[NBT 2] Montessori High School

1.1K 26 7
                                    

Shanice's POV

Apat na araw pa lang ang nakakalipas simula nang masuspend ako. At the moment, I am on the phone with Aissa.

"Aissa, I'm bored." sabi ko. Wala akong pwede awayin dito sa bahay.

"Hayaan mo na Shanice, mga sampung araw na lang, makakapasok ka na ulit." sabi ni Aissa. Buti pa siya, pwede manggulo doon sa SGA.

"Time is not that fast, Ai." it really isn't.

"Whatever Shanice, whatever." she dramatically said. I can't see her, but I know she just rolled her eyes.

"Aissa, don't you have things to do?" tanong ko sa kanya.

"I do, actually. Sige na nga. Bye Shan." pagpapaalam ni Aissa. Shan..?

"You know that I hate being called Shan." seryoso kong sabi at binaba na yung tawag. Ilang saglit lang matapos kong ibaba yung tawag, may kumatok sa pinto ko.

"Pasok." medyo bored kong sabi.

"Shanice!" masiglang bati sa akin ni kuya Justine.

"What do you want kuya?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Naglakad siya patungo sa akin at may inabot.

Isang brown envelope. Binuksan ko yun at tinignan kung ano ang laman..Laking gulat ko nang makita ko ang laman noon. May 2x2 picture ko tapos may mga records ko sa SGA. Kung ilang beses ako nasuspinde at kung anu-ano pa. Tinignan ko lahat ng laman ng envelope na yun, hanggang sa may nakita akong bond paper..It was a letter..

Dear Shanice Vergonia,

You have just been accepted to Montessori High School. We would like to inform you that you start tomorrow. You may come and pick up your uniform today.

Have a great day, Miss Shanice.

Sincerely, 

Mr. Valderama, the school principal.

"Kuya, what's the meaning of this?" tanong ko sa kapatid ko. Gulong-gulo ako ngayon. Wala akong naalala na nag-enroll ako sa MHS.

"The principal of SGA just informed tita that you, Shanice Vergonia, just got kicked out of SGA." kalmado niyang sagot sa tanong ko.

"Seriously? That's great!" sigaw ko.

"Calm down." sabi ni kuya. 

"I am calm." sagot ko.

"Anyway, tita just enrolled you to my school, Montessori High School. " pagpapaliwanag ni kuya.

"Wait, wait. Tita? Sinong tita?" tanong ko. 

"Si tita Anna. Kapatid ni mommy. Siya yung nilalagay bilang guardian mo sa mga documents simula nang mamatay yung mga magulang ni Aissa." pagpapaliwanag ni kuya. That's right. Magulang ni Aissa ang naging guardians ko noong pumapasok ako.

"Anyway, let's go to MHS. We need to pick up your uniform and I.D." sabi ni kuya at lumabas na ng kwarto ko.

Tumayo ako sa kama ko at nagtungo sa banyo. Maliligo muna ako. Pagkatapos ko maligo, nagtapis ako ng twalya at pumunta sa closet ko, binuksan ko iyon at kumuha ng shorts at yung black tank top ko. Nagbihis na ako at pumunta ulit sa banyo para maglagay ng eyeliner. Nang matapos na iyon, kinuha ko na yung black leather jacket ko at sneakers ko tsaka bumaba.

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon