[NBT 3] Trouble

865 19 12
                                    

Bryle's POV

Nakita kong tumingin lahat ng estudyante, dito sa labas, sa amin. Or should I say, sa akin.

"What are you people staring at?!" pasigaw kong tanong sa kanila kaya agad silang umiwas ng tingin. They should know better.

"Why the hell did you do that?!" tanong ko doon sa babaeng sumuntok sa akin.

"Let's see..To be honest, no reason." bored niyang sabi. No reason? Ako ba'y pinagloloko nito?

"You don't know who you're messing with, idiot! You'll pay for this!" sigaw ko sa kanya. Nakita kong nagpipigil si Marx ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Yeah..Whatever, stupid." sabi nung babae tsaka naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Oh, may rival ka na." sabi ni Khat. Rival? What the fuck?

"Shut up Khat. I don't want anything to do with her." bwisit itong si Khatrina. May rival pang nalalaman.

"Whatever Bryle." sabi ni Khat sabay irap. "Anyway, nasaan si Marx?" tanong niya sa akin.

"Hinahanap yung crush niya." sabi ko. Crush ni Khat si Marx simula grade 4. Matagal-tagal na rin kami magkakakilala. We've known each other basically our whole lives.

"Aray!" sino bang hindi mapapaaray kung babatukan ka ni Khat? She probably the most brutal girl I know. Well, apart from my sister. Reyna ng brutality yata si ate.

Khatrina's POV.

"Aray!" sigaw ni Bryle matapos ko siyang batukan.

Nilibot ko ang mga mata ko para hanapin si Marxius. May humagip sa paningin ko doon sa may basketball ring. At doon may nakita akong lalaki at babae..Naghahalikan sila. And guess what, si Marx yung lalaki. May babae na namang kahalik. Biglang kumulo yung dugo ko kaya tumayo ako sa pinauupuan ko at naglakad paalis. Kailangan kong kumalma. 

"Hoy! Khat, saan ka pupunta?!" sigaw ni Bryle ngunit hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Dinala ako ng mga paa ko sa soccer field sa likod ng school building. Naglakad ako patungo sa isang malaking puno. Umakyat ako doon at umupo sa isang sanga. This is the place where I always come when I want to be alone. I come here to enjoy the surroundings. It's very peaceful and quiet here that's why I like it.

Kinuha ko yung earphones ko mula sa bulsa ko, sinaksak ko iyon sa phone ko at nilagay sa tenga ko yung earphones. Nagpatugtog ako ng kanta sa cellphone. Dahil wala akong mapili na kanta, nilagay ko na lang sa shuffle yung playlist ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako dahil may yumuyugyog sa balikat ko. Pagkamulat ko ng mga mata ko, nakita kong si Marxius pala iyon. Nakaupo na siya sa tabi ko dito sa sanga. Walang emosyon ko siyang tinignan at tumalon pababa ng sanga na inuupuan ko. It wasn't that high anyway. Tumakbo ako palayo dahil ayoko muna makita yung pagmumukha niya.

"Teka lang Khat!" sigaw ni Marx habang tumatakbo ako palayo ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtatakbo. At dahil hawak-hawak ko pa rin yung phone ko, tinignan ko kung anong oras na. 12:30pm..Ganon katagal ba ako nakatulog? Tumigil muna ako sa pagtatakbo dahil mukhang hindi naman ako hahabulin ni Marx. Dahil hindi pa ako kumakain, pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko iyon at nagtungo sa gate. Bumusina ako para buksan nung guard yung gate. Agad namang lumabas yung guard mula sa guardhouse at pinagbuksan ako ng gate.

Naghanap ako ng makakainan ngunit wala akong makita kaya bumili na lang ako ng fishballs at kwek kwek dyan sa tabi tabi. Plano ko pa naman sana kumain ng barbeque o kaya isaw. Kaso, sarado yung karinderyang lagi kong pinupuntahan. Favorite ko pa man din yung pagkain nila doon.

Nang matapos na akong kumain, hindi na ako bumalik sa MHS. There's no point in going back there and attend one class. Kaya pumunta na lang ako sa tambayan namin ni Bryle at Marx. It's just an old, plain, abandoned house. Hindi siya kalakihan, tama lang para sa isang pamilya yung size ng bahay. It's pretty old kaya minsan may nahuhulog na mga kahoy.  Pumasok ako sa loob at umupo sa usual spot ko. We bought chairs here so we could sit somewhere. Nilabas ko yung phone ko at tinignan kung anong oras na. Tinago ko na yung phone at nilibot yung paningin ko. Napansin kong nawawala ang ilang mga gamit na dinala namin dito. May nawawalang isang upuan. Tsaka yung spare clothes namin, wala na rin. May nakita akong baril sa gilid. Kinuha ko iyon at tinignan kung may bullets. Buti na lang meron. I took caution to my surroundings.

May narinig akong creak sa right side ko kaya agad akong napalingon doon. Dahan-dahan akong naglakad patungo doon. I tried to make minimal noises because I didn't want to get caught. May narinig akong creak sa likod. Lumingon ako. And in a flash, may humahawak na sa akin. He was holding my arms with one hand. And with the other, he was holding my hair.

"What the fuck do you want?" malamig kong tanong sa kanya.

"Stay quiet and I might spare your life." he said. I was still holding the gun which he didn't seem to notice. 

"How can I make sure that you actually will spare my life?" malamig kong sambit. Of course, you can never trust a stranger like him. Kasi baka mamaya, ibenta ka niya sa masamang tao o kung ano pa gawin sayo. Pero, hinding hindi niya yun magagawa sa akin.

"Kevin! Nasaan ka!" dinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa ikalawang palapag. 

"Kevs!" sigaw ulit nung lalaki.

"Nandito sa baba, Henry!" sigaw nung Kevin. Hawak-hawak pa rin niya yung kamay at buhok ko. Nakalipas ng ilang saglit at may pumasok na matangkad na lalaki. 

"Sino 'to, Kevs?" tanong nung Henry. 

"Aba'y malay ko ba." sagot ni Kevin. May pinag-usapan pa silang kung anu-ano na hindi ko na alam kasi nagfocus ako sa pagtakas ko. Not that I can't kill them. I mean, I can but I don't need to...But I might. Tinignan ko si Henry at nakita kong nakangisi siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Henry was standing about 4 or 5 meters away from me. Malakas kong inapakan yung paa ni Kevin kaya binitawan niya ako. Agad akong tumakbo palayo. Hinabol ako ni Henry. Si Kevin, naiwan doon kasi nga, inapakan ko yung paa niya. Tumakbo ako palabas ng bahay at pumunta sa gilid ng bahay. Nang makalabas si Henry, lumapit siya sa kotse ko. May balak yata nakawin yung kotse ko ah. Dahan-dahan ako lumapit sa kanya.

"Get away from my car or I'll shoot." malamig kong sambit.

"I'd like to see you try." sabi ni Henry at ngumisi. He slowly walked towards my car. He stopped inches away from it. He was about to take another step but I fired a shot and it hit his leg kaya napahiga siya sa sahig. Lumapit ako sa kanya at inapakan yung dibdib niya. Tinutok ko yung baril sa may ulo niya at binaril siya. I coldly looked at him for a moment before going back inside to find Kevin. Nakita kong nandoon pa rin siya kung saan siya naiwan. I hid so that he wouldn't see me. Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto. Since he didn't notice me, I shot him in the arm. Agad naman siyang napahawak sa braso niya. He turned around only to find me in front of him, pointing the gun to his forehead.

"You move, I shoot." walang emosyon kong sabi. May narinig akong kotse sa labas. Narinig kong sumara yung pinto ng kotse.

"Khat!" dinig kong sigaw ni Bryle at Marx. 

"Looks like you've got company." sabi ni Kevin. Masama akong tumingin sa kanya habang siya, nakangisi lang. I saw that he moved his arm so I shot him down. Bumagsak siya sa sahig at hinayaan ko lang siya doon. 

"Khatrina!" sigaw nung dalawa sa labas. I heard footsteps approaching the door.

"Khat!" the boys screamed and the door flew open. Nakita kong nanlaki naman yung mga mata nila. Nanlaki iyon dahil sa nakikita nila. I mean, my shirt was covered in blood. And there's a few blood splatter on my face. 

"I'm going home." walang emosyon kong sambit at mabilis akong lumabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at umalis na. Habang nagdadrive ako, mabilis yung tibok ng puso ko.

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon