NBT 11: The Past

517 12 1
                                    

Aissa's POV

"Where is she?" bulong ko sa sarili ko. Paano siya nakaalis ng ganun kabilis? Saan siya duma- Teka, teka..Kilala si Shanice d'yan. Sa fast moves at fast escapes niya.

"Well?" Jhayden impatiently asked.

"She's not here." malamig kong sagot. Where has he even been all these years?

"I thought she would be here. Nakita ko kasi yung motor niya." sabi ni Jhayden sabay talikod.

"Where have you been?" walang emosyon kong tanong nang nagsimula na siyang maglakad.

"D'yan lang." simple niyang sagot at tuluyan nang nawala sa paningin ko.

"Sino 'yun, Aissa?" tanong ng apat.

Cris Jhayden. My brother's best friend. And also my best friend. But not anymore. Tinapos ko na ang pagkakaibiganan namin nang nawala siya. Nang nawala si Jhayden, nagalit ako sa kaniya. Lumaki ng lumaki ang galit ko sa kaniya hanggang sa tinalikuran ko na ang lahat ng pinagdinaanan namin. All the crimes, all the smiles, all the laughs and all of the friendships. I treated him as if he was my brother. And he did the same to us. 'Yun nga, nawala siya, kinalimutan ko na tinarato ko siya bilang isang kapatid. I forced myself to forget all the crimes we did together. All the smiles we showed. And the strong friendship we had built. Nakilala ko si Shanice nang dahil kay Jhayden. He did so many wonderful things for us. But I chose to forget all of that. I hated him for just disappering like that. Ang my brother chose to do the same thing..

Flashback

5 months passed nang nawala si Jhayden..

"Kuya..Sa tingin mo, saan pumunta si Jhayden?" naguguluhan kong tanong. I came up with so many places where he could go. But..I don't know if I should search for him.

"I don't know baby. Nagbakasyon lang siguro siya."  nakangiting sagot ng kuya ko. Alam kong ayaw niya lang akong mag-alala.

"Bakasyon? You can't fool me kuya. They are just like us. They can't afford a vacation."  I said and pouted. Hindi nila afford magbakasyon. Just like us. Pagkain nga hindi kaya, bakasyon pa kaya?

"Don't worry baby. Babalik din si Jhayden." sabi ni kuya ng nakangiti. He has a beautiful smile.

"How do you know?" tanong ko. 

"I just do baby. Matulog ka na nga."  sabi ni kuya. Agad naman akong sumunod at pumasok na sa kwarto namin. We share rooms, me and kuya. Isip ako ng isip kung saan pwede pumunta si Jhayden. Sa kakaisip, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Kinabukasan..

Nagising ako nang wala si kuya sa tabi ko. Lumabas na ako ng kwarto.

"Kuya?"  hinanap ko siya sa banyo.

"Kuya?"  hinanap ko rin siya sa kusina.

"Kuya?" hinanap ko rin siya sa labas.

"Kuy-"  natigilan ako sa paghahanap. My brother was nowhere to be found..That's when I realized na iniwan niya rin ako. Sumama ang loob ko sa kapatid ko. I didn't even bother in finding them. I knew that it was impossible.

2 years passed since they disappeared..

I was already 13 years old. Marami na ang nangyari sa dalawang tanong nakalipas.

Nothing But TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon