Wet me with fire (Chapter 8)

9.2K 117 5
                                    

Chapter 8

Mainit na buga ng hininga ang nagpagising kay Veronica sa pagtulog. Pagmulat niya ay nasa tapat ng tainga niya ang mukha ni Steve. Nakangiti ito at kinikintalan siya ng halik roon.

"I don't want to wake you up, honey. I love to watch you sleeping but I must go now. Hinahanap na nila ako sa site," masuyong bulong nito na nagpabalikwas sa kanya ng bangon.

Nakabihis na nga ito nang mapagmasdan niya. "You're leaving?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Tila bumigat ang puso niya dahil pakiramdam niya ay parang may malaking batong idinagan roon.

Shit! Ano naman kung umalis ito? Bakit siya nakakaramdam ng ganito katinding emosyon? Yes, she admitted that she was attracted to him but that doens't mean she loves him. Marahil ay disoriented pa lamang ang sistema niya kaya niya nasabi at naramdaman ang mga ganoong bagay.

"I'm sorry. I really want to stay but I still have a work to be done. I'll just visit you on your office tomorrow. I promise," saad nito at muli siyang hinalikan subalit sa pagkakataong iyon ay sa labi na.

Kahit kailan talaga ay nakakawala ng disposisyon ang halik nito. Gusto pa man ding itanong ng isip niya kung ano ba ang nais nito, kung ano bang magiging lagay nila? Malinaw kasi sa kanyang hindi lang basta one night stand ang habol nito dahil hinanap siya nito at pinuntahan. Marahil ay gusto nito ng isang relasyong panandalian lamang, isang relasyong hanggang kama lang. Pero ano ang nais nitong ipakahulugan sa mga nauna nitong sinabi sa kanya na gusto siya nitong makapiling sa bawat sandali ng buhay nito? Nais ba siya nitong pakasalan? O ibahay lamang at gawin nitong kept woman na magpo-provide ng mga pangangailangan nitong pisikal? Ah, ang gulo-gulo!

"You made me hard again, honey."

"What do you want from me, Steve? I mean, this relationship? Hanggang kailan ba ito at hanggang saan? You knew that I'm a novice in this kind of field, Steve. I don't know what to do and what's happening between the two of us." Sa wakas ay nagawang bigkasin ng isip niya.

"I want you, Veronica. I already told you that. And this, wherever and whenever it takes us as long as I'm with you and you're with me. Is that clear? Huwag mo masyadong pinag-aalala ang sarili mo. You're being dramatic, honey." Mas lumapad ang mga ngiti nito sa labi sa huling sinabi. Napatango na lamang siya. At least, she knew na mayroon silang patutunguhan nito at kung saan niya ihahakbang ang mga paa niya.

Pagkatapos siya nitong hagkan muli ay nagbihis na siya at nag-ayos ng sarili. Inihatid niya ito sa hamba ng pinto. "I'll be waiting for you tomorrow," anas niyang nahihiya.

"Okay," tanging sabi nito at lumakad na palayo.

Hungkag na hungkag na naupo sa couch si Veronica nang isara niya ang pinto. Pinalagutok niya ang batok at napasulyap sa wall clock ng ikiling niya ang ulo. Gosh, its past twelve! At wala pa rin si Rebecca! Ngayon lang  nag-sink sa isip niya ang kanyang kaibigan. Mabilis na hinanap niya ang cellphone niya at tiningnan iyon. Wala pa rin ito messages o missed calls man lang. Muling bumundol ang kaba sa dibdib niya. Nagulat pa siya nang tumunog ang doorbell sa labas.

Sa pagkakataong iyon ay sinilip niya muna sa camera kung sino ang tao sa labas. She felt relief when she saw Beki. Pinagbuksan niya agad ito ng pinto. Doon lamang niya napansin na hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Rodolfo.

"Oh, Beki you made me worried too much. What happened?" bungad niya rito at niyakap ito.

"Medyo nagka-problema lang. Ang tagal kasi naming nailigaw ang mga sumusunod sa akin. Pasensya na at hindi ako nakatawag sa'yo nalowbat kasi ang phone ko. Sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan kong i-charge sa bahay," paliwanag naman nito at pumasok sa loob kasama ng driver niya na may bitbit ng mga gamit nito. 

Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon