[NBT 5] Hangout Place

643 18 1
                                    

Shanice's POV

"Shanice, what happened?" tanong ulit ni Aissa dahil hindi ko siya sinagot nung una niyang tinanong.

"None of your business, Aissa." malamig kong sabi. Just because Justine is her crush doesn't mean that she has to know what fucking happened.

"Shanice, I am asking you what happened." sabi ni Aissa. Tumaas ng konti yung boses niya, pero hanggang doon lang 'yun. Hindi niya ako kayang pagtaasan ng boses higit pa doon.

"I  said it's none of your fucking business!" sigaw ko dahil alam kong ititigil na niya 'yan kapag sumigaw ako. Ngunit nagkamali ako. Mabilis siyang nakalapit sa akin at sinuntok ako sa mukha.

"Aissa!" sigaw ni Lezah

"Stay out of this, Lezah." malamig kong sabi. She doesn't need to get involved in this shit.

"Why did you do that, Shanice?" tanong ni Aissa at sinamaan ako ng tingin.

Sinamaan ko rin siya ng tingin at hindi pinansin yung sinabi niya. Sumakay na lang ako sa motor ko at pinaandar ko iyon."Shanice!" sigaw ni Aissa ngunit binalewala ko iyon at umalis na. Pumunta ako sa favorite place ko. Isa siyang hill, mataas siya at kitang kita ang city mula dito. Maganda yung view. Pinatay ko na yung motor ko at bumaba. Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan yung view. I only found out about this place last year. Nag-away kasi kami ni daddy. Pinagalitan ko siya kasi lagi siyang nagpapakalasing. Kaya ayun, nag-away kami.

Hindi ko napansin na dumidilim na pala. Tumayo na ako, sumakay sa motor ko at pinaandar na iyon. Hindi muna ako umuwi dahil galit pa rin ako kay Justine. Tumambay muna ako sa isang maliit na eskinita. Madalas din ako tumambay dito. Marami ako nakakaaway ko dito, and I actually enjoy that. It's entertaining and I get to release my stress.

"Yo, Shanice!" bati sa akin ni Azrael. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

"Hello, Queen." bati naman sa akin ni Dame.

"I told you, don't call me Queen." medyo inis kong sabi kay Dame. Tawagin daw ba akong reyna. I really don't like getting called Queen.

"Sorry about that, Shanice." paghihinging tawad ni Dame.

"It's fine." sabi ko. Marami pang ibang bumati sa akin, karamihan, tinanguan ko lang bilang sagot.

"Shanice, may gusto daw kumalaban sayo." sabi ni Drake.

"And who's that?" bored kong tanong. Wala naman kasing kumakalaban sa akin sa ganitong oras.

"He didn't mention his name." sabi ni Drake. His..Puro na lang lalaki. Wala bang babae?

"Bakit ba puro lalaki? Nakakasawa na." nilabas ko yung phone ko mula sa bulsa ko at nilapag sa sahig. Nilagay ko sa tabi ng phone ko yung susi ko ng bahay at motor. Tinanggal ko yung jacket ko dahil pabigat lang iyon kapag nakikipaglaban ako.

"Shanice is willing to fight with you." dinig kong sabi ni Drake. Tumingin ako sa kanila ngunit hindi ko makita yung mukha ng kalaban ko kaya inalis ko na rin yung tingin ko.

"Shanice, ito na siya." sabi ni Drake kaya napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon. Sa tabi niya, may matangkad na lalaki. Dark hair and grey eyes. I know that face all too well..

"You.." malamig kong sambit. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para ngumisi siya sa akin. Kinagat ko yung labi ko. Alam niyang ayoko siyang kalabanin. Simula nung bata pa lang kami, gusto niya akong kalabanin kaso lagi ako tumatanggi. Talaga bang gusto niyang masaktan? Nagtitigan lang kami doon.

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon