NBT 16: The Truth

370 10 2
                                    

-------

Shanice's POV

"Shanice.." mahinang sabi ni dad. "I'm sorry." dagdag niya at niyakap ako. Dahil nabigla ako, hindi ko siya napigilan. Everyone knows I hate hugs.

"Sorry saan?" tanong ko habang tinatanggal yung pagkakayakap niya sa akin.

"Sa lahat. Yung mga panahon na hindi kita naalagaan. Yung mga panahon na hindi kita pinansin. Lahat." he replied and smiled sadly.

"Oh..Okay lang." mahina kong sabi. Naalala pa pala niya iyon..Akala ko, hindi na.

"Sorry talaga. Hindi ko naappreciate yung mga panahon na bata ka pa. We can't relive those moments. Lalo na ngayong...Ngayong baka mawala ka na sa amin.." mahinang sabi ni dad. Tumayo na siya at naglakad palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin.

Ngayong baka mawala ka na sa amin..

Ano..Ano kaya ang sinasabi ni dad na..baka mawala ako sa kanila. Bakit? May kukuha ba sa akin? May papatay ba sa akin? What did he mean by that?

My questions are yet again, left unanswered as I walk my way to my room. Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Will I disapper from Earth? Ano ba kasi iyon?

Ngayong baka mawala ka na sa amin..

Ngayong baka mawala ka na sa amin..

Ngayong baka mawala ka na sa amin..

Father's words just won't leave my head. I kept thinking of things that might happen. But none of them made sense. So I decided to just close my eyes and sleep.

***

Nagising ako kinabukasan sa amoy ng kandila. Minulat ko yung mata ko at tumingin sa paligid. No candles in my room. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo at magbihis. Nang matapos na ako, bumaba na ako para kumain. Nang makarating ako sa kusina, nakita kong may birthday cake sa lamesa.

"Sino may birthday?" bored kong tanong kay kuya habang binubuksan ko yung refrigerator para kumuha ng tubig.

"Hindi mo naalala?" tanong ni kuya. 

"That's why I'm asking." I sarcastically said and rolled my eyes.

"Ikaw. Ikaw yung may birthday." sabi ni kuya.

"Oh..That's co-- Wait, what?!" I must have heard him wrong.

"You heard me." sagot ni kuya sabay irap.

"Akala ko bukas pa." bulong ko sa sarili ko.

"Eighteen ka na, Shanice. 'Wag ka nang isip-bata." sabi ni kuya.

"Hindi ako isip-bata." natatawa kong sabi at palarong sinuntok si kuya.

"Shanice, kailangan kitang makausap." dinig kong sabi ni daddy.

"Bakit dad?" medyo masigla kong tanong.

"May kailangan tayong pag-usapan. You have to be open minded. 'Wag kang mabibigla." seryosong sabi ni dad.

"Ano 'yun?" naguguluhan kong tanong. Umupo si daddy sa couch at niyaya akong umupo sa tabi niya.

"Shanice..Naalala mo pa ba noong sinabi ng lola mo na..Namatay si Shana matapos kang ipang-anak? Hindi totoo iyon. I mean..Totoong namatay siya..Kaso hindi dahil sa'yo. Dahil kay Justine..Shana never gave birth to you. She gave birth to one child and one child only. At si Justine iyon. Hindi ako ang totoo mong tatay. At hindi mo rin totoong kapatid si Justine. Hindi ka blood related kay Nanay Andrea at kay Tatay Dave. Lahat ng kinuwento nila sa'yo tungkol sa amin, tungkol sa'yo..Tungkol sa atin ay hindi totoo. There's no truth in what they said. Lahat ng sinabi namin..nila..It was all just a lie..Nothing but a lie." pagpapaliwanag ni daddy. I was shocked. Lost of words. I opened my mouth but nothing came out. Marami akong gustong itanong. Nanatili akong nakaupo at pinoprocess lahat nang sinabi ni daddy..I mean, Jason. It feels like my world just turned upside down. Everything I was told, everything I knew..They were all lies.

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon