NBT 10: The Hangout

494 12 1
                                    

Shanice's POV

Nagising ako kinabukasan ng nakapatong sa tiyan ko yung paa ni Aissa, habang yung kamay ni Lezah nasa mukha ko. Yung tatlo naman, tahimik na natutulog sa may paanan ko.

"Tangina! Alisin niyo yung paa't kamay niyo!" sigaw ko sa dalawa dahilan para magising silang lahat. Natatarantang tumayo yung lima habang ako nahihirapan tumayo.

"Shanice! Ang aga-aga, sumisigaw ka!" sigaw ni Lezah sa akin.

"Sino bang hindi sisigaw kung gigising ka na lang, may nakapatong pa na mabigat na paa sa tiyan niya tsaka may kamay sa mukha? Ha?!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi mabigat yung paa ko!" natatawang sigaw ni Aissa.

"Yeah..And I'm supposed to believe that?" tanong ko sabay irap.

"Well..Yeah..No. Maybe?" hindi siguradong sabi ni Aissa

"Whatever. Tulungan niyo na lang ako." sabi ko at agad namang hinawakan ni Alexandria at Aissa yung kamay ko at hinila ako patayo. Nang makatayo na ako, agad akong pumasok sa banyo.

"Thanks guys." pagpapasalamat ko sa kanila bago pumasok ng banyo. Naligo na ako, careful not to hurt my back, pagkatapos ko maligo, nagtapis ako at lumabas ng banyo. Binuksan ko yung closet ko at kumuha ng damit. Papasok na sana ulit ako sa banyo pero pinigilan ako ni Aissa.

"Wait, Shanice. Where are you going?" naguguluhang tanong ni Aissa. I figured she would say that because it's Saturday today.

"Out." bored kong sabi.

"Out..Where? And you're supposed to rest for 3 days" tanong ni Lezah.

"Sa tambayan ko." sagot ko, ignoring what she said about rest. And by that, I mean..yung maliit na eskinita.

"Can we come?" sabay-sabay nilang tanong.

"Uh, sure. You can come." sabi ko. I really am not sure of that. I mean..The guys might not..like it. Pumasok na ulit ako sa banyo at nagbihis na. Sinuot ko na yung black ripped jeans ko at white tank top. Naglagay ako ng eyeliner tsaka lumabas na para maabutan silang nagpupustahan. 

"I bet a thousand that Shanice will go a day without eyeliner." sabi ni Avah. Others know better.

"I bet 3,000 that she won't." nakangiting sabi ni Aissa.

"I bet 2,000 that she will." sabi naman ni Clarishia.

"I bet 4,000 that she won't." sabi ni Alexandria.

"What about you, Lezah?" tanong ni Clarishia.

"I know better than to bet about that." natatawang sagot ni Lezah.

"Stop that. And no way, I will not go a day without it." walang emosyon kong sambit.

"Pay up!" sabay na sigaw ni Aissa at Alexandria habang tumatawa. Kinuha ko yung leather jacket ko sa sahig at lumabas na ng kwarto ko. Agad naman silang sumunod. I found my motor in the garage. Pinasok siguro ni kuya doon. I remember that I left it outside. Sumakay na ako sa motor ko at sumakay na rin sila Aissa sa kotse niya tapos umalis na kami. 

"Good morning, Shanice." bati sa akin ni Azrael.

"Morning Az." simple kong sagot. 

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon