Wet me with fire (Chapter 6)

9.4K 144 5
                                    

Chapter 6

Panakanaka ay napapalingon si Veronica sa likod nang tumatakbo nilang kotse. Kasama niya si Mang Rodolfo na siyang nagmamaneho ng kanyang Porsche, ito rin ang tumatayong bodyguard niya. Bagaman may katandaan na ang lalaki ay matikas pa rin ang pangangatawan nito. Sa palagay niya ay makasasapat na ito upang bantayan siya sa kung sino mang gustong manakit sa kanya. Kung mayroon man. Sinabi na ng lola niya na magdagdag siya ng mga bodyguards ngunit hindi siya pumayag. Gusto niya ng katahimikan at privacy. Mabubulabog lamang ang kanyang peace of mind kapag maraming umaaligid sa palibot niya.

Pero ang totoo, takot pa rin siya hanggang ngayon. Isang bagay iyon na mahirap alisin sa sistema niya subalit pilit niyang kinakalma ang sarili. Tapos na ang pag-iimbestiga ng mga pulis sa condo unit niya at walang nakita ang mga itong kahina-hinala sa mga nakalipas na araw. Tiniyak ng mga ito iyon sa kanya. Marami ding binayaran ang Mama Miranda niya upang magmatiyag sa tinitirhan niya. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga itong nakikitang senyales ng taong nagpadala sa kanya ng fetus.

Ang sabi ng mga pulis ay baka mga kabataan lamang iyon na nag-trip o mga drug-addict. Wala na ang mga itong makitang ibang anggulo at paliwanag sa bagay na iyon. Pero ang sabi ng mga ito ay patuloy pa din ang pag-trace ng mga ito sa taong naka-hooden jacket na nakita sa monitor ng camera niya. Hindi malinaw ang pigura ng tao sapagkat mukhang sadyang itinatago nito ang anyo. Wala pa ring paliwanag ang security ng condominium kung paanong nakalusot ang nang-trip sa kanya.

Pinilit niyang huminga ng maluwag. Naninikip ang dibdib niya sa pag-aalala. Hindi pa rin siya dapat magsawalang bahala. Baka nagpapalamig lamang ito at nag-iisip na ng susunod na hakbang ng panggugulo.

Mas lalo siyang dapat mag-ingat.

“Ma’am nandito na po tayo,” anunsiyo ni Mang Rodolfo. Napalingon siya dito. Iniliko nito ang sasakyan sa isang bakanteng espasyo sa loob ng subdivision na pinasok nila. “Ma’am, madami na rin po pala silang naitatayo, ano?” puna pa  nito nang makababa sila ng kotse.

“Dapat lang!” sagot niya. Inilibot ang mga mata sa abot ng matatanaw.

Nasa Feron Heights sila. Isang subdivision na bahagi ng Bataan Project. Kaysa magmukmok siya at patuloy na magpatakot sa gumawa ng katarantaduhan sa kanya ay bumalik na lamang siya sa trabaho. At ngayon nga ay binibisita niya ang site nila dito.

Kinuha niya ang sunglass na nakasuksok sa bandang dibdib ng kanyang blusa at isinuot iyon. Naglakad na sila papalapit sa mga housing project. Ilang mga kalalakihan ang sumalubong sa paglapit nila. At isang hindi niya malilimutang bulto ang bahagi ng grupo.

“Finally, after so many months nagkaroon din kami ng magandang bisita dito. How are you, Ms. Feron?” anang nakangiting mukha ni Steve. Nakasuot ito ng dilaw na long–sleeve polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko at bukas ang dalawang butones. May helmet ito sa ulo, pawisan. Halatang galing ito sa mabigat na trabaho ayon na rin sa nahahapong anyo nito. Gayunpaman ay napakakisig pa din nito.

Napakakisig?! Pwe, naaasar na kontra niya sa isip.

“Huwag mo akong simulan ng mga pangbobola mo, Engr. Garvillez. I don’t have time to goof around the business. Lilibutin ko lang itong site kung tama ba ang ginagawa ninyo at aalis na rin ako. As you could see and know, I’m a very important peron,” mataray na pahayag niya, pinagkrus ang mga kamay sa pormang nilalamig, pinaarko at itinaas ang isang kilay.

Ngisi lamang ang nakita niyang tugon mula dito. Samantalang ang ibang kasama nito, mga trabahante siguro at si Mang Rodolfo ay napasipol sa tila pagkaaliw sa inakto niya.

“It’s my pleasure to tour you around, honey,” pagkakuwan ay turan nito, inilahad ang kamay sa harap niya. Sa puntong iyon ay nagsipalakpakan ang mga kalalkihan sa tabi nito. Nag-init ang pisngi niya.

Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon