. Sa isang banda ay tama rin ito. Gusto niyang makatulong sa paghahanap kay Steve at hindi siya makakatulong sa ganoong kalagayan niya.
Nagtungo muna siya sa kusina upang kumuha ng maiinom niya. Naabutan niya roon si Selene kasama ang lalaking ipinakilala nito sa kanila na Brandon. Hindi niya napagtuunan ng pansin ang mga ito kanina sapagkat naging abala siya sa dami ng taong dumating kanina. Mga malalayong kamag-anak ng mommy niya at daddy niya at ilang business associates ng kanilang kompanya. Nang mapansin siya ng mga ito ay nilapitan siya ni Selene.
“Kukuha lang ako ng maiinom,” aniya.
“Ipagtitimpla kita ng gatas, Veronica,” ani Selene at mabilis na kumilos. Nagpadagdag na rin siya ng isang basong kape para sa daddy nila.
BINABASA MO ANG
Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)
General FictionImage on cover photo is used with owners' approval. Licensed by Shutterstock. All rights reserved. Indulge in a Dark Erotic Romance!!! WARNING: Contains explicit and violent scenes. Not suitable for very young readers. Simula pagkabata ay magulo na...