[NBT 7] Her Bruised Father

769 15 8
                                    

Shanice's POV

Nagising ako dahil biglang nagvibrate yung phone ko. Ngayon ko lang naalala na sa sahig na ako nakatulog. I smelled myself. I smell like beer. Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino yung nagtext.

Unregistered Number:

Hoy, gising na Shanice. Baka malate ka ng pasok. 

Sino naman kaya ito? At paano niya nakuha yung number ko? Who the fuck cares. Tumayo na ako para maligo na. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at bumaba. Lumingon-lingon ako at tumingin sa paligid dahil hindi ko nakita si dad doon sa sala. Doon kasi siya nakaupo lagi.

"Where the hell is he?" bulong ko sa sarili ko. Pero..mukhang hindi lang ako yung nakarinig ng sinabi ko.

"Who, Shanice?" kalmadong tanong ni kuya. I see his very calm now. Good for him. 

"Our one hell of a father." bored kong sabi. Teka..Bakit ko nga ba hinahanap? It's not like I fucking care.

"I think he went out. Nakita kong lumabas kanina." sagot ni kuya. 

"Lumabas? At saan naman pupunta 'yun?" tanong ko. It's not like he has anywhere to go to. Except for the store.

"Aba'y, malay ko ba." sagot ni kuya. Of course, he wouldn't know. No one would.

"Alis na ako." walang emosyon kong sabi kay kuya.

"Sige. Ingat ka, Shanice." nakangiting sabi ni kuya. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa motor ko. Sumakay ako at pinaandar iyon. Aalis na sana ako kaso may nakita akong tatlong lalaki na may binubugbog na lalaki, medyo may edad na, sa kabilang kalye. Pumunta ako doon at laking gulat ko ng makita kong si daddy yung binubugbog nila. Biglang kumulo yung dugo ko. Fuck them. Even if I hate my dad, he's still my dad. Bumaba ako ng motor ko. I took two steps forward but it looked like they didn't notice me. 

"Hey!" sigaw ko kaya napalingon sila sa akin. 

"What the fuck do you want?!sigaw niya habang hawak-hawak yung tatay ko sa kwelyo ng t-shirt niya. I glanced at my father and saw that he was full of blood.

"Let go of my father and leave." malamig kong sabi at sinamaan sila ng tingin.

"Did you hear that Matthew, James? Siya pala yung anak ng lalaking 'to." sabi niya habang tumatawa. James..That name..Sumulyap ako sa dalawang lalaki sa likod at napansin kong pamilyar yung mukha ng isang lalaki. Siya nga..

"Ano naman kung ako yung anak niya? Why do you care?" walang emosyon kong sabi. Tumawa lang sila at binitawan nung lalaki yung tatay ko kaya nahulog siya sa kongkreto. Tinatawa-tawa nila? Kabadtrip naman 'tong mga 'to. Dapat nasa classroom na ako ngayon, natutulog o nakikinig sa cellphone ko. O 'di kaya, nananakot ng mga tao. Biglang humakbang papalapit sa akin yung lalaking may hawak kay daddy kanina.

"Don't even dare to come near me." pagbabanta ko sa kaniya at umatras ako.

"What are you gonna do about it, huh?" sabay ngisi niya.

"Ain't telling you, idiot." 

"What did you just call me?" inis niyang sabi.

"Are you deaf? Or tanga-tanga ka lang?" kainis 'tong lalaking 'to.

Nakita kong namula siya sa sobrang inis. Bigla niya akong sinugod at sinuntok pero mabilis kong nailagan iyon. Malakas ko siyang sinipa sa sikmura niya kaya napahiga siya. Tinignan lang siya ni James at Matthew. Agad namang sumugod sa akin yung lalaki sa kaliwa, which is James. Nasuntok niya ako sa kaliwa akong pisngi pero mahina naman. Malakas ko siyang sinuntok sa mukha kaya naman napa-aray siya. While he was caught off guard, sinipa ko siya. Napahiga siya sa sobrang lakas ng sipa ko. Hindi ko na hinintay sumugod yung isa kasi ako na mismo yung sumugod sa kanya. Pinaulanan ko siya na suntok sa mukha. Sinuntok ko siya sa batok kaya naman nawalan siya ng malay. Ganun rin ang ginawa ko sa dalawa ngunit sipa yung sa kanila. Pinagmasdan ko muna si James. Walang pinagbago. 

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon