[NBT 1] Suspended

1.5K 34 11
                                    

Shanice's POV

"Ms. Vergonia, how many times do I have to say this? What you're wearing is against school rules. 3 inches above the knee, hindi pwede yun. Tapos yang buhok mo..Red hair? Are you crazy Ms. Vergonia?! Are you trying to give the school a bad reputation?! Alam mo na ang mangyayari kapag hindi sinunod ang mga rules.. Two week suspension Ms. Vergonia." ang daldal masyado ng principal na 'to.

"Yes, I am very aware of that Mrs. Cortez." alam na alam ko 'yan. 

"This is not only your second or third time getting suspended, Ms. Vergonia. Pasado dalawampung beses na yata. Mapupuno ng suspension yung record mo kapag ganyan." alam ko kung ano mangyayari, 'di na niya kailangan sabihin. Kabisado ko na yan. 

"Alam ko Mrs. Cortez. I'm surprised you can count all the times I get suspended. By the way, you're such a garrulous principal." kainis na 'tong principal namin. 

"Excuse me, Ms. Vergonia? I'm not garrulous. How can a student be so rude to an adult?" 

"I'm not being rude. I'm just stating a fact."

"JUST GO HOME!" hindi kaya namamaos itong babaeng 'to kakasigaw?

Lumabas na lang ako ng office para makauwi na. Habang naglalakad ako sa corridor, may narinig akong nagbubulungan. Or should I say, nag-uusap nang malakas.

"Balita ko, suspended na naman si Shanice." bulong ni Anne kay Sheila. 

"Oo nga eh. Ilang beses na ba siya nasususpend? Hindi na siya makakapasok ng college kapag tinuloy niya yung ginagawa niya." sabi ni Sheila. Pake ba nila? Nakita kong medyo nakasandal si Anne sa locker niya, habang si Sheila naman, nakatayo lang sa tabi ni Anne. Napansin kong nakatingin sila sa akin kaya naglakad ako papunta sa kanila.

"Nagbulungan pa kayo, rinig din naman! Why do you even care if I get suspended? So what if I can't get into college?It's none of your fucking business anyway." sabi ko sa dalawa. Hindi sila sumagot at nakatingin lang sa akin.

"Oh, ano? Speechless?"  Kainis talaga. Badtrip na nga ako, dadagdag pa sila.

"Sorry po..." sabay nilang sabi.

"Hindi ko kailangan yang sorry niyo." malamig kong sambit. Hinawakan ko si Anne sa leeg niya at inangat hanggang sa hindi na maabot ng paa niya yung sahig. Ginawa ko iyon hanggang sa namula na yung mukha na. Binitawan ko siya kaya nahulog siya at napaluhod. Umubo siya nang umubo. She was still trying to catch her breath. Tumalikod na ako at naglakad palabas ng school building. Naglakad na ako patungo sa gate para makalabas na. Bago ako makalabas, nagsalita yung guard.

"Oh, Shanice uuwi ka na?"

"Tinatanong pa ba 'yan?"

"Suspended na naman, 'no? Ilang weeks?"

"Dalawa." malamig kong sabi at naglakad na paalis. Dapat pala dinala ko yung motor ko. Ayan, maglalakad tuloy ako. Badtrip.

***

"I'm home!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay. Walang sagot..Ibig sabihin, hindi pa nakakauwi si kuya. Tumingin ako sa salas at natagpuan doon si dad, nakaupo siya sa sofa at umiinom ng alak. As usual..

Napansin kong tumingin si dad sa akin pero hindi nagsalita..Uminom na lang ulit siya. Wala man lang 'Welcome back Shanice!' o 'di kaya 'Why are you home so early?'

Si dad ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Kung hindi dahil sa paglalasing niya nung bata pa ako, hindi ako ganito ngayon. Hindi man lang niya ako inalagaan nung bata pa ako..Iniwan lang niya ako sa lolo't lola ko. Mula baby hanggang 15 years old, dun ako nakatira kila lola. I never experienced growing up with parents. Sabi ni lola hindi daw ganun kalusog si mommy. Lagi siyang sakitin. Nung ipapangnak na ako, hindi daw nakayanan ni mommy kaya namatay siya. Nalungkot si daddy. Gumulo buhay niya. Lagi siya nagpapakalasing at nagyoyosi. Buong magdamag kasi 'yan kung uminom. Siguro..Kung buhay ngayon si mommy..Edi masaya kami. Hindi ako ganito..Hindi rin ganyan si daddy. Sa picture ko lang nakita si mommy eh. Ang ganda nga ni mommy. Sayang..I never got to meet my mom. Nung 16 na ako, napagdesisyunan ko na tumira kasama si daddy at si kuya. I've been living with them for 2 years now. And I regret making that decision. I wanted to go back to my grandparents. Pero namatay sila last year. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Bigla na lang sila namatay. Health pa naman sila..

Nagpapakulay ako ng buhok para mapansin ako ni daddy. Pero, walang epekto ang pagkukulay ng buhok ko. Never niya akong pinansin. Well except for once when I first moved in here but then after that..He never noticed me. Sadyang binebreak ko yung rules sa SGA para mapansin ako ni daddy. Paano ako papansinin ni daddy? Simple lang, kapag nasuspend ako, papagalitan niya ako. Pero hindi eh. Hindi niya talaga ako pinapansin. I've always hated my dad. Nagpapapansin lang naman ako dahil gusto kong malaman niya na may mga anak siya na naghihintay sa kan'ya. He didn't really care much about his surroundings anymore. Which, for some reason, made me hate him more. He would do nothing but drink, smoke and sleep. 

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit. It feels so good to get out of that uniform. I never really liked SGA, but I couldn't just leave. Not after what Aissa's parents did for me..For us. I am very grateful for what they did for us. But they're gone now, so I could leave SGA if I wanted to. But that would be wasting the money Aissa's parents worked hard to earn. As much as I hate to, I'll try to finish this school year without getting kicked out..

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon