NBT 14: Arcade

451 14 5
                                    

-------

Shanice's POV

Nakarating na kami sa mall. Pumunta na kami sa arcade at bibili na sana ng tokens nang biglang nagsalita si Aissa. 

"Kanya-kanyang bili! Si Shanice lang ililibre ko!" natatawang sigaw ni Aissa kila Lezah.

"Ang daya! Bakit si Shanice lang?!" sigaw naman ni Avah kay Aissa.

"Kasi best friend ko siya." sabi ni Aissa sabay akbay sa akin. Ang lapad ng ngiti niya. 

"Aba, aba. Best friend mo rin naman ako ah.." sabi ni Lezah at nagpout.

"Haha. True, Lezah, true. Pero, si Shanice lang talaga ang ililibre ko. Badtrip kasi siya doon sa Selena na 'yun eh. At dahil alam kong KJ siya kapag badtrip, alam kong hindi siya bibili ng tokens. Kaya libre ko na lang." natatawang sabi ni Aissa.

"Come on, Aissa, Lezah, Shanice!" dinig naming sigaw ng tatlo kaya naglakad na kami patungo doon sa arcade. Bumili na si Aissa ng tokens para sa akin at sa kanya. Tinanggap ko naman 'yung mga tokens.

"NO!" sigaw ni Avah dahilan para mapalingon kami sa kanya.

"Ang daya! Ang daya talaga ng claw machine na 'to!" sigaw ni Avah habang tinuturo yung claw machine. Tss. Parang bata.

"Calm down, Av. Machine lang 'yan." sabi ni Alexandria habang kinakalma si Avah.

"Ang isip-bata talaga ni Avah." dinig kong sabi ni Clarishia. Hindi ko na lang iyon pinansin at pumunta doon sa basketball.

"Aissa. Paramihan." sabi ko dahilan para lumingon si Aissa sa akin.

"Sige ba!" sigaw niya at naglakad na patungo sa akin.

"On 3, Shanice." nakangiting sabi ni Aissa. Hindi ko iyon pinansin at nagready na lang.

"One..Two.." mahinang sabi ni Aissa habang nakangiti pa rin.

"THREE! GO!" sigaw ni Aissa kaya agad kong hinulog yung token ko at nagsimula na. Nakalipas na ng tatlong minuto at tumigil na yung laro.

"Ilan nakuha mo, Aissa?" tanong ko.

"24 shoots." pagmamayabang ni Aissa. Proud na proud pa yung ngiti.

"30 shoots." sabi ko naman at nakita kong napalitan yung kayabangan ni Aissa ng gulat at lungkot.

"Ang daya mo kasi! REMATCH!" sigaw ni Aissa dahilan ng pagkatawa ko.

"Hoy! Rematch sabi!" sigaw ni Aissa ngunit tawa pa rin ako ng tawa.

"Ang galing mo babe." dinig kong sabi ng isang pamilyar na lalaki. Lumingon ako at natagpuan ko doon si Marxius, Khatrina at Bryle. Teka..May kasama pa silang tatlo. Si Sabrina, Chase at..Jhayden. Of course. They just had to bring along fucking Jhayden. 

"Sabing 'wag mo akong tawaging babe." seryoso kong sabi at masamang tinignan si Marxius. 

"Right. Sorry na." sabi niya at kinamot yung ulo niya. 

"Whatever." sabi ko sabay irap. Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Khatrina.

"Shanice, wait!" sigaw niya kaya napalingon ako sa kan'ya.

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon